Napanguso na lang ako nang yakapin niya ko nang mahigpit. Sa tangkad ba naman niya at sa liit ng aking katawan ay nagmukhang pader ang kan'yang katawan sa akin. Yes, he's right. I'm safe with him but I'm still lost. Hindi komportable ang katawan ko sa pagyakap niya sa akin. "Hey kuya, tama ba yang ginagawa mo sa kan'ya?" puna ni kuya Jaxsen nang makita niyang ganun ang ayos namin. "Don't bother what I'm doing. Batas ko ang masusunod. Concéntrate en lo que te rodea." Ibang lenggwahe ang ginamit niyang salita. For security reason na din siguro ng kanilang pamilya. Nang matapos ang laban ni ate at ng isang Russian ay kani-kaniyang nagsisi-alisan ang iba. Umurong ang iba dahil diretso ang panalo ng Black Guardian Demonic. "Jaxsen, sundan mo sila mom at dad hangga't hindi pa natatapos a

