MAILLEY POV Hindi ko parin mapigilan ang inis ko, lalo na sa Xiah na iyon. Nakakabwisit! Dagdag pa ang Lherry na iyon, tatlong taon na hindi ko sila nakita. Akala ko hindi na magtatagpo ang mga landas namin, pero bigla na lang silang lilitaw after 3 year. Damn! Maging si Ate Sue, hindi ko maintindihan kung anong galit mayroon siya sa amin ni Mommy. Maging si Harryd nilalapitan niya at nilalandi. Oo, nilalandi niya ang fiancee ko. Kitang-kita ng mga mata ko kung paano niya lapitan at makipagsayaw dito. Gusto kong umeksena sa kanilang dalawa, pero hindi ko alam kung bakit di ko magawa. Hindi ko maintindihan kung bakit kinakabahan ako sa kanya. I sighed. Kinuha ko ang laptop ko at binuksan ito. Napansin kong may nag email sa akin kaya tiningnan ko ito. Ngunit halos maitapon ko ang lap

