Nang makarating sina Sabrina sa bahay ni Mrs. Montefalco at nang maibaba kaagad ang kanilang mga gamit ay naisipan ni George na umalis muna pansamantala at tumungo sa mall para may bilhin. “Kuya, samahan mo ako saglit sa mall. May bibilhin lang ako,” pahayag naman ni George sa kanilang driver. Nagulat naman si Mrs. Montefalco nang sabihin iyon ng kaniyang anak, “George? Hindi ka ba muna mag-papahinga? Galing ka sa byahe, baka kung mapaano ka niyan,” saad naman ni Mrs. Montefalco kay George. Napangiti naman si George nang sabihin iyon sa kaniya, “Hindi na ma, ngayon na ako bibili at tsaka kaya ko pa naman po. Uuwi nalang din ako kaagad para makapag-pahinga, mabilis lang po talaga ako. Hahabulin ko lang ang mall baka mag-sara na sila,” tugon naman ni George sa kanyang ina. “Sige anak,

