SUE POV Matapos kong makausap si Mommy, umalis ako at papunta na sa kompanya. Hindi ko maintindihan kong bakit nagawa ko siyang yakapin ng ganoon. Kahit na alam ko sa sarili ko, na subra ang galit na nararamdaman ko sa kanya. Alam ko namang wala siyang alam sa lahat, pero kagustuhan niya ang gumawa ng kasalanan sa isang tao. Hindi niya alam na may maapektuhan sa ginawa niya. Isa pa itong si Miguel Echavez, akala ba niya matatakot ako sa kanya? Hindi naman ako babalik at magpapakita sa kanila kung nakapahina ko. Pinaghandaan ko ang pagbabalik ko, dahil alam ko ang sino-sino ang mga babanggain ko sa pagbalik ko. Napalingon ako sa cellphone ko nang tumunog ito. Nakita kong isa ito sa mga pinagkakatiwalaan namin nina tita Erica. Sinagot ko kaagad ito. "Hello? Anong balita?"tanong ko dito.

