Habang nag-lalakad papalabas ng mall sina Lucas at Sabrina, ay napansin ni Lucas na tila parang may sumusunod sa kanilang lalaki kahit napakadaming tao, kaya’t hinawakan na ni Sabrina ang kamay nito at mas minadali na nila ang kanilang pag-lalakad. Nagulat naman si Sabrina nang gawin iyon sa kaniya ni Lucas kaya’t nag-taka na ito, “Lucas? Nagmamadali ba tayo? Pasaan ba tayo? Anong meron?!” tanong ni Sabrina kay Lucas habang ito ay unti-unti nang kinakabahan at natatakot. “Sabrina, bilisan mo na lang mamaya ko sasabihin!” pahayag naman ni Lucas sa kaibigan. At dahil sinabi ni Lucas iyon ay binilisan ni Sabrina ang kaniyang pag-lalakad dahil hindi naman ito pwedeng tumakbo ng mabilis dahil sa kaniyang anak na nasa sa kaniyang sinapupunan. At nang makarating sila sa parking lot, ay agad s

