Anya "Yvo!" tawag ni ate Laurice. Lumapit siya't tinabihan niya si kuya. "Anong meron dito? Anya bakit hindi ka pa nagbibihis?" puna ni ate sa akin na parang galit pa siya. Nahiya ako sa kan'ya. Sabihin ko kaya pinag-aagawan nila ako. Eh di supalpal ang beauty niya. "Ah.. wala akong damit ate eh," sagot ko na agad namang nagtanggal ng jacket si kuya Yve. Inabot niya sa kin ang kan'yang jacket niya. "Use this Anya. Isuot mo na ito para makaalis na tayo." Kinuha ko naman ang kan'yang jacket. "Salamat kuya," nakangiti kong tugon. Pagkasuot ko ng jacket ay tila galit ang mukha ni kuya Yvo. Bahagya namang nagtungo si kuya Yvo rito sa cabinet. Tumabi ako at parang may kinuha siya doon. "Heto Anya," isuot mo ito para hindi pasukan ng lamig 'yan," sa gitnang parte ko ito nakatingin. "Ts

