Chapter 70

1862 Words

Inabot ng gabi si George nang makarating sa kaniyang bahay sa Pinas. At nang makababa ng sasakyan ay agad na bumungad sa kaniya ang kaniyang Yaya Ester at agad siyang niyakap. Habang yakap-yakap ni Yaya Ester si George ay hindi niya naiwasang maluha. “Ya, wag na umiyak. Nandito na po ako,” pahayag naman ni George sa kaniyang yaya na umiiyak. “Pasensya ka na anak, kung napauwi ka ng maaga,” saad naman ni Yaya ester kay George. “Ya, wag niyo nga pong sabihin yan. Okay lang yun, ang mahalaga nandito na ako—” pahayag naman ni George. Pumasok sila sa loob at naupo sa sala upang pag-usapan ang tungkol sa nangyari. “Ano ba kasi ang nangyari Ya? Wala naman bang nasaktan sa inyo ng iba pang katulong at si manong guard lang ang nadamay? Kamusta na siya sa ospital ngayon?” tanong naman ni George

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD