Ito 'yong nakaraan ng magulang nila. Isisingit ko ito dito. ***THIRD PERSON POV** Kilala ang pamilyang Perez sa Probinsya ng Batanggas. Isang Hasyenda ang kanilang pag aari na maraming Tanim na Prutas, Gulay at iba pa. Mababait sila sa mata ng mga tao doon. Tinutulungan ang mga magsasaka na magkaroon ng Trabaho.Ginagamot ang may sakit at pinapaaral ang kapos sa pera. Subalit, iba ang pagkakilala ni Lorena sa mga ito. Lorena Perez. Ang anak sa labas ni Mr.Axello Perez, patay na ang ina ni Lorena noong maisilang siya. Kaya pinalaki siya ng kanyang ama at pinakilala sa Pamilya nito. May Dalawang anak Si Mr.Axello Perez at Arella Perez, ang asawa nito. Si Axenia At Axine ay kambal na anak na babae't lalaki ng mag asawa. Mula pa pagkabata, hindi na magkasundo si Axenia at Lorena. Bukod sa

