Hindi ko inimikan si Yvo hanggang sa makarating kami ng mansion. Hindi na din ito nagtanong pa sa akin. Nainis ako sa kan'ya dahil sumama ang loob ko. Tapos ngayon iniwan niya pa ko rito mag-isa dahil umalis din siya agad. Ano 'to? Umiyak akong mag-isa rito sa loob ng kuwarto. Nakaramdam ako ng pagkainis kay Yvo. Nang matapos kong magdrama ay agad akong nagbihis. Pagkatapos ay agad na tinawagan ko si kuya Jaxsen at nagpasundo ako sa kan'ya rito sa mansion. Pumayag naman ito ngunit rito lang kami sa mansion magfofood trip. Lumabas ako ng silid at bumaba. Hinanap ko ang mga alaga ko. Natuwa sila nang makita nila ako. Natutuwa ako dahil agad na nilapitan nila ako. "Ohh.. Nakakainggit naman kayo. May mga babies na din kayo pero si mommy at daddy niyo ay wala pa. Ayaw pa kasi ng daddy Yvo

