Chapter 15
(Third Person's POV)
"What the hell are they doing?" Taas kilay na tanong ni Chryseis habang nanonood sa may kalakihang screen, "The f**k?" Napapanganga sya sa nakikita nya.
Halos magda-dalawang oras na mula nang masundo nila yung dalawa na nasa likuran ng tila pader na naghahati sa limo sa dalawang bahagi. Ngayon lang nila naisipang buksan yung screen kung saan konektado sa mini hidden camera na nasa harap mismo ng kinauupuan nina Seph at Veronica.
Kitang-kita nila yung payapang mukha ni Veronica habang mahimbing na natutulog sa kandungan ng secretary neto. Samantalang ang lalaki naman ay panay ang suklay sa buhok ng kabigan nila gamit ang sariling mga daliri neto habang nakatanaw sa bintana at nakangiting pinagmamasdan ang tanawing nalalagpasan nila. Nagpanic tuloy silang lahat pwera kay Vasselisa na kalmadong nakatitig dito.
"I think she's sleeping on his lap." Inosenteng sagot nya.
Nakanganga ding nilingon ni Charlotte si Vasselisa.
"That's the point Vassy, bakit dun sya nahiga?!" Bulalas ni Charlotte, "Nagpapahiwatig ba sya ng bl*wjob---OUCH! WHAT THE f**k JHAYREIN?!" Singhal nya matapos syang batuhin patalikod ni JR ng bote ng tubig.
May maliit na siwang na hugis kahon kasi na mula sa driver's seat at sa kanila na syang binubuksan para magkarinigan ang driver at ang nasa likuran nito.
"Wag mong tinuturuan ng kagaguhan yang si Vasselisa kung ayaw mong samain saken ah!"
Naningkit yung mga mata ni Charlotte, "Banta ba yan?"
"Oo." Naniningkit ding sagot ni JR.
Nagpapalitan sila ng masamang tingin kahit na nasa driver's seat si JR. Nakatingin sya kay Charlotte mula sa rearview mirror neto. Wala namang ibang magawa si Vasselisa kundi panoorin yung dalawa habang si Chryseis naman ay nakanganga pa din.
"JR STOP THE CAR!" Utos ni Chryseis habang itinataas ang manggas ng suot nyang 3/4 shirt.
"And why the f**k would I do that?!" Singhal nya pabalik.
"Kakaladkarin ko lang tong maharot nating kaibigan!" Anya sabay tayo pero agad ding pinigilan ni Vasselisa at kumapit sa braso ni Chryseis.
"No! Don't do it Chryseis!" Pakiusap nya, nanlaki naman yung mata ni JR nang makita ang pagdikit ng balat ni Vasselisa kay Chryseis.
"Vassy baby, please don't touch her! I'm jealous!" Naiiyak nyang sambit.
Ngumiwi si Charlotte, "Yuck dude, stop being a lesbo! you're already married!"
"f**k you!"
"Well f**k you too?!"
"f**k you more!"
"f**k you a hundred times!"
Hanggang sa nagpatuloy sila ng ingay, himala nalang talaga na maayos pang mag-maneho si JR kahit na nakikipagpalitan ito ng mura kay Charlotte. Naluluha na si Vasselisa dahil sa mga pinaggagawa ng mga kaibigan nya.
Natahimik lang sila at nahinto many makarinig ng katok mula sa kabilang bahagi ng divider.
"Uhm... H-hello? O-okay lang po ba kayo dyan?" Tanong ng boses ng lalake.
Napalingon sila sa screen at nakitang medyo malapit si Seph sa camera, halata dito ang pag-aalala at pagtataka at the same time dahil sa mga ingay na naririnig nya.
"Answer him!" Mahinang bulong ni JR habang panaka-nakang lumilipat ang tingin mula sa kalsada tapos ay sa rearview mirror.
Wala ni isang may balak na sumagot sa kanila kaya't si Vasselisa na ang bahagyang lumapit sa divider.
"Yes. We're fine. Thanks for asking!" Masigla nyang anya.
"A-ah. O-okay. Mabuti naman." Saad neto tsaka muling umayos ng upo at ipinagpatuloy ang ginagawa.
Nagkatinginan nalang sila bago nagsi-ayos at hininaan ang boses para mag-usap.
(Seph's POV)
Sa totoo lang ay nawiwirduhan ako sa mga kaibigan ni Veronica, ilang oras na kasi silang nag-iingay sa kabilang bahagi ng divider. Hindi naman ako naiistorbo at wala namang kaso saken kaya lang nagugulat ako dahil biglang may nagsisigawan na at nagmumurahan na. Natatakot ako na baka nagkakasakitan na sila doon.
Mag-a-alas dose na, umalis kami kanina nang mga alas-nuebe. Ibig sabihin ay medyo malayo-layo ang tinatahak naming daan.
Bumaba yung tingin ko kay Veronica na tulog na tulog. Nanumbalik yung alaala ko kung saan hinalikan ko sya noong isang araw. Sa totoo lang ay maski ako ay nagulat, hindi ko yun sinasadya. Hindi ko alam kung bakit ganon ang ginawa ko pero wala akong nararamdamang mali doon. Ang wirdo sa pakiramdam.
Ayan nanaman yung pamilyar na init na nararamdaman ko sa tuwing nahihiya ako, alam kong namumula na yung buong mukha ko nang dahil sa kahihiyan.
Napahilamos ako gamit ang palad ko, "Jusko. Nakakahiya yung ginawa ko." Saad ko sa sarili ko.
Maling-mali yung ginawa kong yon. Hindi na dapat maulit ang ganoon dahil hindi naman talaga dapat. Hays. Ano ba kasing pumasok sa isip ko't nagawa ko yon? Nakakahiya talaga. Amo ko pa man din sya. Pananamantala yung ginawa ko, hinalikan ko sya ng hindi ko alam. Ang sama ko.
Napabuntong hininga nalang ako tsaka binatukan yung sarili ko, "Pasaway ka, Seph. Pasaway."
Tumigil ako mula sa pag-iisip ng malalim nang maramdaman kong huminto yung limousine mula sa pag-andar. Narinig ko din yung pagbukas-sara ng kabilang pinto kaya dali-dali kong kinalabit si Veronica para gisingin. Mukhang nandito na yata kami sa lugar na pagdadausan ng selebrasyon ng pamilya nila.
"Veronica? Gumising ka na. Nandito na tayo." Inuga-uga ko sya pero ngumanga lang sya imbes na magising, "Veronica?"
"Hmnn..."
Kinamot ko yung ulo ko. Pasaway talaga, hindi ba sya nakatulog ng maayos kagabi? Hindi din naman sya mukhang puyat ah.
Dahan-dahan ko syang ini-upo ng maayos ngunit mbes na magising ay sumandal pa ito sa balikat tsaka kumapit sa braso ko. Napabuntong hininga nalang ako.
"Gumising ka na, bumaba na tayo."
"One more minute..." Anya tsaka sumiksik sa braso ko.
Nilabas ko yung cellphone kong de keypad at binantayan ang oras, nang lumipas ang isang minuto ay muli ko syang tinapik.
"Tapos na yung isang minuto mo, tara na." Kumurap-kurap ako nang makakita ng kumikintab-kintab sa gilid ng labi nya, "Sandali nga, laway ba toh?" Sabay turo ko sa gilid ng mapupula nyang labi.
"WHAT?!" Gulat nyang anya matapos dumilat.
Napahalakhak ako nang mabilis syang bumangon habang humikab-hikab pa at bumitaw sa akin. Nagulo yung kulay kahel nyang buhok dala ng pagkakahiga at medyo nag-smudge yung lipstick nya nang dahil sa pagpunas nya ng laway sa gilid ng labi nya.
"Oh my gosh!" Saad nya pagkatapos makita yung basang likido na nasa palad nya pagkapahid ng labi nya, "Just what the hell?! This is so embarrasing!"
Natawa ako lalo nang impit syang magtitili na tila naiinis na nahihiya. Nagsimulang mamula yung mga pisngi nya, dala ng kahihiyan kaya napa-iling nalang ako. Ang kulit nya.
"Oh my freaking gosh! Just oh my gosh talaga! I need to retouch!" Pinanood ko syang kalkalin yung bag nyang mula sa gilid pero agad nya akong tinignan, "Don't look at me! Go out! Shoo! Mag-re-retouch ako!" Tsaka nya ako tinulak.
"P-pero---"
"Shoo!" Wala na akong nagawa nang itulak-tulak nya ako palabas.
Inagapan ko yung pinto nang akmang isasara na nya, "Teka may nakalimutan akong sabihin."
"What?"
Tinuro ko yung dalawang sulok ng mata nya, "May muta ka dito oh, dalawa."
Lalong namula yung mukha nya at nabigla ako nang damputin nya yung backpack kong nasa sahig ng lemousine tsaka ibinato sa akin na agad ko namang nasalo.
Napatitig ako sa pinto ng pabagsak nyang maisara iyon. Bakit? May nasabi ba akong masama? Totoo namang may muta sya ah.
Dahil doon ay nagpasya nalang akong ilibot yung paningin ko para pansamantalang libangin yung sarili ko. Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa sobrang ganda ng paligid.
Nasa isang resort pala kami. Hindi ko alam kung saang eksaktong lugar ito at kung paano ide-detalye pero masasabi kong maganda at maaliwalas ang paligid. Nalulula ako sa taas ng hotel nila, Dito palang sa labas ay nahuhulaan ko ng pang-mayayaman pang ang lugar na ito base sa mga itsura ng mga taong nandito. May iilang turista din ang naglalakad-lakad. Grabe, sobrang yaman talaga ni Veronica at ng pamilya nya para maghanda sa ganito kagandang lugar.
"Hoy."
Lumingon ako doon sa pamilyar na boses ng tumawag non, nakita ko si Miss JR na nakatayo sa tabi ng valet o yung taong nag-a-assist sa mga dumarating na bisita para sila ang magpa-rada ng kotse ng mga ito.
Naka-ekis ang mga braso nito sa ibaba ng dibdib. Grabe, astigin talaga pumorma itong si Miss JR. Noong unang beses na makita ko sya noon ay naka-uniporme sya ng pang-sundalo. Ngayon naman ay naka-simpleng puting sando at cargo pants lang sya tsaka boots. Suot nya din yung dogtag nya na nagdagdag angas sa itsura nya, nasa mga mata nya din yung shades nya at naka-tirintas ang buhok nya.
Tindig palang, nakakatakot na.
"B-bakit?" Lumulunok na tanong ko.
Sumenyas syang lapitan ko sya kaya sinunod ko iyon. Agad naman syang tumalikod, hindi ko naman malaman kung susunod ako o hindi dahil nasa lemousine pa yung amo ko.
Mukhang naramdaman naman nyang nag-aalangan ako kaya muli syang humarap saken, "Don't worry about her, kabisado na nya ang lugar na toh. Alam na nya kung saan nya tayo pupuntahan so c'mon."
Sumunod nalang ako sa kanya.
Kahit na manghang-mangha na ko sa paligid ko ay hindi nalang ako nagpahalata. Ayokong paninindigan yung pagiging ignorante ko masyado.
Teka, eh bakit nga ba nya ako tinawag?
"U-uhm. Saan ba tayo pupunta?"
"Sa magiging kwarto mo."
"Ah. Okay po." Sagot ko.
Matapos non ay hindi na ulit sya nagsalita, kahit nang makapasok na kami sa elevator. Napuno lang iyon ng katahimikan, ayoko din namang mag-umpisa ng ingay dahil nahihiya ako kaya nanahimik nalang din ako.
Ang tagal naming nasa loob ng elevator dahil mukhang nasa pinakataas kami ng hotel. Grabe ibang klase, nang makalabas kami ay nginingitian ko lahat ng nakakasalubong ko pero di ko din talaga maiwasang mapanganga ng kaunti dahil sa ganda ng loob ng hotel. Hindi pa ako nakapasok ng hotel sa buong buhay ko, ngayon palang kaya nakakatuwa. Ganito pala ang itsura ng hotel hehehe~
"Yung pinto sa dulo ng hallway ang magiging kwarto mo, samantalang katabi lang non ang kwarto namin." May iniabot syang card sa akin na tinitigan ko naman, kulay itim iyon na may gold at may nakasulat na 'Faustin Hotel and Services Co.' tas number '1257', yun yata yung numero ng kwarto ko.
"1256 yung sa amin, okay?" Tumango-tango ako.
"Salamat." Sagot ko pero kinunutan nya lang ako ng noo bago humalukipkip, natakot tuloy ako bigla. May nasabi ba akong mali? *GULP*
Mga ilang segundo pa nya akong tinitigan kaya nginitian ko nalang sya, pagkatapos ay namulsa sya, "Welcome." Saad nya bago tumalikod.
Teka, ano bang nangyari? Bakit ganon? Hindi kaya may gusto syang sabihin o ano? Bakit parang may hinihintay syang sabihin ko?
(JR's POV)
Hihikab-hikab kong isinara yung pinto ng kwarto namen habang lahat sila'y naka-abang sa akin. The moment that I step in inside our own room they started to walk towards my direction as if they are trying to ambush me. Tinaasan ko nalang sila ng kilay dahil doon.
"Talagang inabangan nyo ko ah?" Saad ko na nagpa-simangot kay Charlie girl which is si Charlotte, tsk.
"Dami mong dada, oh anong sabi nya?"
"Thank you daw." Ngumiwi ako, "Masaya ka na?" Sarkastiko kong saad.
Ilang beses syang pumalatak at napangisi. Baliw amp. Habang halata namang na-disappoint si Vassy at Chryseis. Napakamot nalang ako sa batok ko, tsk. Parang mga ewan, wala silang tiwala sa secretary ni Vero, palibhasa hindi pa nila nakakasalamuha ang lalaking yon.
"See? He's a gold digger." Anya na may paturo-turo pa.
Abnormal amputa. "Nag-thank you lang, gold digger na? Ibang klase definition mo ng gold digger ah." Judgemental ang gago, maka-gold digger kala mo hindi mukhang pera eh.
Ipinagkrus pa ng gaga ang mga braso nya sa ilalim ng dibdib nya, "JR, kung hindi talaga sya gold digger edi sana nagreklamo na sya na masyadong malaki yung kwarto nya."
"Ah, yun lang ba inaabangan mo?" Sumandal ako sa pader na malapit sa pinto, "Then wait for him to knock in 3...2...1---"
*Knock *Knock
Ngumisi ako nang marinig ang katok na iyon na tila nagmamadali. Agad kong binuksan yung pinto at napangisi lalo nang bumungad yung nag-aalala nyang mata.
"Uhm... S-sorry kung naistorbo ko kayo pero m-maling kwarto yata yung naibigay nyo sa akin. Masyado kasing malaki iyon, parang pang-isang buong pamilya ang laki. W-wag mo sanang masamain p-pero isa lang naman ako kaya baka pwede mo naman akong b-bigyan ng mas maliit na kwarto." Utal-utal nyang anya habang namamawis pa.
Bumaba yung tingin ko sa kamay nyang nakasalikop. Para syang nananalangin na ewan sa mismong harap ko, yung itsura nya din akala mo papatawan ng parusang bitay. Tsk tsk tsk. Nakakaawa at napunta lang sya sa puder ni Veronica. Sayang.
Nilingon ko si Charlie girl na lumulunok at nginisihan ng malawak. Napangiti din yung dalawa nang marinig yung sinabi netong lalakeng toh. See? This guy is so innocent and naive, imposibleng maging gold digger toh. Judgemental lang talaga tong si Charlotte.
"It's okay," Nakangiti kong sagot matapos ko syang lingunin ulit, "Nasa presidential floor tayo kaya normal lang na malalaki ang mga kwarto dito."
"P-pero b-baka mahal---"
"Wag ka ng mag-aalala!" Masiglang putol ni Vasselisa sa kanya, "Pagmamay-ari ng kuya ni Chryseis itong buong resort kaya libre ang stay-in natin dito."
Gusto kong matawa nang makita kung paano sya kumalma nang marinig iyon, pero hindi nawala yung pag-aalala sa mukha nya. Tsk. Nerbyoso masyado tong lalakeng toh.
"S-salamat. Maraming salamat." Tumango sya ng kaunti at ngumiti, "Pasensya na din sa istorbo. Salamat ulit."
"Kakatokin ka nalang namin kapag tanghalian na."
"Sige, Salamat talaga."
Tinanguan ko lang sya hanggang sa maisara ko yung pinto. I felt pity for him. Poor guy.
Kawawa naman si Seph dahil si Vero ang naging amo nya, hindi nya alam kung gaano kasakit sa ulo maging amo si Veronica.
(Veronica's POV)
"Where's Seph?" I asked as soon as I enter in our very own presidential room.
They are all busy organizing their things. Oh my gosh, they are so sipag like what the heck? Sinama ko sila dito para makapag-bakasyon sila yet they just make theirselves so busy pa ren. Ugh, this is one of the disadvantages of having a workaholic circle of friends.
"Kabila." They answered in unison kaya dali-dali akong lumabas ulit para magtungo doon but I immediately came back and snatch the master keys of all the rooms here in this floor. Kuya ni Chryseis ang may-ari ng hotel na ito kaya may access kami sa lahat ng rooms, though we respect the client's privacy. We only use this keys for emergency only, besides, the door can be locked through a key card.
"I'll just check my secretary then let's have lunch." I said.
"Hey, 30 minutes ka halos nag-retouch?"
I just gave Chryseis a mischievous grin before exiting, I even saw her shaking her head in disbelief. Okay, I already consumed 30 minutes and yeah there's no problem with that, like, duh? I change my dress into a new one ano. I don't want him seeing me wearing the same dress that I wore before kahit na it's minutes since he last saw me.
Wearing my new dress that is specially designed by one of my oh-so-not close friend and a pair of fifty dollar stillettos, I made my way through Seph's room. The jingling sound of the keys filled the whole corridor.
I just can't believe that I looked ugly in front of him for just a millisecond. It's so sooo embarrasing! Grabe, He just saw me earlier having a mucus in both of the corners of my eyes and some saliva on my cheek! I need to refresh myself in front of him or else---the memory of me, being ugly will remain in his mind! FOREVER!
"Seph? Honey? Open the door for me." I said as I continouosly pressed the doorbell.
Nagtaka ako ng hindi pa din nya binuksan iyon so I decided to open it on my own by the master keys that I have.
"Seph?" I called after opening the door.
Strange. It's so quiet. Naglakad ako papasok ng living room but he's not in there, though his bag is on the couch. I also checked the kitchen and bathroom pero wala sya so I walk towards the bedroom.
I was about to enter when I heard him talking to someone, in the phone rather. Nagpasya akong tumayo sa gilid para makinig, oh my gosh, I'm not eavesdropping, o'right? I'm just checking, baka mamaya may hidden girlfriend pala sya or what edi makakapagplano na ako kung paano ko sila sisirain. I don't share what's mine eh and I always get what I want.
"Wag ka ng umiyak, susubukan ni kuyang umuwi dyan sa susunod na mga buwan..." Kuya? So meaning he's talking to one of his siblings.
"...Wag kang mag-alala. Maghahanda si kuya ng maraming pagkain para sayo, ako mismo magluluto. Syempre magpa-pa-Family portrait din tayo, diba gusto mo ng picture na ganon? Hmn? Wag ka ng umiyak ng umiyak, mahihirapan ka nanamang huminga nyan. Ibigay mo na kay inay at kakausapin ko sya..."
Napahimas ako sa kanang dibdib ko, aww~ He really love his family. Nakakataba ng puso. I even felt my boobs grew bigger because of my heart getting bigger too. I grasp both of it, lumalagpas sa palad ko yung dibdib ko. Aww~ It's not just my heart that gets bigger, but my breasts too!
Sinilip ko sya, I saw that he's sitting on the floor beside the bed while talking in the phone. Napatitig ako sa kanya, he's grasping his hair like he's somewhat problematic or what, Kita ko din sa mukha nyang may malalim syang iniisip.
"Inay, pasensya na po talaga at halos isang linggo akong hindi nakatawag. Busy po kasi ako sa trabaho... Opo..."
Oh. Oo nga pala. I scratched the back of my head, my fault. Ang dami ko kasing pinapagawa sa kanya netong nagdaang linggo.
"Ayos naman po ako dito... Opo... B-bahay? Ahm... M-maayos naman yung tinitirhan ko, opo... M-medyo malaki, Kumportable naman... May pera pa po ako... Hindi na po, maayos-ayos pa naman yung cellphone ko, yung sa iyo nalang po ang palitan mo..."
"What? Kumportable?" I raised my eyebrow as I bit my nail on my thumb. It seems like he's lying in order to make his mother not to worry about him.
Is it my fault? Oh my gosh, ganon na ba ako ka-terrible? I feel so sorry about him, maybe it's my fault. Mukhang kulang yata yung pasahod ko sa kanya, well if I were on his shoes eh talagang maliit ang fifty thousand bilang buwanang sahod.
"Ugh! Nakakainis naman pala ako kung ganoon." Mahina kong bulong tsaka tinuktukan yung sarili kong ulo. My gosh, Veronica! You're such a bad girl!
"Veronica?"
"Ohmyjumbohotdog!" I said out of shock. Para akong tumakbo ng milya-milya dahil sa bilis ng kabog ng puso ko. My gosh, ito kasing jumbo---este si Seph, bigla-biglang sumusulpot.
He frowned before leaning on me and check me immediately, "Pasensya na kung nagulat kita. Ayos ka lang ba?"
"Uhm... Yes, Yes... I'm fine." Medyo nailang ako bigla sa lapit ng mga mukha namin. Wait---And bakit naman ako naiilang?
"Mabuti naman kung ganon. Nga pala, kanina ka pa ba dito?"
"No. I've just arrived here." I lied.
Of course I lied, I'm not dumb to say that I'm eavesdropping ano. That's so stupid.
"Anyway, I came here to see you!" Masigla kong saad.
He chuckled so sexily that made me bit my lower lip, hmn. He's so sexy whenever he do that.
"Pero magkasama naman tayo mula pa kanina ah?"
"I know!" Kumapit ako sa braso nya at hinila-hila sya, "C'mon! Let's have lunch together with my friends!"
Wala na syang nagawa nang hatakin ko sya. Oh Seph, Until now I still didn't know if you're single or not. Hmn... How can I know?
(Third Person's POV)
"Bitch." Sabay-sabay na bulong nina Charlotte, JR at Chryseis nang makitang mahigpit na nakakapit si Veronica sa braso ni Seph.
Nagke-kwentuhan ang dalawa habang naglalakad patungo sa direksyon ng mesa nila. Nasa restaurant sila ng mismong hotel para magtanghalian at ang dalawa nalang ang hinihintay nila.
Si Vasselisa lang ang may ganang tumayo at kawayan ang dalawa. Ngiting-ngiti ito habang excited na hinihintay sila. Napapangiti nalang si JR sa tuwing napapatitig sya sa babae, umiirap naman si Charlotte dala ng inis.
"Vero!" Tawag ni Vasselisa sa kanila, "Dito!"
"Here they are." She said after stopping in front of them.
"Magandang tanghali." Nakangiting bati ni Seph bago bumaling kay Veronica.
Pinagmasdan nilang lahat kung paano neto ipinaghila ng upuan si Veronica at inalalayang maupo. Ito din ang bahagyang nagtulak sa upuan nito papasok ng konti sa mesa para di masyadong malayo ang pwesto ng babae sa hapag. Wagas naman kung makangiti si Veronica habang hinahayaan lang si Seph.
"Tsk tsk tsk. Kawawang Seph." Naaawang saad ni JR matapos makita ang pagiging maginoo neto. Alam kasi nya kung gaano kamaldita at kamatapobre ng kaibigan nya.
"By the way, they are my friends. I bet you already knew Jhayrein Arriane Herrera-Gonzales or just simply JR, She's the one who tried to beat you to death in my office last time." Pakilala nya kay JR.
Tumango-tango si Seph habang nagbibigay ng naiilang na ngiti. Nginisihan lang sya ni JR bilang ganti dahil alam nitong medyo naiintimidate sa kanya ang lalake. Natutuwa sya sa tuwing may natatakot sa kanyang lalake, pakiramdam nya boss sya.
"And this is Chryseis Faustin, her brother owns this whole resort. She's a traveller and has several side jobs that I can't tell you." Turo nya sa kaibigang nakasuot ng 3/4 long sleeve t-shirt, tight jeans at heavy boots. Nakalugay ang buhok nitong umaabot hanggang sa balikat, wavy at kulay brown iyon. May pagkabilugan ng konti ang mata neto at may maliit na hugis ng mukha.
"Hi. Nice to meet you." Anya habang iniaabot ang kamay para sa isang handshake na agad naman nyang tinanggap.
"Ako din, nice to meet you."
Sunod na bumaling naman si Veronica sa katabi sa kanan na kanina pa nakangiti, "This is Vasselisa Skyran, She's an event planner. She's the one whose preparing everything for my parent's wedding anniversary."
Nakatirintas ang mahaba netong itim na buhok sa gilid, simpleng polo shirt na baby pink at maong na paldang lagpas sa tuhod ang suot neto na pinaresan ng kulay itim na dollshoes. Maamo naman ang mukha ng babae, yun nga lang ay singkit ito hindi tulad ng sa nagpakilalang Chryseis.
"Hello!" Masigla nitong bati kaya napangiti si Seph at binati din ito.
"Last but not the least, Charlotte Mikuzuki." Nilingon nya si Charlotte na syang katabi ni Seph, "She's a veterinarian and a voluntary doctor. You can call her Charlie."
Ilang beses na lumunok si Seph dahil nararamdaman nyang hindi sya gusto ng babaeng katabi nya. Halata nya sa pekeng ngiting ibinibigay neto sa kanya.
Maikli ang buhok neto na parang katulad sa mga lalaki, naka-brush up iyon at may highlights ng blonde yellow. Naka-Nike itong sapatos, sandong itim na may tribal print sa harap at maluwag na shorts na abot tuhod. Di hamak na ito ang pinakamaputi sa kanilang lahat, nahiya ang kayumanggi nyang kulay dito. Mukha itong haponesa, haponesang ibinabad sa gatas at galit sa pilipinong nababad sa araw na gaya nya.
'Nagmumukha akong kape na napapalibutan ng iba't ibang brand ng gatas.' Saad ni Seph sa utak nya. Sya lang kasi ang may kulay na kayumanggi sa kanilang nasa mesa, lahat ng babaeng kasama nya ay napakaputi at napakakinis, lalong-lalo na itong haponesang pinepekean sya ng ngiti sa di matukoy na dahilan.
Nginitian nya nalang din ito at tinanguan para hindi maging bastos sa babae.
"M-masaya akong m-makilala kayong lahat. Ako s-si Seph Lazaro." Pakilala naman nya sa sarili nya.
Matapos iyon ay nagtawag na si Chryseis ng waiter para sa mga handang pagkain. Nagsimula namang mag-usap si Veronica at Vasselisa tungkol sa gaganaping event ng mga magulang neto. Nagsimula ding mag-usap sina Charlotte at JR pero hindi naman talaga usap ang nangyayari, nauuwi sa pagtatalo ang dalawa.
Wala naman syang magawa kundi ang ngumiti-ngiti sa tuwing tumatama ang tingin nya sa kahit na sinong napapatingin din sa kanya. Mabuti nalang at dumating na din agad ang pagkain, nilibang nya ang sarili nya sa pamamagitan ng pagkain. Masarap ang mga iyon, walang dudang pang-mayaman dahil minsan na nyang nakita ang mga ganong klase ng pagkain sa telebisyon.
Napahinto lang sa pagkain si Seph nang magsalita yung haponesang katabi nya.
"Tell us something about yourself, Seph."
Sa di malamang dahilan ay kinabahan sya. Nakaka-intimidate si JR pero dahil matino naman ito kausap ay nabawas-bawasan na ang intimidation na nararamdaman nya. Ngayon dito naman sya kay Charlotte naiilang, alam nyang napipilitan lang itong kausapin sya.
Nilingon nya ang boss nya, nakikipag-usap pa din ito kay Vasselisa. Ang tanging nag-aabang sa isasagot nya ay si Chryseis, JR at Charlotte.
"Uhm... Ano..." Dahan-dahan nyang ibinaba ang hawak na kubyertos at uminom ng tubig tsaka kinalma ang sarili, "A-ano bang gusto nyong i-ikwento ko?"
"Hmn... Basic info's? Likes, dislikes, hobbies or other experiences, you know something worth sharing for?"
Napakamot si Seph sa batok nya matapos iyong sabihin ni Chryseis.
"Uh... Ayon... Uhm... M-mahilig akong magtanim, mangisda at mag-kumpuni ng mga sasakyan." Ngumiti sya ng maalala yung mga madalas nyang gawin noong nasa probinsya pa sya, "Mahilig din akong umakyat ng puno para kumuha ng mga bunga, o di kaya nama'y magpunta sa bukid para pumutol ng tubo (tu-boh) bilang meryenda. Nagluluto din ako ng kakanin at iba pang paninda namin, gusto ko ding naglalako ng taho sa bayan---Ah!" Lumawak yung ngiti nya nang may maalala pa, "Pumapasada din ako ng tricycle kapag may sobrang oras ako, o di kaya nama'y namamasyal sa malawak na bukirin kasama ang mga kalabaw."
Nagkatinginan ang tatlo dahil doon. Maski ang dalawang nag-uusap ay napatitig sa kanya.
"Wait-wait-wait!" Biglang pigil ni Charlotte nang akmang magsasalita pa ito, "Meaning, all your life eh sa probinsya ka talaga nakatira?"
Tumango-tango si Seph, "Unang beses kong makapunta ng Maynila. Ilang buwan palang ako dito."
"Really?! What does your province looked like?" Napukaw ang atensyon ni Chryseis dahil doon, "You see, I'm a traveller yet I've never been into any province here in the Philippines so I'm curious about it."
Nawala ang kaba ni Seph at kumportableng nagkwento dito. Manghang-mangha naman si Chryseis sa mga kwento ni Seph tungkol sa kaibahan ng Maynila sa probinsya.
"How old are you when you started doing those kinds of things? Yung mga pangingisda, pagtatanim and such?" Tanong naman ni JR na nakatukod pa ang ulo sa sariling kamay na nasa mesa.
"Tinuruan ako ni tatay Nico noong nasa elementarya palang ako, Mga grade five ako nong una akong natutong mangisda. Lagi kasi akong sumasama sa kanya kapag nangingisda sya, minsan naman tumatakas ako at sumasama sa mga kapitbahay naming magbubukid."
Gulat nanaman silang nagkatinginan. Maski si Veronica ay nag-react na din.
"What?! How about your studies? Hindi ka ba nahirapan pagsabayin yon?"
Nginitian sya ni Seph, "Syempre nahirapan. Hindi ako araw-araw pumapasok pero sinikap kong makatapos. Binabawi ko nalang sa mga pagsusulit para kahit may absent ako ay hindi ako babagsak."
"Bat di ka nalang nag-aral?" Sabat nanaman ni Charlotte, "I mean, just focus in your study instead of doing those adult stuffs."
"Kung hindi ako tutulong sa tatay ko eh wala kaming magiging pagkain. May sakit si tatay, hindi ko sya pwedeng pabayaan magtrabaho mag-isa kaya sumasama ako para makatulong kahit papano."
"Oh my, that's so sweet of you Seph." Papuri ni Vasselisa dahilan para mamula yung pisngi ni Seph.
"H-hindi naman." Nahihiya sya.
Madami parang itinanong ang mga kaibigan ni Veronica sa kanya habang si Veronica naman ay pinanonood at nakikinig lamang sa kanila. Namamangha sya sa mga nalalaman nya mula sa lalaki, base sa mga kwento neto ay ibang-iba ang buhay na kinagisnan nya dito sa Maynila kesa sa buhay na kilakhan ni Seph. She's amazed on how Seph handled all those things, kung sya iyon ay hindi nya kakayanin. Veronica didn't even know how to cook rice, nor to use the rice cooker. Kuya nya lahat ang gumagawa kung hindi naman ay ang kaibigan nyang si Theo.
While listening to Seph, she realized a lot of things. Like Seph is really an industrious man. He's also responsible, humble and gentleman. Napatunayan nya yan noong nasa initan sila kanina kung saan sinusungitan nya ito pero talagang di sya pinayagang mainitan neto.
Napatango-tango sya,'My gosh, he deserves a 'thank you s*x' after all.' Anya sa isip nya habang nagpa-plano kung paano nya ulit aakitin ito para matuloy na yung mga pantasya nya dito.
She's not a nymphomaniac yet she really wants to see Seph, naked in her bed while savouring their heated moments. She's curious on how her 'innocent and gentleman' secretary will react when it comes to a steamy s*x.
Napukaw muli ang atensyon nya nang marinig ang tanong ni Charlotte.
"Then how about your lovelife?" Nagpantig yung dalawang tenga nya nang marinig iyon, she observed the guy's reaction, "Do you have any girlfriend? Fiancée or wife that's waiting for your return in the province?"
Napatitig si Veronica sa kanya habang nag-hihintay din ng sagot. Sa di malamang dahilan ay bigla syang pinagpawisan ng malapit. She's not afraid to hear anything about Seph having a commitment to anyone, it's just that she's nervous to hear it because she's already planning some crazy stuffs in her head on how to steal Seph from it's lover.
"Tungkol dyan..." Kinamot nya yung pisngi nya, marahil ay di alam kung paano sasagutin ang tanong ng mga babae.
Kinagat ni Veronica ang kukong bagong nail polished, kulay puti na may halong navy blue iyon. May iilang silver dots sa kuko nyang medyo mahaba-haba. Mannerism na nya iyong kumagat sa kuko sa twing kinakabahan or kapag nag-iisip ng malalim.
Ilang beses syang lumunok nang bumuka ang bibig ni Seph.
"...may girlfriend ako..."
"Oh damn motherfucking bullshit." Bulalas nya matapos marinig iyon.