Chapter 7

2229 Words
Nang mapatingin ako kay sir ay agad ko ding binawi ang aking mga matang nakatitig sa kan'ya kung hindi lang tumikhim yung lalaking nasa backseat. Lihim akong napangiti, may pagkamagnet ang mga matang iyon. Muntik na naman akong madala sa ibang planeta dahil sa mga berdeng mata nito. Pero sa totoo lang, nagagandahan ako sa mga mata niya pero nakakatakot at baka iba ang ibig sabihin ng mga paninitig na iyon. "Ahmmm.. sir, salamat po sa paghatid niyo sa 'kin," mahinahon na ani ko. Narito na kami sa tapat ng gate nakababa na kaming tatlo. "Sige mag-iingat ka rito. Pumasok ka na sa loob at maglock ka ng pinto," ani niya. Tipid akong ngumiti rito bilang pagtugon at naunang pumasok sa loob ng inuupahan kong bahay. Pagkalock ko ng pinto ay doon ko na lamang narinig ang pagbusina nito at tuluyan na itong umalis. Ngayon man lang ito naging mabait sa akin. Pero hindi dapat ako magtiwala sa kan'ya dahil na rin sa mga taong gustong pumatay sa akin. Wala naman akong maisip na ibang dahilan para ako ay patayin ng mga iyon. Kung nakausap ko sana ng maayos si butler James ay alam ko kung sino ang mga taong gustong pumatay sa akin at kung ano ang nais ng mga ito sa akin. Agad akong nahiga sa kama nang matapos kong asikasuhin ang aking sarili. Naala ko na naman yung mga nangyari kanina sa mansion. Bakit ganun? Ang hirap alisin sa aking isip ang mukha na iyon. Tila nakadikit na ang kan'yang mukha sa mukha ko. Feeling ko tuloy ay katabi ko siya kasi hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa din ang kan'yang kamay sa aking braso. Napatingin ako sa wall clock. Mag aalas dose na ng gabi. Kinuha ko ang isang unan sa aking tabi at ipinangtakip ko ito sa aking mukha baka sakaling makatulog naman ako. Pero thanks God at unti-unti ko na din nararamdaman na inaantok ako. Naipikit ko na din ang talukap ng aking mga mata at maayos na rin ang aking pagkakatulog. Kinabukasan, pagkagising ko ay ganun pa din ang aking daily routine. Araw-araw naman na ganito palagi ang ginagawa ko. Pero nasanay na ko sa mga ganitong gawain pero minsan ay nabobored akong mag-isa dito sa aking bahay. Ang tahimik kapag ako lang mag-isa. Nakaramdam tuloy ako ng lungkot. Ang hirap din pala kung nag-iisa ka na lang sa buhay. Paggising ko, mga gamit ko dito sa bahay ang nakikita ko. Ginawa ko na lamang ang aking mga trabaho. Nakapagsaing na ko at iinitin ko na lang ang ulam sa ref na binigay ni Aling Sonya sa akin kagabi. Nakapaglinis na din ako dito sa loob ng bahay. Maaga akong nagising kaya nagawa ko pang magwalis sa bakuran. Nang matapos na kong kumain at nakapaghugas ng pinggan. Nakarinig ako ng busina sa labas. Nariyan na si kuya Arnel kaya palabas na din ako ng bahay ngayon. Nakita ko na siya agad sa labas ng gate at nasa labas siya ng sasakyan nakatayo. Tipid akong ngumiti sa kan'ya nang makalapit na ko. "Kuya Arnel, bakit ang aga mo ngayon?" Bungad na tanong ko rito. "Maaga akong narito kasi may ibibigay ako sayo," ani niya. "Talaga po? Ano po iyon kuya?" nakangiti ko pang tanong sa kan'ya. "Wait," sabay bukas niya ng pinto ng sasakyan. May kinuha itong isang pink na box pero nakuryos ako dahil may isang bilog na butas ito sa may gilid. "Ano yan kuya?" kuryusong tanong ko dahil nakatanggap ako ng maagang regalo. Pero next next month pa naman ang aking kaarawan. "Buksan mo at sana daw ay magustuhan mo," ani niya. Ibig sabihin hindi galing sa kan'ya itong regalong ito. Hinila ko ang pink ribbon na si kuya ang may hawak ng box at pagkabukas ko ng takip ng box ay bumungad sa akin ang dalawang cute na puppies na Shih Tzu. "Wow kuya Arnel. Ang cute ng mga ito ha. Sino ba naman ang tatanggi sa ganitong cute na mga puppies? Nagustuhan ko ang mga ito," nakangiti kong ani. Kinuha ko ang isa at niyakap ko ito. "Alagaan mo daw ng mabuti ang mga iyan," ani nito. "Sure naman kuya, aalagaan ko sila ng mabuti. Mahilig kaya ako sa mga ganitong Shih Tzu. Hindi na ko mabobored sa bahay dahil may mga babies na ko na aalagain," natutuwang ani ko. "Babies?" kunot-noong tanong nito. "Oo kuya, babies ko na ang mga ito," sagot ko. "Oh di si sir ang ama ng mga babies niyo," direktang sagot nito. Parang nahiya ako tuloy dahil yung sir pala nila ang nagbigay ng mga cute na Shih Tzu. Naptingin ako sa kan'ya. "Siya ang nagbigay nito sa akin?" paninigurado ko pa kay kuya Arnel. "Oo naman, alangan naman sa akin galing niyan. Ang mahal kaya niyan," sagot nito. "Pakisabi po sa kan'ya kuya salamat," ani ko. "Sige, kaso matagal na naman uuwe iyon dahil sa busy si sir. Nito lang siya nagawi rito dahil may inaasikaso siya. Oh ano, ang guwapo ni sir ano? Kinilig ka ba sa kan'ya?" Gusto kong matawa sa ekspresyon ng kan'yang mukha dahil feeling ko, si kuya pa ang kinilig kaysa sa akin. Sa totoo lang, wala naman akong naramdaman na anumang pagkakilig. Hindi ko pa kasi nararanasan ang sinasabi niyang kilig o magkagusto man sa isang lalaki. Kung ako ang tatanungin ay guwapo naman talaga ang sir nila. Patungo na kami ngayon sa eskwelahan at hindi naglaon ay nakarating din kami sa pinapasukan kong eskwelahan. Pagkababa ko ay bumaba din si kuya Arnel. "Kuya dito na po ako. Salamat sa paghatid. Pasuyo muna yung mga puppies ko ha. Kukunin ko din sila mayang hapon pagkauwe ko po ng bahay," ani ko. "Sige Anya, ako na muna ang bahala sa mga babies niyo " sagot nito na parang kinikilig na naman ito. Napakamot na lang ako tuloy ng ulo ko dahil binibigyan niya ng malisya ito. Tipid akong ngumiti rito bago pa man ako umalis sa harapan niya at nilakad ko na ang patungong building. Nasa fourth floor kasi ang room namin. Pero pakiramdam ko ay parang may nakasunod sa akin habang ako ay naglalakad. Si kuya pala iyon nang lingunin ko at tama nga ako. Nakasunod siya sa akin. Bakit kaya? May nakalimutan kaya siyang sabihin. Nilapitan ko siya. "Kuya bakit po narito ka pa?" tanong ko sa kan'ya nang nasa harapan ko na siya. Parang pinagpawisan pa siya eh dahil nahuli ko siyang nakasunod sa akin. "I--hahatid kita sa room niyo," natatarantang sagot niya. "Pero bakit kuya? Kaya ko naman po pumasok na mag-isa," ani ko. "Hi Anya," nakangiting bati ng kaklase kong lalaki. Tipid akong ngumiti sa kan'ya dahil may kumausap din sa akin. "Hi Shawn," bati ko din. "Halika na sabay na tayong pumasok sa room," ani nito "Okay," sagot ko rito. Pakamot-kamot ng ulo si kuya Arnel na hindi ko malaman nang makita ko saka nagpaalam sa kan'ya. Nang makalayo kaming dalawa ay nilingon ko pa ito kung naroon pa siya subalit naroon pa rin itong nakasulyap sa aming dalawa. Ano kaya nangyayari sa kan'ya? Tanong ko sa sarili ko. Pagkarating naming dalawa sa room namin ay nakatanggap ako ng menshe. Kinuha ko sa bag ang aking cp at nakita kong new number ito. Binasa ko agad ang nilalaman ng text na iyon. I'll watch you! Iyon ang nabasa kong mensahe sa new number na nagpadala sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganito ang natanggap kong mensahe mula sa new number na ito. Anong rason para bantayan niya ko? Si butler James kaya ito o si dad? Hindi! naguguluhan kong tanong sa aking isipan. Patay na silang dalawa eh. Natatakot lamang kasi akong balikan ang masamang alaalang iyon kung paano nila binaril si butler James. Parang nilukob na ko ng galit nang maalala ko lang ang sir nila na si Yvo kung bakit ito may baril at pati ang mga kasamahan niyang mga tauhan ay may mga hawak din silang mga baril. Ayaw ko sanang manghinala sa kanila pero kailangan kong alamin kung ano ang tunay na pagkatao ni sir Yvo. Lumipas ang mga oras, natapos din ang klase namin. Alas kuwtro na kaya excited na kong umuwe para lang makita ang mga babies ko. Palabas na ko ng room at tinungo ang locker para kunin ang ibang gamit ko doon pero nasalubong ko si Shawn sa hallway. "Hi Anya, sabay na tayong dalawa pagkalabas mo," nakangiting ani nito. Tipid akong ngumiti sa kan'ya nang lingunin ko siya, "okay, saglit lang at may kukunin lang akong ibang gamit sa locker," ani ko. "Yes!" natutuwa niyang ani. Napasinghap ako. "Anong yes?" kuryusong tanong ko sa kan'ya. "Ahm nothing! natutuwa lang ako dahil pinansin mo ko. Ang akala kasi naming lahat ay suplada ka. Pero mabait ka pala." Tipid akong ngumiti sa kan'ya. Kaya pala walang lumalapit sa akin at kumakausap ay ganoon ang tingin ng mga kaklase namin. Nang makuha ko na ang mga ilang gamit ko ay nagpresinta si Shawn na siya ang maghahawak ng mga librong hiniram ko sa library. Tatlo lang naman iyon at kaya ko naman hawakan pero mapilit si Shawn kaya ibinigay ko na lamang ang mga ito sa kan'ya. Patungo na kami sa may labasan. Hindi talaga nauubusan ng kwentong nakakatuwa itong si Shawn kaya hanggang sa makalabas na kami ng gate ay tawa pa din kami ng tawa. "Uhm... Shawn, salamat sa time mo sa 'kin ha," ani ko dahil nawala ng konti ang lungkot na nadarama ko kanina. "Okay lang iyon Anya. Basta kung need mo ng kausap narito lang ako. So we're friends?" sabay abot niya ng kanang kamay niya sa akin. Tipid akong napangiti sa kan'ya. "Oo naman," nakangiti kong sagot. Iaabot ko sana ang aking kanang kamay nang may biglang humawak sa balikat ko kaya hindi ko na naiabot ang kamay ko sa kan'ya para makipagshakehands. Tumabi ito sa akin ang isang lalaki at baril agad ang nakita ko sa kan'yang bewang. Nangunot ang noo ko dahil kilala ko siya nang tingalain ko ito. "Umuwe na tayo Anya," ani nito. Hindi ko alam kung bakit siya ang nagsundo sa akin imbes na si kuya Arnel. "Si kuya Arnel po, nasaan po siya?" tanong ko rito. Magsasalita sana ito kaso sumingit si Shawn. "Ah Anya itong libro mo nga pala. Aalis na din ako. Bukas na lang ulit," sabay abot ng mga libro sa akin ngunit mabilis na kinuha iyon ni kuya Emil. Nagtatakang napatingin kaming dalawa ni Shawn. "Umuwe ka na totoy. Ako na ang bahala kay Anya," ani ni kuya. Napakamot na lang ng ulo si Shawn. "Sige Anya, aalis na din ko," nagmamadaling umalis ito dahil sa takot siguro nito nang makita niyang may baril na nakasukbit sa bewang ni kuya at pinalandakan talaga niya ang kayabangan nito. Nayayabangan ako sa mga ito pero mabait naman siguro si kuya Emil. Saan pa ba magmamana ang mga tauhan kundi sa boss nilang__? Hindi ko alam, may pagkaside devil kasi ang boss nila tas minsan ay mabait naman din ito. Pauwe na kami ngayon sa mansion dahil naroon ang aking mga babies. Excited na kong makita sila. "Next time, layuan mo ang mga lalaking lumalapit sayo. Hindi mo alam kung ano ang pakay nila sayo. Sa totoo lang, mahirap mamuhay mag-isa lalo na sa inosenteng babaeng katulad mo. Wala kang kakayahan para lumaban. Huwag ka na lamang magtanong Anya kung ano ang mga sinasabi ko. Wala kang mga magulang kaya makikinig ka sa akin," pambabasag niya sa katahimikan naming dalawa. Makikinig? Sa kan'ya o sa boss niya? Tanong ng isip ko. Hindi na ko nagtanong pa dahil iyon ang sabi niya. Pero may point din siya sa sinabi niya. Ngunit kailangan ko pa din mag-ingat dahil hindi ko alam kung sino ang kaaway. Nakahinto na ang saskyan. Nanatiling nakatikom ang aking bibig hanggang sa kami ay makababa ng sasakyan. Sabay na din kaming pumasok sa loob para kuhanin ang mga babies ko. Natuwa ako nang makita ko sila at tila ganun din sila nang makita nila ako. Niyakap ko pa ang mga ito dahil namiss ko sila kahit kaninang umaga ko pa lang ito iniwan. "May mga pangalan na ba iyan iha?" tanong ni Aling Sonya. Narito pa din ako sa mansion dahil inaantay ko pa yung ulam na niluluto niya. Si Aling Sonya talaga kahit kailan. Hindi nakakalimot magbigay ng ulam sa akin, sa loob loob ko. "Wala pa po Aling Sonya. Nag-iisip pa lang po ako," ani ko. "Ah.. may naisip ako na ipapangalan diyan sa lalaking alaga mo. Pwede na siguro siyang tawagin na Dash," ani nito. Saan naman kaya kinuha ni Aling Sonya ang Dash? Sabagay maganda na din iyon. Pero ano naman kaya ang ipapangalan ko sa babaeng alaga kong Shih Tzu? "Tapos 'yang babae ay Fem," ani nito. Sabagay okay na yun. Parang sa initial ng pangalan ko kinuha na Faith. "Ano iha? Agree ka ba? Para may lola na 'yang mga babies niyo ni sir Yvo," sabay tawa nito. "Aling Sonya naman," nahihiyang ani ko. Napatawa na lang siya sa kalokohang sinabi nito. Tila pakiramdam ko ay namula ang aking pisngi dahil sa sinabi niya. Alam kong si kuya Arnel ang nagsabi niyon eh. Paano na kaya kung makarating na ito kay sir Yvo. Paano kung malaman niya ito. Ano kaya ang magiging reaksiyon niya? Basta ako, hindi ko binibigyan ng malisya ito dahil wala pa sa isip ko kung paano kiligin o mainlove.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD