ERICA POV (Remember her? Ito yong continuation ng pov ni Lorena pero si Erica na ang magpapatuloy sa ngayon..) Matapos kong maglinis sa swimming pool ng mga chan. Dinala ko na ang mga ginamit ko sa bodega. Isang linggo na rin ang lumipas ng mapunta ako dito. Napaupo ako sa gilid malapit sa garden. Kumuha ako ng isang rose na malapit sa akin at inamoy ko. Naalala ko ang unang pagpunta ko dito noong isinama ako ni nanay dito, 8 years old ako noon. Sa garden na ito, unang nakita ko si Leo. Habang naglalaro ng water gun. Leo is a good person, palakaibigan. Kaya naging magkaibigan kami noon. Pero ngayon nag iba na siya. 'Yon ang napansin ko. Narinig ko rin na playboy siya sa School. Magaan din ang loob ko sa girlfriend niyang si Lorena. Mabait ito. Kaya nakakausap ko siya minsan pag pupunta

