Christhelle POV "Heto kumain ka muna elley,"sabi ni Xiah. Hindi ko siya tiningnan, nanatili akong nakatingin sa bintana. Kaya tumingin din siya doon. Natatanaw mula rito ang isang Simbahan. "Elley, please talk to me." Tumingin ako kay Alexiah, bago kay Harryd. Nakikita ko ang pag aalala sa mga mata niya. "I-I want to talk to xiah in p-private.."sabi ko kay Harryd. Bahagya siyang tumango. "Okay, iiwan ko muna kayo." Iniwan kami ni Harryd kaya lumapit si Xiah at umupo sa gilid ng kama. Nakatingin lang ako sa kanya. "May sasabihin ka ba?"tanong niya sa akin. "Hindi ko akalaing, sa lahat ng taong pwedi nating maging kaibigan. Iyong taong muntik pang pumatay sa akin, hindi ko alam ang gagawin ko xiah."sabi ko sa kanya. "Sssssh, wag mo munang isipin iyon magpagaling ka muna.."sabi niya

