Nang makaalis si Sonia sa bahay nina Althea ay natulala ito sa kakaisip kung ano ang kailangan niyang gawin at napansin naman ito ng kaniyang ina na si Celeste, “Oh? Anak? Althea? Okay ka lang ba?” tanong naman ni Mrs. Celeste sa kaniyang anak. Ngunit nang tanungin ni Celeste ito ay hindi ito umimik, kaya’t nilapitan niya si Althea at kinulbit sa kaniyang balikat. “Anak? tinatanong kita, kung okay ka lang ba?” pahayag muli ng in ani Althea sa kaniya at doon na napatingin at nagulat ito. “Ah—mom? Yes! Yes of course I’m okay,” tugon naman kaagad ni Althea “Mukhang hindi eh, ang lalim-lalim ng iniisip mo. Ano ba yun?” tanong naman muli ni Mrs. Celeste sa kaniyang anak. Napailing naman si Althea, “Wala mom, mga bagay-bagay lang. halata naman po hindi ba kung ano lang iniisip ko? Wala nam

