Chapter 3

2934 Words
Chapter 3 (Seph's POV) "s**t Vero, My left jaw is fuckin swelling." Ginalaw-galaw nya yung panga nya habang nakaharap sa salamin, "This is fuckin ridiculous." Dali-dali kong niyuko ulit yung ulo ko sa kahihiyan, "S-sorry. H-hindi ko kasi alam..." Pinukol nya ko ng napakasamang tingin nang lumingon sya sa akin na nagpayuko lalo saken habang nakapikit. Nakakahiya talaga. "Yeah, you really better sorry! This face is one of a kind, You'll never see this kind of perfection again!" "S-sorry." "Sorry, sorry! Tsk!" Bubulong-bulong na saad nya, "Talk to my lawyer because I'll sue you for damaging my handsome face." Nakaramdam ako ng sobrang takot at kahihiyan nang banggitin nya ang salitang 'Laywer'. Naiiyak na ko. Hindi pa ako nag-uumpisa sa trabaho ko pero heto't may nagawa na kong gulo. Naiisip ko ng baka nga sa probinsya ako nababagay. Pumatong sa magkabilang balikat ko yung malambot na pares ng kamay kaya napalunok ako. Nawiwirduhan na talaga ako sa ikinikilos ng boss ko. "Aww~ Don't be sorry for him, Seph. That's what an asshole gets for being a killjoy." He hissed, "Shut up." Kinilabutan ako nang gumapang yung mga kamay nya sa leeg ko patungo sa panga kaya inirapan lang kami nung lalaki. "It's alright honey, Theodore won't mind it anyway. He deserved it. He's a killjoy." Bulong nya sa tenga ko. Malumanay kong tinanggal yung kamay nya sa leeg ko, "S-sorry pa rin po." Nato-trauma ako sa pahawak-hawak ng babaeng ito, kung saan-saan kasi nakakarating yung kamay baka kung ano nanaman yung biglaan nyang dakmain sakin. Nandito kami sa loob ng opisina nya. Mukha na talaga itong opisina, hindi tulad ng dati na akala mo master's bedroom. "Tss. Atleast this newly employed boytoy of yours has some decent manners. Unlike you." Umirap nanaman yung lalake. Boytoy? Anong boytoy? "He's not my boytoy. I don't play with good boys, Theo. Anyway," Humaplos yung kamay nya sa likuran ko bago lumipat sa harapan ko nang nakangisi, "I'm so glad that you came. Akala ko i-ignorahin mo lang ang paanyaya ng isang magandang mayamang dalagang matagal ang buhay na gaya ko eh and because you are a poor handsome obedient employee, I think you deserve to have some reward." Humagikgik sya na nagpalunok saken, ibang klase kasi yung paghahalo ng confidence at pang-iinsulto na nasa pananalita nya, "So as a reward for being an early bird, bibigyan kita ng paunang barya." Mabilis kong ini-angat ulit yung ulo ko nang dahil sa sinabi nya. P-paunang barya? Anong barya? Para saan ang mga barya? "A-ano pong barya?" Naguguluhan ako ng sobra. Ano bang barya ang sinasabi nya. "Oh nothing much, I'll just give you such a small amount of money. Just a compensation and reward for being here early and for waiting for such a very long time." Bored na anya. Kinuha nya ang mamahaling purse na nasa mesa tsaka naupo doon, lumilis tuloy paitaas ng konti yung skirt nya kaya nag-iwas ako ng tingin. Nilabas nya ang isang malaking wallet na pink at may binilang sya sa loob non tas pagkatapos ay iniabot saken yung mismong wallet kaya buong pagtataka ko syang tinignan. "A-ano pong gagawin ko dito?" Inangat ko yung malaking wallet na pink na iniabot nya saken. "It's yours now." "H-hah?" "Wow. So generous of you, Veronica. Walang pagdadalawang isip na namimigay ng expensive branded wallet that worth thousands." Sarkastikong saad nung Theo habang tinitignan pa rin ang mukha sa salamin. "Of course I'm very generous, Theodore. You don't even know that because my generosity ends when it comes to you." Sarkastiko ding sagot ng CEO pabalik dun sa lalaki bago ako muling nilingon nang nakangiti, "Open it, dear." Ilang beses akong lumunok. Bumaba yung tingin ko dun sa malaking wallet na pink. Marahil ay puno iyon ng laman dahil mabigat iyon. Original iyon dahil may tatak ng mamahaling brand sa harap. Sa tingin ko din ay malaking halaga ng pera ang ipinambili dito dahil may iilang maliliit na dyamante ito bilang design. Tulad ng sabi ni Theo, lilibuhin ang halaga ng wallet na iyon, pati na rin ang laman. "Buksan mo, Seph." Nakangiti nyang udyok saken. Kung matatanggal ko yung iilang dyamante na design ng wallet ay makakakuha ako ng malaking halaga kapag naipapalit ko iyon sa isang pawnshop. Pwede ko ng ipadala iyon ulit sa pamilya ko pambayad ng gastusin sa pag-aaral ng mga kapatid ko at sa gastusin sa ospital at gamot ni inay. Ang wallet naman ay mapapakinabangan ng kapatid kong babae na si Stef o di kaya nama'y si Stephanie. Bumuntong hininga ako bago inilahad sa kanya pabalik yung wallet na iniabot nya. Dahan-dahang naglaho yung ngiti nya at unti-unti naman akong nilingon muli nung Theo. Para bang hindi sila makapaniwala sa ginagawa ko. "H-hindi ko po matatanggap." Nagkatinginan silang dalawa na para bang isa akong kakaibang nilalang sa sobrang gulat at pagtataka. Kung tutuusin ay wala namang kagulat-gulat doon kay ako din ay nagtataka sa reaksyon nila. "What? What are you talking about?" Tumayo sya mula sa pagkakaupo sa mesa at nameywang, "It's a reward from me. I'm giving it to you." "Maraming salamat, pero hindi ko matatanggap toh." Inabot ko yung kamay nya at inilagay yung wallet doon. Ilang segundo syang natulala sa wallet na iyon bago ngumiti, "Oh. I see." She chuckled, "How stupid of me, of course! You're just a poor guy, paano mo nga naman magagamit yung wallet eh pang babae ito." Nakagat ko yung labi ko dahil sa sinabi nya. Hindi naman ako naaapektuhan sa mga pasimpleng insultong lumalabas sa bibig nya pero hindi pa din tama. Masyadong mababa yung tingin nya saken kahit hindi nya naman ako lubusang kilala, ganito ba talaga kapag mayaman ang isang tao? Itinago ko nalang yung kanang kamay ko sa bulsa ng luma kong slacks. Nakakadismaya. Sabi ni Inay wag daw akong manghusga agad ng kapwa dahil hindi iyon maganda lalo na't hindi ko naman sila kilala at hindi ko alam kung ano ang mga pinagdadaanan nila. Tinitigan ko sya. Nakangiti at nakapostura. Base sa itsura nya ay mukhang na-e-enjoy naman nya yung pagiging buhay mayaman nya, may pagka-matabil lang talaga ng konti yung dila. kaso sumosobra naman na yata sya? Harap-harapan nya kong minamaliit. Binuksan nya yung wallet at kinuha yung lilibuhin na laman non. Walang bilang-bilang nyang ini-abot ulit sa akin pero tinitigan ko lang iyon. "Take this. I know that fifty thousand pesos is such a very small amount and I'm so sorry because this is what I can only give to you today." She smiled, "You can buy a new wallet with this. Hindi nga lang kasing mahal netong wallet ko but there's a wallet for guys in this certain wallet shop that costs only twenty to thirty thousand which is made from the real skin of the crocodile or you can just simply ask anything from me." "Nice, Vero. Nice." Naiiling na saad nung lalake. Fifty thousand pesos? Maliit na halaga? Gusto kong matawa at umiling dahil sa mga sinasabi nya. Napakahirap kitain ng pera, sa probinsya kumakayod ako ng maghapon para lang kumita ng dalawang daan sa pagde-deliver ng galong-galong tubig sa bahay-bahay doon. Sa convenience store naman na binabantayan ko dito ay kumikita ako ng one thousand five hundred na ipinapagpapasalamat ko dahil malaki na ang naitutulong non sa pamilya kong malayo sa akin. Yun na din ang pinaka-malaking halaga ng pera na natanggap ko sa buong buhay ko. Nakakatawa. Eto pala yung tinatawag ng mga mayayamang gaya nya na 'BARYA'. Ni wala syang ideya na ang 'baryang' tinutukoy nya ay kaya ng magpatapos ng pag-aaral ng isang batang nangangarap makapagtapos, pangkain ng mga nagugutom, pambili ng damit ng mga taong walang maisuot kundi mga kupas at lumang damit. Hindi nya alam na sa ganoong kalaking halaga ay maraming nangangailangan ang matutulungan. "Bibigyan mo ko ng kahit anong hingiin ko?" She nodded, "Yes." "Kahit ano?" "I can give you anything." Buong yabang nyang saad habang nakangisi pa. Inilahad ko yung kamay ko na tila nanghihingi kaya dumako ang tingin nila sa palad ko. "Nine." "Oh." Umawang ng bahagya yung mapupulang labi nya, "Nine? As in ninety thousand? Bat di mo sinabi agad. That's basic." "Tss. I knew it." Tila inaasahang sagot ni Theo mula saken, "Dapat kasi ginawa mo ng isang daang libo, Vero. Mataas ang singilan ng mga boytoy ngayo---" "Nine pesos." Lalong umawang yung labi nya, habang yung Theo naman ay tumayo na din sa harap ko. Nanlalaki ang mga mata na tila nawiwirduhan sa mga pinagsasabi ko. "A-ano? M-mali yata ako ng dinig," Tumagilid pa yung ulo nung lalake habang ang hinliliit ay nasa tenga, "Did I just heard it right? You said nine pesos?" Tumango-tango ako at ginalaw-galaw ang palad kong nakalahad, "Bigyan mo ko ng nine pesos." "I-i don't... U-uhm..." Siniko nya yung lalake, "D-do you have some coins?" The guy shook his head while looking at me. "Akala ko ba maibibigay mo ang kahit ano?" Mahinahon kong tanong, "Nuebe lang ang hinihingi ko pero hindi mo agad maibigay?" "Well, y-you see..." Umayos sya ng tayo at pumostura ng maayos, "I don't bring coins. That's useless for me." Humugot ako ng malalim na hininga, "Hindi mabubuo ang lilibuhin mo kung wala ang piso. Parang katawan ng tao, hindi mabubuo yung katawan natin ng walang tissues. Hindi mabubuo ang isang imahe sa mga digital screens ng walang pixel, hindi mabubuo ang tela ng walang sinulid." Nakita ko kung paano sya lumunok. "Masyado kang focus sa laki ng halaga ng pera na meron ka kaya wala ng halaga sayo yung piso." Bumibigat yung paghinga ko ng kaunti, "Kaya ganun din yung tingin mo sa akin. Mahirap ako, kaya pwede mo kong maliitin." Nilabas ko yung natitirang piso na nasa bulsa ko at ipinakita ko sa kanya, "Inihahalintulad mo ko sa piso na walang halaga para sayo. Ni hindi mo alam na kung walang mahihirap na trabahador na tulad ko, paniguradong wala ka din ngayon sa kinatatayuan mong estado ." Kinuha ko yung sling bag na lagi kong ginagamit na nasa malambot nyang couch at isinuot bago yumuko sa harap nila, "Pasensya na sa gulong nagawa ko kanina. Aalis na po ako." Saad ko tsaka tahimik na naglakad palabas ng opisina nya. Sumakay ako ng elevator at mabilis iyong pinindot upang sumara. Saktong tumunog yung cellphone ko kaya nanginginig pa ang mga kamay kong sinagot iyon agad. "Hello? Seph, anak?" "Inay..." Hindi ko napigilan yung luhang kumawala sa sulok ng mga mata ko nang muli kong marinig yung tinig ni nanay. "Naku! Anak! Buti naman at nasaktuhan kitang nakausap ngayon! Miss na miss ka na namin ng mga kapatid mo! Hahahaha! Aba'y kamusta ka naman dyan sa Maynila? Inaalagaan mo naman ba ng mabuti yung sarili mo? Hindi ka ba kinukulang sa tulog hah? Kumakain ka ba ng tama sa oras?" "O-opo." Tinignan ko yung repleksyon ko sa makintab na metal na pintuan ng elevator. Yung polong suot ko noong gumradweyt ako ng kolehiyo na ngayo'y kumukupas na ang kulay, ang slacks na uniporme ko pa sa dating fastfood na pinagtrabahuhan ko, ang sapatos na ginagamit kong pamasok sa eskwelahan simula nang magkolehiyo ako, ang pinaglumaang slim bag na ibinigay saken ng dati kong kamag-aral, ang sinturong kinuha ko lang sa basurahan ng kapitbahay namin para may magamit ako. 'You're just a poor guy' "Anak?" "Po?" "Ayos ka lang ba?" Napalunok ako. Just a poor guy? Hindi ako basta mahirap 'lang'. Isa akong mahirap na may pangarap at kasama ang pamilya ko sa mga pangarap na matagal ko ng binuo. Ngumiti ako at pinunasan yung luha ko, "Opo nay, ayos na ayos lang po ako." (Veronica's POV) "OKAY that's really, really knowledgeable and it made out a very realistic point about your attitude." Namamanghang saad nya habang nakaturo ang hintuturo sa pintuang nilabasan ni Seph. "Shut up." "What? I don't want to shut up. Everything that he said about you is true!" Ngumisi sya at nameywang, "Totoo namang malakas kang mang-insulto sa mga gaya nya. Sapul na sapul ka noh? Tsk tsk tsk. Kita mo nga naman at naihalintulad nya ang sarili nya sa pisong hindi natin maibigay." Anya tsaka humalakhak. What a hypocrite, Theodore. Huminga ako ng malalim bago hinampas sa dibdib nya yung wallet at mabilis na naglakad palabas. Susundan ko sya. Okay, What I said is maybe really below the belt but what can I do? I just want to give him some reward pero iba yata talaga ang epekto nun sa kanya. I'm completely clueless. Tsaka he's mahirap naman talaga, right? He's living in a cheap 'barong-barong' that can be destroyed anytime, he's wearing a very old clothes, I can also see some stitches on his clothes. Looks like he sewed those whenever it rips apart. His shoes are also old, his bag, belt, everything that he has is already overused. See? He's so poor. I'm just being honest. Agad naman akong nakababa sa ground floor dahil sa elevator. Luminga-linga ako para hanapin sya pero hindi ko sya makita. Shit. I really need a secretary, Tinatamad na akong maghanap ng panibagong magiging secretary. Ugh. This is time consuming, magsha-shopping pa ko later dahil need ko na ng bagong sapatos at damit. I already used my clothes twice and I'm not going to use it thrice so I need to shop new clothes from my favorite brands. Wala ni isang nagsalita nang makita akong nagmamadaling maglakad palabas ng building. They're not used to see me out of my office, especially in the afteroon dahil mas sanay silang nakakulong ako sa loob ng opisina ko. Iniisip yata nilang nagpapaka-kanda kuba ako sa loob ng opisina ko, Oh hell no. Theodore, my dearly bestfriend is always doing all the work as my temporary secretary while me? I'm playing Mobile Legends, It's a fun game. That's why I need to find him immediately. Hindi pwedeng mag-open pa ko ng panibagong hiring, That's too time consuming. I need to play today because I've already reached Elite III after so many months. Nang tuluyan akong makalabas ay luminga-linga ako sa kalsada. Did he took a taxi? My goodness, What a fast taxi it is! I can't see him anywhere! "Wala po bang tindahan dito?" Automatic akong napalingon sa gilid nang marinig ko yung boses na yon. And there he is! He's talking to my poor security guard. "Wala eh. Baket? Ano bang bibilhin mo?" I saw how he scratched his head, "Bibili sana ako ng tanghalian ko eh." "May cafeteria naman sa loob ah?" Kumunot yung noo ko. Oo nga naman! There's a cafeteria inside! A lot's of delicious cuisines from different famous restaurants are served in there! Bakit pa sya naghahanap ng isang tindahan? "Ah. Hahahaha! Masyadong mahal yung mga paninda nila sa loob eh, Hindi kakasya yung pera ko." He smiled. Hmp. What's so smiley about talking to a poor security guard? "I thought you said you're leaving?" Naglakad na ako papunta sa direksyon nya. He looked on me. I was about to continue talking when he smiled again so bright as if I've never offended him. "Nagpaalam akong aalis para sana mananghalian." I raised one of my brows, "You're not going to leave? Kahit na nainsulto kita?" He shookt his head before smiling, again for the ninth time, "Hindi po." I cross out my arms under my breast and squinted my eyes as I scan his whole yummy body. "But I know I offended you. I insulted you, you know. Even though I'm just being honest about you being so poor, still, that's an insult." "Hindi ko pwedeng palagpasin tong pagkakataon na magkaroon ng matinong trabaho." Ngumiti nanaman sya, Ugh. He should stop it. The dimples in both sides of his cheeks is trying to seduce me. I want to lick it. I gestured my hands, "Alright, alright. Fine, just don't expect me to apologize because I don't do that kind of gross thing." Naglakad ako palapit sa kanya bago hinila yung necktie nya at hinila sya, "C'mon my secretary, Your work is waiting for you." "O-okay!" Nakasalubong pa namin si Theo na taas kilay nanamang tumingin samen. "Seriously? You're still here despite of her insults?" "K-kailangan ko yung trabaho." Seph answered in a humble manner. Theo rolled his eyes, "Ugh. Whatever. Tignan natin kung makatagal ka ng isang linggo dyan sa babaeng yan." Nilagpasan nya kame before he waved goodbye, "Ciao!" Nagtataka syang lumingon saken. "B-bakit? H-hindi ba tumatagal yung mga d-dati mong sekretarya?" Namawis sya bigla. Oh. He look so hot in his position, Standing straight while his hands are on his necktie which I am holding right now while his face became so sweaty. Hmnnn... He looked like an anime character in a yaoi genre. A sub-type of men. So innocent. I licked my lip before answering, "Kapag sinabi kong a day is long enough for them to stay, matagal na ba iyon para sayo, Mr. Lazaro? Hmnn?" He gulped, "D-day?" "Yes. Day." "B-bakit n-nagre-resign sila agad?" I chuckled, "Why don't you..." I pulled him closer to my face, while my eyes are on his pouty, little bit chappy dried lips and on his small mole in the right side corner of his lips that made him look more sexy, "find out on your own?" Let's see how long you'll resist my seductive body, Mr. Lazaro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD