Chapter 2

1646 Words
Limang araw na mula ngayon. Napakabilis lumipas ang mga araw at nailibing na din ang labi ng aking ama. Dito na nag-umpisa ang aking takot. Kinausap ako ni tita, nasa maayos ang kan'yang pananalita. Wala ni anumang takot ang aking naramdaman nang sabihin niyang aalagaan niya ko ngunit hindi ako sumunod sa mga sinabi niya. Mas nanaisin ko pang lumayo at sundin na lang ang huling habilin ni ama. Gusto niyang mamuhay ako at sanayin ang sarili na mag-isa at susubukin ko kung paano mamuhay ng walang katuwang sa buhay. Ito ang gusto ng aking ama na maging independent ako. Alam ni ama na isa akong mahina na babae na iyon ang kinatatakutan niya para sa akin. Gusto niyang maging matapang ako at matuto pero hindi ko alam kung hanggang saan ang aking tapang. Tahimik na nilisan ko ang aking tahanan at lugar kung saan ako lumaki matapos ang libing ni ama. Sa tulong ni butler, siya ang aking kasama sa pag-alis. Tinulungan niya kong makahanap ng matitirahan pero hindi nagtagal, naisip kong may pamilya din siya na umaasa sa kan'ya. Sa ika-limang araw nang matapos ang paglilipat. Binahagian ko sa butler James ng ilang halaga para may gamitin ito sa pagnenegosyo ngunit tinanggihan niya lang ito. "Itago mo ang pera dahil mas kakailanganin mo iyan lalo na't wala ka pang alam sa pagtatrabaho. Hindi ka sanay sa anumang trabaho Faith. Nag-aalala ako sayo," malungkot nitong sabi. "Itabi mo iyan para sa pag-aaral mo, para may may magamit ka sa pang-araw araw na gastusin mo. Kung may kailangan ka Faith, huwag kang mahihiyang lumapit sa akin. Asahan mong darating ako." "Salamat butler James," sabay yakap ko sa kan'ya. Mabigat na buntong hininga nang humiwalay ako sa pagkakayakap ko sa kan'ya nang tingnan ko siya na malungkot. Tipid siyang ngumiti sa akin. "Huwag mo kakalimutan lahat ng mga naituro ko sayo. Okay?" Tipid akong ngumiti. "Makakaasa ka butler James." "Sige paalam, mag-iingat ka dito. Kung may problema ka, lapitan mo lang si Aling Sonya kung may kailangan ka." "Sino pong Sonya?" "Siya yung mayordoma diyan sa kalapit ng bahay na tinitirhan mo na siya din ang may-ari nitong bahay na inuupahan mo. Hindi ka na niya nakilala kanina dahil natutulog ka pa. And Faith, ugaliin mong maagang gumising sa maaga para makapagluto ka ng makakain mo sa pang-umagahan. Kailangan mong matuto sa lahat ng mga gawain pangbahay." Napanguso ako na tipid na napatawa ito. "Okay lang 'yan Faith. Masasanay ka din. Magbanat ka din ng buto kahit paminsan-minsan." "Opo butler James," na ikinangisi nito. "Sige aalis na ko at mag-iingat ka palagi dito." "Ingat ka din po butler James," nakangiting sabi ko. Tuluyan nang umalis si bulter James. Mag-isa na lamang ako ngayon mamumuhay. Hindi sa lahat ng araw at panahon ay dapat na kasama siya. May sariling buhay din ito at pamilya na mas higit siyang kailangan. Nag-umpisa na ko magligpit ng mga gamit na hindi ko pa natatapos na iligpit kahapon dahil sa sobrang pagod ko ay hindi na kinaya ng aking katawan. Salamat kay butler James, kahit papaano ay may niluto siyang pang-umagahan ko. Kailangan ko na talagang matuto sa lahat ng mga gawaing bahay at kakayanin ko itong mag-isa. Sa edad kong daisy sais ay dapat marunong na ko. Hindi lang talaga ako nasanay mamuhay sa ganitong estado ng buhay sapagkat buhay prinsesa ako noong nabubuhay pa lang si ama. Ayaw ni ama na manatili ako sa poder ni tita Nelly at hindi ko din alam kung ano ang dahilan. Mabait naman si tita Nelly dahil siya ang nag-aasikaso sa akin noon. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang lumayo. Nagpahinga ako saglit nang matapos kong magligpit. Binuksan ko ang bintana para may pumasok na hangin dito sa loob ng bahay. Gusto ni butler James na manirahan ako sa mas malaking bahay ngunit tumanggi ako. Paano ko kakalimutan ang kinagisnan kong buhay kung hindi ako matuto sa ganitong estado ng pamumuhay ko ngayon. Gusto kong mamuhay ng simple lang at gusto kong matuto sa lahat ng bagay na hindi ko pa nararanasan sa tanang buhay ko. Ilang araw pa lang ang lumipas, parang gusto ko ng sumuko sa hamon ng buhay na kinakaharap ko ngayon. Ang hirap pala kapag wala kang inaashang magluluto para sa sarili ko. Gigising ng maaga para magluto, maglalaba ng mga damit, maglilinis at magtitiklop din ng mga damit. Masasabi ko na lang na nakakapagod pala ang ganito. Minsan din natawag sa akin si butler at kinakamusta ako kung ano na ang kalgayan ko ngayon. Gusto ko sanang aminin sa kan'ya na hindi ko pala kayang mag-isa at umiyak na lang. Pero hindi ko iyon sinabi sa kan'ya dahil alam kong pagagalitan lang niya ko. Kaya ko ito. Hindi ako titigil hangga't may pangarap ako sa buhay. Next week ay aasikasuhin ko ang aking mga papel para sa paglilipat ko ng eskwelahan. Magpapasama ako kay Aling Sonya para may kasama ako sa pagpunta ko sa eskwelahan. Hindi pa ako sanay sa mga pasikot-sikot na daan dito dahil hindi naman ako masyadong naglalalabas ng bahay at hanggang sa mansion lang ako napunta kapag nababagot akong mag-isa dito. Patungo ako ngayon ng mansion kung saan nagtatrabaho si Aling Sonya. Malaya akong nakakalabas-masok sa mansion dahil kilala naman na nila ako dito. Wala ang kanilang amo at bihira lang daw itong nagawi rito. "Good morning Anya," bati ni tatay guard na nagbabantay sa may gate. "Good morning din po tatay," nakangiting sabi ko. "Pasok ka at nariyan sa loob si Sonya," nakangiting sabi nito. "Sige po 'tay, pasok na po ako," nakangiting paalam ko sa kan'ya. Pinapasok niya ko sa loob sa malawak nilang bakuran at nakangiting patungo ako sa loob ng kanilang mansion. Sa likod ako dumadaan dahil minsan ay naroon si Aling Sonya. Pasipol-sipol pa ko nang papasok na sana ako sa likod ng kusina na biglang kinahinto ko. Dumagundong sa lakas ng kaba ang aking dibdib dahil sa nakakatakot niyang boses na aking narinig. Kung magalit ito ay parang isang tigre na gustong manlapa ng tao. Kaagad akong nagtago sa may loob ng banyo dahil may banyo naman dito sa likod ng kanilang mansion. Kahit nakatago na ko ay naririnig ko pa din ang kan'yang nakakatakot na boses. Hindi ko alam kung ano ang dahilan nito kung ano ang kan'yng kinakagalit. Wala naman akong narinig na kausap niya kanina basta biglaan ang pagsigaw nito. Nang wala na kong marinig na galit na baritonong boses lalaki. Naalis din ng konti ang aking kaba sa dibdib. Punong-puno na din ng pawis ang aking noo dahil sa sobrang init rito sa pinagkukublihan ko. Nakahinga ako nang maluwag nang buksan ko na ang pinto pero laking gulat ko na lang nang makita kong naroon yung isang lalaking nakatalikod mula rito sa pinagkukublihan. May hawak siyang cp na nakatutok sa kan'yang tenga at nakapamewang pa ang isa niyang kamay. Baka may kausap siya kanina na iyon nga ang naririnig ko na kausap niya kaya ito nagagalit. Sa pagmamadali kong pumasok ulit ng banyo na hindi ko nagawang ilock nang mabuti at medyo may pagkaawang ng konti ang pinto nang bigla ang pagharap niya dito. Sumilip ako sa butas ng pinto. Hindi ko siya gaanong makita dahil sa punong nakaharang sa kan'ya. Ang tangkad niyang lalaki at nasa 6'2 ang hieght nito. Naisip ko na lang na baka isa siyang basketball player. "F*ck! I'll kill you Argon!" galit na sigaw nito. "Once you do it again. You'll never seen the world tomorrow," malamig nitong sabi. Kahit nasa loob ako ng banyo ay naririnig ko lahat ng kan'yang mga sinasabi. Nakakatakot siya talaga as in. Hindi ko talaga masikmura ang mga sinasabi niya. Napahawak ako bigla sa aking dibdib nang marinig kong sumigaw siya ulit kaya nabitawan ko ang door knob ng pintuan kaya umawang iyon ng konti. Dinig ko ang pagkatahimik niya at nagawa ko pang ngumiti kahit tagiktik na ang aking pawis sa aking noo. "Is there anyone else inside?" tanong nito. Impit na napahawak ako sa aking bibig dahil gusto ko ng maiyak sa tindi ng takot. Ang lakas ng kaba sa aking dibdib nang may isang kamay ang humawak sa pintuan. Hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin ngayon kaya nagdasal na lang ako para maalis ng konting kaba sa aking dibdib. "Sir!" boses 'yon ni Aling Sonya. Natigil ang pagluwag ng pintuan nang bitawan niya iyon. Nakahinga ako ng maluwag dahil dinig ko ang yabag ng mga paa niya na umalis na ito. "Nariyan po si Ma'am Jeya sir," dinig kong sabi ni Aling Sonya. Nag-antay pa ko ng ilang minuto bago maisipang lumabas ng banyo dahil hindi talaga maialis ang kaba sa aking dibdib. Parang ayaw ko ng bumalik pa dito sa mansion dahil sa isang lalaking nakakatakot ang boses. Mabilis na nakalabas ako ng banyo at tinungo ang gate na kunot-noong napapakamot pa si tatay nang makita niya ko. "Anong nangyari sayo Anya at bakit pinagpapawisan ka? Kulang pa ba ang lamig sa loob ng bahay ni sir?" nagtatakang tanong nito. Hindi niya alam na hindi ako tumuloy pumasok sa loob ng mansion ng kanilang amo. Akala ko babaeng maamo ang kanilang amo. Pero mali ako ng akala dahil lalaking tigre ang kanilang sir na amo. "Uuwe na po ako tatay. Sige po aalis na po ako at next time na lang po ako ulit babalik dito." "Ang bilis mo naman ata ngayon na bumisita Anya." "Marami pa po kasi akong gagawin tatay. Sige po 'tay," paalam ko. "Sige mag-iingat ka iha," tipid akong ngumiti kasabay ng pagbukas niya ng gate. Para akong isang presong nakalaya at nakahinga ng maluwag nang narito na ko sa labas ng gate. Hindi na ko babalik pa dito sa mansion dahil sa nakakatakot nilang mabagsik na amo. Welcome to my new life. Ako na ngayon si Anya Delos Reyes at itong pangalan ang gagamitin ko para itago ang aking pagkakakilanlan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD