Nang makauwi si Zoren sa kanilang bahay matapos ang mahabang trabaho, ay mainit ang ulo nito. At nang makita si Althea ay agad niya itong hinawakan sa kaniyang braso. “Hinayaan mo talaga si Ezekiel na doon mag-trabaho kasama ko?! Nag-iisip ka ba?!” sigaw naman ni Zoren kay Althea ngunit naging palaban si Althea sa mga oras na ito. “Ako ba ang anak mo para sabihin mo sa akin yan? Para sa kaalaman mo Zoren, hindi ako ang nag-desisyon ng gusto niyang gawin sa buhay. At kung gusto niya doon na mag-trabaho bakit hindi hindi ba? Masama ba yon? At ano ba ang ipinuputok ng butchi mo diyan ha?!” pahayag naman ni Althea kay Zoren nang mainsulto dito, Nang biglang dumating si Ezekiel at nagulat nang makita hawak-hawak na ni Zoren ang kaniyang ina. “Dad! Anong ginagawa mo kay mom?!” sigaw naman n

