Nakatulog na din sa wakas si Anya. Kahit malakas na ang pagbuga ng hangin sa aircon ay nararamdam ko pa rin ang init na dumadaloy sa aking katawan. Nahirapan tuloy akong pigilan itong nadarama ko para sa kan'ya. Dahan-dahan kong inalis ang brasong nakapulupot sa akin katawan nang bigla na naman itong kumapit ng mahigpit. "Holyshit!" Mariing napapikit ako ng mga mata ko. Akala ko ay tulog na ngunit hindi pa pala. Paano ako makakawala sa kan'ya kung ganito ba naman kahigpit ang kapit niya. Malamang dito na ko hanggang bukas pagkagising niya. Baka umiyak pa ito na wala ako sa tabi niya. Naging baby na tuloy si Anya. Umayos ako sa pagkakahiga ko. Tumagilid ako ng higa habang nakaunan siya sa braso ko. Magkaharap na kami. Sapat na siguro ito para makatulog siya ng maayos. I feel her bre

