Chapter 12

1615 Words
~ Reeca ~ Sa paglipas ng mga araw, ngayon ko talaga napagtanto na parang may kakaiba, parang may mali sa paligid. Hindi ako matalino at magaling sa lahat ng bagay at inaamin ko iyon, pero may common sense naman ako. Iba talaga ang trato sa akin ng ibang maids dito. Hindi nila ako magawang makausap na para bang natatakot sila sa akin lalo pa kung andito kung minsan si Sir Vrikzor. Ang tanging nakakausap ko lang ay ang mayordoma na minsan ko lang din naman makausap lalo pa at namamahala ito ng buong kabahayan. Tanging si Cecil lang ang mapagkakatiwalaan ko, siya lang din ang bukod tanging kakwentuhan at katawanan ko. Hindi naman kami sinasawa ni Sir Vrikzor kapag nakikita kaming nag-uusap ni Cecil. Mukhang ayos lang naman kahit iisa lang ang expression ng mukha. Sabado ngayon at kakatulog lang nang hapon na ito si Neeca, habang nasa sariling kwarto rin si Zor at nagpapahinga. Sakto naman na umalis si Sir Vrikzor kasama nang napakarami nitong bodyguards na naka-black suit pa. Marami naman na naiwan na mga bantay sa buong kabahayan syempre. Kakaalis lang din ng mayordoma kasama ng dalawang kasambahay para mamalemgke. Kaya habang walang ginagawa ay naglaba ako ng mga marurumi kong mga damit. Nasa likod bahay ang laundry, sakto naman na bakante at walang naglalaba ngayon kaya pwedeng pwede ako maglaba. Bitbit ang malaking basket ay lumabas ako mula sa exit ng kusina papuntang likod bahay. “Saan ka punta madam?" biglang sulpot ni Cecil sa kung saan. “Maglalaba syempre." sabay nguso ko sa basket ko. “Bat ikaw maglalaba niyan? Araw araw may naglalaba rito bakit hindi nilalabhan ang sa iyo?" “Ayus lang, Anu ka ba. Hindi naman ako boss dito" sabay ngisi ko rito at tumalikod na. Sinamahan naman ako ni Cecil habang nagpapaikot sa washing machine na automatic. Nakaupo ako habang kinukusot ang mga panloob ko. Habang si Cecil naman ay halos mag-isang linya na ang guhit sa noo kakasaway sa akin na wag daw akong maglalaba at baka ako ay mapagod. Tinawanan ko nalang si Cecil. Masiyadong over acting na rin, pero walang katapusan naman ang aming daldalan. Hindi ko akalain na joker rin pala itong si Cecil ang sarap kausap. Natigil kami sa pag-uusap ng may tumawag sa cellphone ni Cecil. “Okay po papunta na po ako." tumayo ito. “Sino yan?" tanong ko. “Si Manang, parating na. Sasalubungin ko lang. Babalikan po kita ah." “Naku wag na. Patapos na rin ako." pinakita ko rito ang de-ipit para sa mga undies ko. “Asus. Sige na po wait ka lang diyan." Nagtataka man ay hinayaan ko na lang ito at pinagpatuloy ang ginagawa. Napakanta-kanta pa ako. Sakto naman na tapos na ako magpaikot . Paglabas ng nilabhan ko ay mga tuyo na at binagsak ko na ang mga iyon sa basket. Tanging mga undies ko lang ang kinusot ko at dryer nalang para mabilis matuyo. Isang oras lang ata ako naglaba at patapos na rin. “Wow andito pala ang feeling asawa ni Master?" Natigilan ako sa aking ginagawa ng makarinig ng salita sa aking likuran kaya napaharap ako. Pero nagulat ako dahil tatlo sila ngayong nasa harapan ko. “Ako kausap mo?" tanong ko sa nauunang tatlo. Hindi ko alam ang mga pangalan ng mga ito pero kilala ko itong nagsalita dahil siya lang naman ang mahilig magtaray sa akin at kung tumingin ay pagalit. Habang ang nasa kaliwa nito ay ang mukhang bago lang pero masama ang tingin sa akin. Yung isa naman ay hindi ko ito napapansin dahil palaging nakayuko pero ngayon ay nanlilisik rin ang mga mata na nakatingin sa akin. “T-gna feeling pabida ka rin no? Baka akala mo porke ikaw ang napiling yaya ng mga anak ni master ay magiging asawa ka na?" sagot ng bagong mukha. Sumeryoso ang mukha ko. Hindi ko gusto ang talas ng mga dila ng mga ito. “Diretsuhin niyo ako. Anung problema niyo?" hindi ako nakakatakot sa mga ito lalo pa at napaalalahanan na ako ni Farrah na wag akong papaapi. Pare-parehas lang kaming mga alipin sa pamamahay na ito. “Ang yabang mo rin no? Sobrang sipsip mo ba kaya pinaalis mo rito si Danica? Sa ginawa mo feeling entitled ka na?" pinasadahan pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa ng pangatlong babae. “Matagal na kami rito." lumapit sa akin ang babaeng mataray at halos magkandaduling-duling ako ng ilapit nito ang mukha sa mukha ko. Napaatras ako ng bahagya. “So? Anung paki ko kung matagal na kayo rito?" matapang kong sagot. Natigilan ito sa sinabi ko at maya maya pa ay tumawa ito na para bang nang-iinsulto. Nagulat ako ng hawakan nito ang kaliwang braso ko ng mahigpit kaya nabitawan ko ang ilang mga damit na hawak ko. “Bitiwan mo ako!" piksi ko pero mas lalong hinigpitan nito ang paghawak sa braso ko at nasaktan ako. “Wag mo kaming ginag*go dito! Kung ayaw mong masaktan ay sumunod ka sa amin. Kaming matatagal na rito ay sinusunod ng mga katulong dito. Kaya dapat sumunod ka, kung ayaw mong mapatalsik sa bahay na ito." nanggigigil ang mukha nitong nakatingin sa akin. “Sino ka para utusan ako?!" singhal ko sa babaeng ito na mukhang baliw sa paningin ko. Anung feeling nito siya ang boss? Ang kapal ng mukha, kasing kapal ng bato ang mukha nito. Napaigik ako sa sakit ng itulak ako nito ng malakas sa pader at ilang saglit pa ay hawak na nito ng mahigpit ang buhok ko. “Ahh! Bitiwan mo ako!" pumapalag ako. Hindi pwedeng apihin ako ng mga baliw na ito. “Girls hawakan niyo to!" sigaw ng siraulong ito at sumunod naman ang dalawa at ngayon ay mahigpit na hinakawan ako ng mga ito sa magkabilang braso ko. “Wag mo akong yabangan at matutong sumunod sa akin." mayabang na salita nito at bigla akong sinampal sa kaliwang pisngi. “Ahh!" impit kong sigaw at halos malaking ang mukha ko sa sobrang sakit ng malakas nitong sampal. Gusto kong gumanti pero hawak ako sa magkabilang braso ng dalawang babae. “Wala akong ginagawang kasalanan sa inyo tigilan niyo ako! Ahh!" Mag-asawang sampal ang ginawa nito sa akin. “Alam mo kung ako sayo magpaalam ka na rito. Kung gusto mo pang mabuhay" Hindi ako makasagot dahil biglang nalasahan ko ang dugo sa aking labi, nakaramdam din ako ng pagkahilo. “Bitiwan niyo siya.!" utos nito sa dalawa kaya sabay nila akong binitiwan. Napaluhod ako dahil talagang nahilo na ako. Pero gusto kong gumanti. “Sa susunod na makita pa kitang magmayabang hindi lang yan ang aabutin mo." Patalikod na ito ng tumayo ako. Kahit na nahihilo ay tumaas ang dugo sa galit. Mabilis ko itong sinipa sa likuran na kaniyang ikinatumba. “Ahh!" Malakas nitong sigaw. Habang ang dalawang alipores nito ay halatang nabigla rin. “Wag mo akong utos-utusan babeng baliw. Hindi mo ako tauhan." matapang kong sagot. “Ang yabang mo talaga eh no!" “Humanda ka sa amin!" “Hind diyan lang kayo at ako ang tatapos sa malanding ito!." sagot ng baliw at tumayo ito at mabilis ang galaw na sinunggaban ang buhok ko. Mabilis rin ang mga galaw ko kaya nahawakan ko na rin ang buhok ng baliw na ito at ngayon ay nagsasambunutan na kami. Kalmot, tadyak, suntok at halos matanggal ang aming buhok sa anit dahil walang gusto magpatalo. Isang putok ng baril ang nagpatigil sa amin. Halos manginig ako ng bitiwan ng siraulong babaeng ito na ngayon ay natumba at para bang kinawawa. Sabog-sabog ang buhok nito at may kalmot sa pisngi. “What the f*cking he ll is this?!" dumadagundong na boses ang aming narinig walang iba kundi kay Sir Vrikzor. Napatingin ako kay Sir Vrikzor. Sobrang takot at kaba ang nararamdaman ko ngayon sa mga matang matatalim nito. Kasabay nito ang mga kasambahay at mga tauhan nito sa likuran na halata ang matinding takot. Habang ang dalawang alipores naman ay namutla ng husto. “M-master, sinaktan niya po ako." biglang iyak ng babeng siraulo. Halos mapanganga ako sa gulat ng bigla na lamang itong umiyak na para bang aping-api. “H-hindi totoo yan. Siya ang nauna." Hindi ko alam pero gusto ko ulit itong sugurin at sapakin sa mukha dahil mukhang mag-sinungaling pa ata. “Master totoo po. Gusto ko lang po siya kausapin bigla niya akong sinigawan at sinipa sa likod." mangiyak-ngiyak pa ito. “O-opo M-master. Totoo po ang sinasabi ni Nina." “N-nauna po ang babaeng yan M-master!" sabay turo ng isa sa akin. “Hindi. Mga sinungaling kayo. Naglalaba ako rito ng bigla nalang kayo sumulpot at pagsalitaan ng kung anu-ano. Sila ang unang nanakit sa akin." nangilid ang mga luha ko dahil pakiramdam ko ay baka ako pa ang mapasama sa tatlong bruha. “Jackson!" malakas na tawag ni Sir Vrikzor, at biglang sumulpot si Jackson na boyfriend ni Farrah. Gusto ko itong takbuhin para humingi ng saklolo. Alam kong tulungan ako nito dahil matagal kaming nagkasama sa bahay ng mga ito. Nagtama ang mga mata namin ni Sir Vrikzor. I can't read what his mind but I saw his worried eyes. Gumagalaw ang mga panga nito at ramdam ko ang matinding galit. “Madam Reeca!" malakas na napatili si Cecil. “Cecil" tuluyan na akong napahikbi nang magtatakbo ito palapit sa akin. “Sorry po, natagalan ako sa pagbalik. Jusko anung ginawa nila sayo.?" bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala. Hindi nito pinansin ang mga nasa kapaligiran. “C-cecil" mahinang banggit ko rito at umikot na ang aking paningin. Ang huling narinig ko na lamang ay ang malakas na tili ni Cecil at ang pagsalo sa katawan ko ng dalawang brasong matitigas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD