Chapter 8

4645 Words
Chapter 8 (Seph's POV) Okay. Bubuksan ko na. Hinawakan ko na ito at unti-unting pinihit pero nangatog bigla yung mga tuhod ko kaya binawi ko yung kamay ko mula sa pagkakahawak doon. Hindi ko pala kaya! Kinamot ko yung bunbunan ko sa inis. Paano ko ba sya kakausapin? Nakakahiya. Hindi ko alam kung pano sya haharapin matapos ng mga pinagsasabi nya kanina! "Could you please rape me?" Aaaah! Shoo! Shoo! Tahimik! Umiling-iling ako para mawala sa pandinig ko yung linyang kanina pa nagpapa-ulit ulit. Ano bang problema nya? Hindi ba nya alam na hindi maganda sa pandinig yung mga sinasabi nya? Sinong matinong babae ang gu-gustuhing mahalay ng lalaki? Wala. Sya lang. Yung ibang babae nga nanggigigil sa inis kapag sini-sit-sitan o kaya eh nahihipuan ng lalaki tapos tong amo ko, nagtatanong kung pwede ba syang halayin? Jusmiyo, may please pa. Akala ko talaga a-atakihin ako sa puso sa sobrang gulat nang itanong nya yon sakin. "What are you doing, babe?" "A-ano?" Gulat kong usal. Napalunok ako nang mapagtantong nakatayo na pala sya sa mismong harap ko. Nakasandal sya sa gilid ng pinto habang nakangiting nilalaro yung iilang hibla ng buhok nya. Base sa ekspresyon nya eh mukhang nakalimutan na agad nya yung gulong naganap dito kanina. Mukhang balik nanaman sya sa pagiging mahalay nya. "I'm asking you kung anong ginagawa mo sa tapat ng pinto ng opisina ko? Hmn? Are you looking for me darling?" Pumila-pilantik pa yung mahahaba nyang pilikmata kaya kumurap-kurap ako. Oo nga, balik na sya sa dati. Kung ano-anong bansag nanaman yung tinatawag nya saken. Pinalobo ko yung pisngi ko, "A-ahm. I-itatanong ko lang sana kung a-anong lunch yung gusto mo." "Can I just eat you nalang?" Anya tsaka tumabingi ang ulo na tila normal lang yung sinabi nya. Naramdaman ko yung pag-iinit ng pisngi ko dahil don. Ano ba namang klaseng tanong yon? "Y-yung totoong pagkain sana." "That's real naman ah." Kinagat nya ang labi nya bago humagod yung paningin nya pababa hanggang sa tapat ng zipper ng pantalon ko kaya agad kong iniharang ang mga kamay ko don. Nag-iinit lalo yung pisngi ko sa hiya! Bumuga ako ng hangin hindi dahil sa nawawala na ako ng pasensya na kausapin sya, kundi dahil hindi ko alam kung pano nya naiisip yung mga ganong bagay, "S-seryoso na kasi." Hindi ako nakapalag nang umangkla sya sa bisig ko habang tumatawa ng malakas. "OMG Seph! Seryoso naman ako, Love. It's just that you're so cute whenever you're blushing kasi kaya ang sarap-sarap mong asarin!" Napalunok ako nang ngumisi sya, "Sing sarap mo! Patikim nga!" Sabay akmang kakagat. "A-ah! H-hindi!" Iniwas ko yung balikat kong muntik na nyang kagatin, "M-masakit yon! Wag kang mangangagat!" "But why not?" Inosente nyang tanong. "H-hindi naman kasi dapat." "Pero I want to eat you!" Lalong humigpit yung kapit nya sa braso ko hanggang sa makasakay kami sa elevator---teka bat nasa elevator kami? "Teka, I-o-order ko nalang yung tanghalian mo para di ka na bababa. Naiwan pa sa taas yung mga folders na dapat mong pirmahan." Akmang pipindutin ko yung buton nang pigilan nya yung kamay ko, Ngumuso sya at muling humigpit yung hawak sa braso ko. Naku po. Ano bang ginagawa nya? "Let's eat together nalang!" Tatanggi pa sana ako pero napunta yung atensyon ko sa pag-iwas sa tangka nyang pagkagat saken. (>______<)!!! Humagalpak sya ng tawa dahil doon. Bumuga lang ako ng hangin para kahit papano mabawasan yung pamumula ng mukha ko. Grabe. Ngayon lang ako nakakilala ng gaya nya. Sobrang kulit nya! "Nga pala, I was wondering about yesterday." Ngumuso sya, "You removed my bra, how did you know that the lock is on my cleavage and not on the back?" "Nakita ko kasi." Kaswal kong sagot sa tanong nya. Bigla syang suminghap, "Nakita mo naman na pala, then why didn't you rape me already? Gosh, ang hina mo naman." "A-ano?" Nanlalaking matang tanong ko, "At bakit ko naman gagawin yon? Hindi iyon tama." "It's okay lang naman saken. I don't mind!" Anya pa sabay hampas sa balikat ko na nagbigay kilabot saken. Grabe naman sya, hindi ba sya kinikilabutan sa mga pinagsasasabi nya? Grabe talaga. "Thank you." Nakangiting anya, "I'm drunk yesterday, I don't know what I'm doing. Buti nalang at ikaw ang nakakita saken, I don't know what to do if I woke up in someone's bed." Ngumisi sya, "Buti nalang at dun ako nagising sa papag mo, even though I'm a little bit disappointed because you didn't even tried to have a s*x with me. I'm expecting pa naman na magising right beside you, naked and tired yet contented." "Ano ba yang b-bibig mo." Naiilang akong nag-iwas ng tingin pero panay pa rin ang daldal nya. Hindi na tuloy bumalik sa dating kulay yung mukha ko at nanatiling namumula iyon. Natigil lang sya sa pangungulit nang pumasok na ulit yung waiter at may tulak-tulak na cart. May mga pinggan doon na natatakpan ng takip. Maya-maya pa'y binuksan iyon tumambad yung masasarap na pagkain na ngayon ko lang nakita sa buong buhay ko. Grabe, iba't ibang klase ng mga pagkaing galing dagat, tapos yung karne ng baka na may kakaibang sauce na sa tingin ko ay manamis-namis dahil naaamoy ko pa. Umuusok-usok pa ang lahat ng iyon na halatang kaluluto lang. Kumulo lalo yung tyan ko sa sobrang gutom. Nakakamangha, ang sasarap non tignan! "Please tell your owner about my presence, alam na nya ang gagawin when it comes to my payment." Nilingon ako ng waiter kaya nginitian ko sya pero tumango lang ito. "Should I include your acquaintance in your payment or not?" Nanigas ako sa kinauupuan ko. Oo nga pala. Wala na kong pera, anong ipambabayad ko dito? "Oh yes, Of course!" Humagikgik nanaman sya, "Tell Theo that Seph's with me, alam na nya ang gagawin." Theo? Ibig sabihin si Sir Theo ang may-ari nito? Napalunok ako ng maalala yung box ng donut at baso ng kape na nagkakahalaga ng mamahaling dolyar. Nakakahiya. Tapos ngayon libre pa kong makakakain sa restaurant nya? Nakakahiya talaga! Nang umalis na ang waiter na nag-umpisa na din syang kumain ngunit nahinto din nang makita nyang hindi ako kumakain. "What? Why are you not eating?" Kunot-noong tanong nya. Umiling ako, "N-nakakahiya kasi---hmmmf!" Gusto kong maubo ng bigla nyang ipasak sa bibig ko yung hiniwa nyang karne ng baka. Tumawa lang sya ulit, "Silly! Eat it up already, kung kasama lang natin si Theo bubungangaan ka lang non dahil hindi mo kinakain yung luto ng mga chef nya." Namula ulit yung mukha ko. Basta! Nakakahiya! Sa takot na baka pasakan nya ulit yung bibig ko ay ako na ang kusang naghiwa ng karne na para saken at kumain. Naluluha ako. Ang sarap! Sa tanang buhay ko ngayon lang talaga ako nakatikim ng ganito kasarap na pagkain! Nakaramdam ako ng konsensya. Nakatikim ako ng masarap na pagkain dito sa Maynila samantalang yung pamilya ko walang makain sa probinsya. *Sigh* Kailan ko ba sila mabibigyan ng masasarap na pagkain? "May problema ba?" Tanong nya, "You look sad." Nginitian ko lang sya, "Wala naman. Naiisip ko lang, ang daya ko kasi ako nakakakain ako ng ganito kasasarap na pagkain samantalang yung pamilya ko..." Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko. Nakakainis. Namimiss ko na sila. "Here." Anya habang inaabot ang cellphone sa akin. "Huh?" "Type your permanent address here." Sabay nguso don, "Yung address ng mismong bahay ng family mo. Then sign on the screen." "P-pero bakit?" Umirap sya, "My gosh, Seph. Just type it here. Just do it before I could rape you on top of this table." Wala na akong nagawa at sinunod nalang ang sinabi nya. Tinipa ko ang address ng bahay nina Inay doon sa cellphone nya at pumirma doon bago ibinalik iyon sa kanya. May kung ano-ano pa syang ginawa bago nakangiti akong nilingon. "It's okay, now Let's eat!" (Third Person's POV) "Kyaaaaaaaaah!!! Inaaaaay!" Umalingaw-ngaw ang maingay na bunganga ni Stephanie sa maliit nilang bahay. "Ano ba yang sinisigaw-sigaw mo dyang bata ka?" Saway ng Inay nya habang bit-bit ang bilao na naglalaman ng kakanin. "Baka may kaaway nanaman na kapitbahay yan, Nay." Anya ni Stef na may bitbit ding bilao. Sumalubong sa kanila ang tumatawa nilang bunsong kapatid na si Stephen na nagtatatalon pa. "Inay! Inay! Inay!" "Oh? Bakit ka ba nagtatatalon riyan hah?" Hindi ito sumagot at basta nalang hinatak ang Inay nila, "Aba't teka naman bakit ka ba nagmamadali anak?" "Ano bang ingay yan, Stephen?" Masungit na saad naman si Stefan na kalalabas lang mula sa kwarto, "Hoy ano ba?!" Imbes na sumagot ay hinatak din nito ang kuya nya patungo sa labas ng bahay nila. Tumakbo papalapit sa kanila si Stephanie na nagtatatalon din. Lahat sila ay napanganga at nanigas sa kinatatayuan nang makita ang sangkaterbang babaeng naka-itim na pahilerang nakatayo sa gilid ng isang puting lemosene na nakaparada sa harap ng bahay nila. Katabi noon ang isang truck na may tatak na 'Scottified Restaurant Services'. Mula doon ay pinagbuksan ng isa sa mga babaeng naka-itim ang pinto at lumabas mula doon ang isang babaeng nakasuot ng maluwag na t-shirt, puting ripped jeans, chuck taylor na rubbershoes at gulo-gulo ang kulay berdeng buhok. Malamig kung tumingin at tila walang pakielam na nakapamulsang naglakad patungo sa direksyon nilang mag-iina. "Good afternoon." She said in a bored tone, "Victorina Lazaro?" Wala sa sariling napatango ang nanay nila, "A-ako nga, Sino ka at anong kailangan mo saken iha?" "Nothing much." Tumagilid ang ulo nito na tila ino-obserbahan sya, "I just came here to deliver your son's order. I'm Morgan Verdan, By the way." "O-order?" Gulat nyang tanong at naalala ang anak nyang si Seph na syang nagta-trabaho sa Maynila. "Hmn..." Tango ng babae tsaka pumitik sa daliri, "Set the package." Inilabas nito ang magarang cellphone at ini-abot kasama ng digital pen sa nanay nila, "Sign it." Matapos nyang pumirma ay walang ano-anong nagsi-kilos ang mga kabababaihan na naka-itim at binuksan ang pinto ng likuran ng truck. May nilabas itong napakahabang mesa na inilatag sa bakuran nila. Pinanood ng mag-iina ang mga ito hanggang sa matapos nitong ayusin ang lahat. Pumitik muli sa daliri ang babaeng may berdeng buhok kaya't binuksan na nito isa-isa ang takip ng malalaking plato na nakalatag sa napakahabang mesa at doon umalingasaw ang humahalimuyak na amoy ng masasarap na pagkain. "Enjoy your lunch."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD