Chapter 12

4660 Words
Chapter 12 (Seph's POV) Binuksan ko yung pinto para mauna syang makalabas mula sa meeting room, agad naman akong sumunod sa kanya. Bitbit ang folder at iilang papel ay nakasunod ako sa kanya habang isa-isang jina-jot down yung mga bilin nya. "Schedule my next appointment with Mr. Sy next week." "Opo, miss." Malakas ang lagatok ng takong nya habang confident na naglalakad papasok ng elevator, sumunod ako papasok at ako na ang pumindot sa buton ng elevator para makarating sa ground floor. "Also, can you kindly please do the powerpoint for tomorrow's meeting? I'm going somewhere kasi." Inangat ko yung tingin ko at nakita yung repleksyon nya sa makintab na pinto ng elevator habang nagre-retouch sya ng kakaunting powder sa mukha, nasa likuran ko kasi sya, "Paki-salansan na din lahat ng files na nasa mesa ko, I already checked and signed it." Mukhang may lakad nga sya ngayon. Kakaiba yung bihis nya, medyo formal hindi katulad nung mga damit na lagi nyang sinusuot na sobrang ii-iksi at napaka-liberated. Ngayon ay simpleng corporate attire lang ang suot nya, pero maiksi pa din ang palda. "Okay." Muli ko iyong isinulat sa notepad ko para hindi ko makalimutan, "Nga pala, babalik ka ba ulit dito mamaya pagkatapos ng lakad mo o diretso uwi ka na?" "Hmn..." Naglipstick sya bago isinara ang compact mirror at tumingin saken sa mismong repleksyon, "I'll just go home nalang after." "Okay. Sige." Saad ko at sakto namang tumunog ang elevator palatandaan na nasa ground floor na kame kaya lumabas ako kasunod sya. Nakasunod ako sa kanya hanggang sa labas ng kumpanya nya. Katulad ng laging eksena ay nagsisiyukuan at bumabati ang iba pang empleyado nya habang ako ay binabati sila pabalik. Nang makalabas kame ay dumiretso sya sa tapat ng nakaparadang sports car na kulay asul. Bumaba ang bintana noon at tumambad ang pamilyar na mukha ni Sir Theo na nakangisi bago ibinaba ang itim na salamin. "Long time no see, Sephy boy!" Pinagmasdan nya ko mula ulo hanggang paa tsaka lalong ngumisi, "I love your fashion sense." Nginitian ko sya bago ako kumaway, "Magandang tanghali, Sir Theo. Salamat sa mga damit na binigay mo." "Drop the f*****g 'sir' and we're good." Ngumiwi sya. "Ah hehehe~" Kinamot ko yung ulo ko, "Theo. Salamat, Theo." Bumalik yung ngisi nya, "That sounds better. Welcome!" Nilingon nya yung boss ko na busy magtipa naman sa cellphone, "What are you doing? Get your ass in here, b***h. Male-late na tayo." "Can't you wait asshole?" Nakasimangot nyang anya bago ako nilingon, "I gotta go. Take care of my company, okay?" Tumango ako sa bilin nya, sya naman ay lumapit saken at kumapit sa batok ko para humalik sa pisngi ko bago kumaway, "Bye." "Ingat kayo." Saad ko. Muli akong tumango tsaka kumaway sa kanila. Pinagmasdan ko yung papalayong kotse ni Sir Theo. Hindi na ako nagulat sa paghalik nya sa pisngi ko, sanay na kase ako. Haha. Tsaka isa pa, lagi nya namang ginagawa iyon sa twing aalis sya. Kinamot ko yung pisngi ko dala ng pagtataka. Ilang araw na kasi syang seryoso, hindi katulad noon na konting kibot ay yakap o kapit ng kapit sa akin. Hindi din sya masyadong mahalay netong mga nakaraang araw, hindi ko alam kung dahil lang ba sa sobrang busy sya o kung ano. Ayoko namang mang-usisa dahil ayokong pakielamanan yung personal nyang buhay. Hindi naman sa namimiss ko yung pagiging agresibo nya, naninibago lang ako. Pero kung ako ang papipiliin eh mas maganda na ganyan sya, atleast umaakto sya ng naayon sa posisyon at personalidad nya. Isa pa, napapansin kong madalas silang lumalabas ni Sir Theo. Hindi kaya may relasyon talaga sila? "Seph!" Nilingon ko yung may-ari ng boses na iyon---Si Louie, papalapit sya saken. "Hi." Bati ko, "Saan ka galing?" Ngumuso sya, "Sa Financial Department. Eh ikaw? Saan galing yang kiss mark mo?" "Ah, Eto ba?" Kinapa ko yung pisngi ko at nakitang may pulang lipstick sa palad ko, "Kay Ma'am Veronica, bineso nya ko noong umalis sya." "Beso?!" Pinaningkitan nya ako ng mata tsaka sinipa ng pabiro sa paa, "May beso bang may kiss mark?!" Binatukan nya din ako, "At talagang galing pa sa CEO ah?!" "Nagtanghalian ka na ba?" Pag-iiba ko ng usapan kasi kung hindi ay mang-uusisa pa sya lalo, "Kung hindi pa eh sasabay nalang ako sayo." Nag-umpisa na kaming maglakad palayo mula sa building para pumunta sa malapit na karinderya sa gilid-gilid. Bitbit ko pa din yung folder at notepad. Lagi kasi kaming sabay kumain ni Louie dahil madalas ngang umaalis si Veronica. "Bakit iniiba mo yung usapan? Huh?" "Huh? Iniiba ko ba?" Maang-maangan ko. Inakbayan nya ko, "Ikaw nga! Amingin mo nga saken..." Tumaas yung pareho kong kilay kasabay ng pag-ngiwi nya, "May relasyon ba kayo ni Ma'am Veronica?!" Maka-ilang beses muna ako kumurap bago sumagot. "Wala." Lalong naningkit yung mata nya. Teka---hindi ba sya naniniwala? "Anong wala?!" "Uhm... Wala kaming relasyon?" Sagot ko, pero nagkaroon lang sya ng gatla sa noo nang maningkit pa lalo yung mata nya kaya kinamot ko yung pisngi ko, "Bakit ba?" Eh sa wala naman talaga kaming relasyon ni Veronica, bukod sa pagiging boss sya at secretary ako ay masasabi kong magkaibigan lang kami. Tsaka isa pa, kung tutuusin ay mas bagay sila ni Sir Theo. Natawa ako bigla, bagay sila kahit na sabihin mong mag-bestfriend lang sila. Ang cute nila pag nagtatawagan silang 'b***h' at 'Asshole', nakakatuwa silang tignan kapag iniinsulto nila ang isa't isa. Umiling-iling sya pero halatang marami syang gustong sabihin saken. Magkakilala na kami simula pa noong highschool kaya hindi nya ako maloloko, alam kong marami pa syang gustong itanong saken. Bumuntong hininga nalang ako. "Ay ewan, bahala ka kung ayaw mong sabihin edi wag!" Bigla nyang hinawakan yung manggas ng polo ko, "Sabihin mo nalang saken kung saan ka nakabili netong mga bago mong damit. Hehehe~ Ang ganda eh. Sale ba toh? O ukay-ukay? Mukhang mamahalin ah!" Suot ko kasi yung blue na bulaklaking polo galing kay Theo, pinartner ko sa itim na slacks na kasama sa mga binigay nya. Pati na din yung belt, sapatos at relo. Kesa naman kasi hindi ko gamitin at i-istambay sa bahay baka mamaya manakaw, madali lang kasing mapasok yung bahay ko. Sayang naman kung mawawala lang yung binigay ni Theo. Umiling ako at ngumiti, "Kay Sir Theo galing toh." Nanlaki yung mga mata nya at napahinto, "Aba naman talaga! Pati si Ser Theo, nabingwit mo!" "Anong nabingwit?" Sinamaan ko sya ng tingin at agad naman syang nag-peace sign, inilingan ko nalang sya, "Bigay nya ang mga toh. Naawa siguro saken kasi nung nakaraang araw lang ako nabigyan ng advance na sweldo." Sya naman ang inakbayan ko, "Ikaw naman ang magkwento! Puro nalang ako, ikaw nga eh, hindi mo sinasabi sakin na nagpundar na pala kayo ng maliit na grocery store sa bayan natin sa probinsya! Kung hindi lang sinabi saken ni Nanay, hindi ko pa malalaman?" "Ah. Hindi ko ba nasabi?" Kita mo toh, sya naman yung nagma-maang-maangan! Kinamot nya yung ulo nya tsaka tumawa, "Actually pre, yun kasi talaga yung balak ko simula nang magkatrabaho ako. Pinag-ipunan ko yun ano BWAHAHAHAHA!" Nakitawa nalang ako sa kanya. Grabe kasi syang makahalakhak. Ayoko namang sirain yung pagiging masaya nya. "Buti naman, masaya ako at may grocery store na kayo." Ngumiti ako at pabiro syang sinuntok sa braso, "Sa inyo bumibili sina Nanay ng mga ginagamit nya sa pagluluto, kaya pakisabi kay Tita na bili na sila ng paninda ni Nanay na kakanin. Hehehe~" Tukoy ko sa mama nya. Sa advance na sweldo kasi na ibinigay ni Veronica, ay 1/4 lang ang itinira ko sa akin, ang iba ay ipinadala ko na kay Nanay. Sa totoo lang ay malaki yung tulong nung advance na sweldo nya saken dahil talagang walang-wala na akong pera, tapos wala na din akong part time. Kung hindi nya ibinigay iyong ay malamang dilat na dilat na ko sa sobrang gutom. Nakakagulat din dahil masyado syang malaki magpasweldo. Akala ko binibiro nya lang ako nang sabihin nyang Fifty thousand ang sweldo ko kada buwan, aba natawa ako syempre kasi sinong matinong tao ang nagpapa-sweldo ng fifty thousand kada buwan? Kaso ayon, ganon pala talaga sya magpasweldo. Kaya ipinadala ko yung karamihan doon kay Nanay. "Sige sige sasabihin ko kayna mama, basta alam mo na ah?" Siniko-siko nya ako, "Ilakad mo naman ako sa kapatid mong si Stephanie. Huh? Huh?" Taas baba pa yung kilay nya. Nginiwian ko sya at tinuktukan yung noo nya, "Magtigil ka nga. Hindi kita gusto para sa kapatid ko, okay?" "Aray ah. Oo na! Tsk. Parang hindi tropa." Umiling-iling sya,"Kahit hindi mo na i-endorse! Doon naman talaga bumibili ng kakanin sina Mama, lalo na si Lola!" Sabay kaming natawa habang nagke-kwentuhan ng mga bagay-bagay. Hanggang sa makarating kame sa karinderyang kinakainan namin ay hindi na sya natigil sa pagke-kwento na nae-enjoy ko naman. Matagal na din nang huli akong makipagkwentuhan ng ganito. "Nga pala, Seph." Natigil ako sa kalagitnaan ng kain ko nang tawagin nya ako, seryoso yung ekspresyon ng mukha nya, "Alam mo na ba?" "Alam ang alin?" Kinuha ko ang baso para uminom ng tubig. Ibinaba nya yung kubyertos at pinagsalikop yung mga palad nya kaya hindi naalis yung tingin ko sa kanya, Ang seryoso kasi ng mukha nya. Kinabahan tuloy ako bigla sa sasabihin nya sa hindi malamang dahilan. "Yung tungkol kay ano..." Nag-iwas sya ng tingin at bahagyang yumuko, "Si ano..." "Si...?" Bakit ba pinuputol-putol pa nya? Umangat yung ulo nya at sinalubong yung tingin ko, "Yung tungkol kay Phoebe---" Agad akong natigilan. "Louie." "B-bakit?" Tinitigan ko sya ng mariin bago umiling, "Ayos na ako." Kitang-kita ko yung pag-aalala sa mga mata nya. Gustong kong mangiti dahil doon pero hindi ko kaya. "Eh... P-para kasing hindi..." Ramdam kong tinititigan nya ako, parang nag-aabang ng sasabihin ko, "Sa totoo lang eh usap-usapan na nga sa bayan na baka sundan ka nya dito sa Maynila lalo na't hiwalay na sila ni Conrad." Nginitian ko nalang sya at hindi ako sumagot. Ipinagpatuloy ko yung pagkain ko. Narinig ko yung pagbuntong hininga nya. "Pre, pasensya ka na pero kasi alam mo yon? Yung feeling na parang obligado akong magsabi sayo ng tungkol sa kanya? Sina mama kasi kinwento lang saken yon, naghiwalay pala sila simula nang umalis ka doon sa bayan natin kaya..." Muli ko nanaman narinig yung pagbuntong hininga nya ngunit mas malalim na iyon ngayon, "Okay. Pasensya na. Hindi na ulit ako magsasalita." Tumango nalang ako bilang sagot. (Veronica's POV) "I already contacted Wesley for the furnitures of the event, How many tables do we need?" "I bet fifty to seventy is enough." "Basta may upuan yung lamesa, go ako." "Seriously?" "I think we need more than seventy tables, imbitado din kasi lahat ng tauhan sa organization nila and there are hundreds of them." I said while checking my phone. I saw him standing in the rooftop with Mr. Louie from the other department, It's been an hour since I left, they're done eating their lunch from the cheap karinderya nearby my company and they're just taking a break from work. I have my own drone surveilling Seph everyday whenever he comes out of my company. I want to see him kasi but I have a lot of works to do, plus the dinner that my family planned for the celebration of my parent's wedding anniversary. I already miss him, I want to be with him but I can't. Tsk. And because of that, I bought my own drone that I can manipulate through my phone so that an watch him all day long even though I'm far from him. Aw. Look at my adorable secretary, he looks stressed and exhausted. Madami kasi akong paperworks na naiwan sa kanya, omg. Should I treat him nalang ulit? Should I? Should I? Hmnnn. "Okay, I'll just check the list of the guest then yung motif nalang muna po yung i-discuss natin today. what color do you want to be the motif, Tita Vanessa?" I bet Vasselisa's now talking to my parents. She's the organizer kasi. "Oh! We want it red and white sana, with a touch of white, diba hon?" I nodded my head as if I'm really listening to them but my real focus is on Seph. Inakbayan sya nung Louie na iyon then he take something out of his pocket. It's a small box, ini-umang nya iyon kay Baby Seph na kinuha naman ng baby ko. I think it's a color white stick with an orange---Oh my gosh! "Yes, and hindi sana ganon ka-over decorated yung place since it's just a formal dinner." "Wait, bakit red at white? Gusto ko ng blue! Yung parang stitch---aray! Huhuhu mon-mon bakit mo ko binatukan?" "Shut up, this is a formal dinner for a small celebration not a kids party." "P-pero... pero..." "Tsk." "Ako po! Akong bahala sa catering kaya wag na po kayong mag-alala sa mga handa. Hehehe~" Nanlaki yung mata ko nang masubaybayan ang mga sumunod na eksena. "Shit." Humigpit yung hawak ko doon sa phone, "Oh god baby, don't touch it! Kyaaaah! It's dirty!" He's now holding that stick and he expertly lit it up with a lighter! Oh. Em. Gee!!! (>3<) He really knows how to smoke! Totoo yung nasa pantasya ko! He's smoking!!! Grabe, I really didn't expected this! Though he really looks hot while smoking that cigarette yet it's dangerous to his health! It's not damn good! I'm banning a yosi-break to my employees from now on! Napahawak ako sa bibig ko, He looks so cool and hot, "Oh no baby, that's bad to your health---AH!" Hiyaw ko nang biglang hampasin ng kung sino yung mesa. I immediately roam my eyes around them, they are all staring at me except Kuya Vince na I think sya yung may gawa noon. Si Theo ay kabadong tinitignan ako, habang si Vasselisa na syang organizer ng event namin ay nagtatakang nakatitig saken. I pouted while he's still glaring at me! Sunod na non ay gaya-gaya ding sumama ang mukha ng mga pinsan ko na narito din sa table namen, pwera lang kay Tito Liam na kapatid ni daddy na ngiting-ngiti saken na tila kinikilig. "What?" I innocently asked. "What? Really?" Balik na tanong ni kuya habang gumagalaw-galaw yung panga, "What the f**k---" "Vincent. Reese." Pagbabanta ni mommy kaya lalo akong napanguso. Hindi naman natigil si Kuya sa masamang tingin nya saken kaya lumunok ako. What's his problem ba? Mens day ba ngayon? And why are they glaring at me? All the boy's in our table is freakin burning by madness? "What's your problem guys?" I drop my phone on the table, "Ano ba?" "We just heard you calling someone a 'baby." Ngumiwi sya, "And hearing 'MY BABY' calling someone as her 'BABY' too bothers me a lot." Nakasimangot na saad ni daddy kaya nakagat ko yung ibabang labi ko bago tumingin kay mommy, she just shrugged her shoulders but then immediately cling her arms to my father's. "Honey, I think our daughter is watching those k-dramas again, alam mo naman diba? Girls love to call every men in k-dramas as their baby." Anya sabay kindat na nagpangiti saken. Yes, you're the best mom! Pumalakpak si Tito Liam, "Oh! Oo nga naman bro, mahilig ang mga girls sa koryano!" Anya sabay hagikgik na hinampas naman ni Tita Monica. "Shut up. Wag kang agaw-eksena." Malamig na saad ni Tita. "Really?" Taas kilay pa ding sagot ni daddy bago ako nilingon nang may nagdududang tingin, "Is it true?" "Yes daddy, ano pa ba ang pwede kong tawaging baby aside from k-drama leading men?" "You mean, 'who' else." I looked at my quadruplets cousins who said it in unison with a frown on their foreheads. Gosh! Why so kulit? Uminom ako nung tubig mula sa baso at ngumiti, "Why? You think I have a new boyfriend nanaman? Don't worry guys, I won't fall for anyone ever again." Palusot ko bago muling uminom ng tubig. "Even to your new 'secretary'?" "OH MY GOSH!" Okay, that's not me, It's tito Liam's voice. Inabutan ako ni tito ng box ng tissue na galing sa mesa, "Hala! Ang dami mo pa palang pagkain, kakainin mo ba yan? Kung hindi na akin nala---aray! Huhuhu mon-mon naman... Sayang pagkain!" Anya ng kurutin naman sya ni tita. Tinulungan ako ni Theo at Vasselisa na syang katabi ko na punasan yung damit ko. Goodness grace, nakakagulantang naman tong mga pinagsasabi ni kuya! Naibuga ko tuloy yung water ng wala sa oras! Wait---meaning he already know about Seph? Another wait---so what?! "New secretary?" Sabay-sabay na anya nina Daddy at Mommy. While Tita Monica is just listening. Pinaningkitan ako nung mga pinsan ko but I just glared at them like hell! What are those glaring for ba?! I'm not yet doing anything! "What's with your reactions? I'm a CEO malamang sa malamang I need a new secretary, besides wala namang masama doon? It's necessary. Even Theo has his own secretary, so I don't think there's wrong about it." Nilingon ko si Theo, "Right, Theo?" Napunta lahat ng titig nila kay Theo na ngayo'y niluwagan ang suot na necktie at nag-iwas ng tingin. Oh god, why so nervous? It's just my family for pete's sake! "Do you know anything about her having a new secretary, Theodore?" Muling tanong ni Daddy, "Plus the fact that she hired a 'GUY' again as her secretary." He gulped again so many times while holding his hands, Ew. Namamawis yung kamay nya. "U-uhm... S-sa totoo lang tutol din po talaga ako sa pagkakaroon nya ng secretary pero m-mapilit po yung anak nyo tita Vanessa, tito Kian." Nanlaki yung mata ko. What the f**k?! He's a traitor!!! "How dare you betray me, Theodore...!" Mahina kong bulong sa kanya. "S-sabi ko nga po eh ayos lang na ako ang secretary nya kaso talagang ayaw nya. Nag-hire pa sya ng iba. M-mapili po ang anak nyo." Ngumuso-nguso sya na tila nang-aasar kaya sinamaan ko sya ng tingin at lalong diniinan yung pagkakakurot sa kanya. Traydor!!! I heard my Father's heavy sigh kaya napalunok ako. He look so pissed because of that news. Damn it! They really don't have to know naman kasi, I'm so stupid kasi! Dapat pala impit na scream lang yung ginawa ko like gosh, Si Seph kasi. "Vanessa look at your daughter, manang-mana sa katigasan ng ulo mo." Sermon ni daddy, made my mommy frowned. "What?" Anya sabay kurot dito sa tagiliran, napangiwi sya dahil don. Hmp! "Just make sure that this new secretary of yours doesn't plan on doing something funny in your company, especially in you." Seryosong saad nya, "Once na may ginawa syang kalokohan sayo, well, expect your kuya's immediate action because I'm not going to stop Vince." I faced Kuya Vince and I saw how dark still his aura is. I just pouted because of him. "I promise you guys that Seph is a very good guy." Mas lalong dumilim yung aura ni Kuya kaya itinikom ko nalang yung bibig ko. *** "Veronica!" Instead of looking back at him, I started to walk faster away from him. Geez. "Hoy, ano ba? Talk to me!" I felt his hand grabbing my wrist kaya sinipa ko yung paa nya causing him to fall on the ground. Serves him right! Kanina pa nya ako hinahabol mula nang makalabas kami ng restaurant matapos ang lunch then ngayon na patungo na ako sa parking lot. Grrr. "Ouch! Just what the f**k?!" Anya ni Theo habang tumatayo na sapo-sapo ang pwet, "Anong problema mo?!" "I don't talk to traitors!" I started walking again pero ngayon ay parehong balikat ko na yung hawak nya so I immediately push his chest before hitting his face but before I could hit it, he moved fast and grab both of my hands. "Bitawan mo ko Tyodoro!!!" "No! Not until you talk to me!" "Kyaaaaah! Bitaw!" "Vero?! Stop squirming like a fuckin worm---f**k!" Patuloy lang ako sa pagpupumiglas ko habang sya naman ay patuloy akong pinahihinto. I'm not gonna reconcile with this stupid pest! Matapos nya akong iwang mag-isa just because my family glared at him?! Grrr! Screw him! FO na kame! "Bakit ba ayaw mo kong kausapin?!" Pinaningkitan ko sya ng mata, "Ah, now you're asking me?" Muli ko syang sinipa pero no effect, "Traydor ka! I thought you're supporting me on everything that I do!" "Oo naman! Sinusuportahan kita?" "Ah kaya pala sabi mo 'mapili po ang anak' nyo like bullshit, Theo! Nanggigigil ako sayo!" Ngumiwi sya, "Sorry Vero, but it's your family that's asking me. Kapag nalaman nilang alam ko na pero hindi ako nagrereport sa kanila edi napatay ako ni Tito Kian. Lalo na ng kuya mo!" Ngumuso sya, "Gusto mo bang mawalan ng bestfriend na sing gwapo ko?" "Ew, Theo. Like hell will freeze when you die because even hell will going to reject you because you're a stupid douchebag." "Ano?! Bawiin mo yung sinabi mo!" "No! Douchebag ka! Asshole! Stupid! Booby brained!" Nagpumilit ako na makawala pero ayaw talaga nya akong bitawan, "KYAAAAAH!!! f**k you!" "Well f**k you too!" Grrr! Nakakagigil talaga tong lalaking toh minsan! "Veronica naiwan mo yung phone mo sa table---B-bakit kayo nag-aaway?" Napalingon ako kay Vasselisa na inosenteng nakatitig samin ni Theodore habang bitbit ang mga gamit at ang cellphone ko. I glared at her, making her shiver in fear. "Help me Vassy! Let's kill this dumbass traitor!" "No Vassy! Help me strangle her into death!" "A-ahm... A-ano..." Palipat-lipat sya ng tingin sa amin pareho, "I w-would like to help the both of you b-but Veronica's phone keeps on ringing, It's from the h-head of her security." Sabay kaming natigilan nang marinig iyon. Both of us walked towards her and I immediately dragged my phone from her. "What did they say?! Let me see!" He started to shake my shoulders but I just ignored it. "Wait the f**k up." I said while scrolling through my messages, I got a text. A lot of them, mostly from my security men. Isa-isa ko iyong binasa na ikinalaki ng mata ko. It contains the same message that made my mood darker than black. What the f**k?! Kumukulo yung dugo ko! I clenched my other fist and gritted my teeth while holding my phone so tight. Goddamn it!!! "What?! What happened?! Anong sabi?!" Nilingon ko si Theo at sinamaan sya ng tingin. "A GODDAMN SNAKE TRESPASSED IN MY COMPANY!" (Louie's POV) Isang huling hithit mula sa yosing ibinigay ko sa kanya kanina at agad nya iyong itinapon sa sahig tsaka tinapakan para mamatay ang sindi. Nagpagpag sya ng damit bago bahagyang inayos ang kulot na buhok. "Hindi ko alam na ayos lang sayo ang kahit anong brand." Tukoy ko dun sa yosi na inalok ko sa kanya. Imbes na sumagot ay humikab lang sya na tila antok na antok talaga. Bitbit pa din ang folder at notepad na lagi nyang dala bilang secretary ng CEO. Nakakapanibago sya. Grabe, ganon pa din naman yung ugali nya pero basta! Naninibago ako. Siguro nga madaming nagbago kasi matagal na panahon na din noong huli kaming magkita. Muli syang humikab, "Inaantok ako ah." "Puyat ka kasi." Humithit ako sa yosi at ibinuga sa mukha nya yung usok, "Akala ko tatanggihan mo yung alok ko." Tukoy ko dun sa yosi. "Huh? Bakit naman?" Takang tanong nya. "Syempre, malay ko bang nagyo-yosi ka pa din. Hindi halata sayo eh. Akala ko nagbago ka na." Kita ko kung paano sya nahihiyang ngumiti, "Hehehe~ Sabi nga nila, Old habits die hard." Nginisihan ko sya kaya nanlaki yung mata nya, "P-pero minsan lang naman kapag stressed ako. L-lalo na kapag sobrang daming iniisip. T-tsaka h-hindi ko naman sinasayang yung pera ko sa yosi, minsan kasi inaalok din ako n-nung mga nagiging kasama ko." Tumango-tango nalang ako bilang pagsang-ayon, "Okay. Sabi mo eh." Natawa kami pareho. Naniniwala naman ako sa kanya, kilala ko sya. Imposibleng magsinungaling sya, hindi kasi sya marunong non. Madaling malaman kung nagsisinungaling sya o hindi. Medyo nakaka-insecure lang dahil mas matangkad sya saken. Tsk. Pumayat nga ako, pero hindi naman ako tumangkad. "Tapos ka na?" Tanong nya, tumango ako bilang sagot at ginawa din yung ginawa nya. Ngumiti sya habang kinakamot ang ulo, "Gusto ko na agad bumalik sa mesa ko, madami akong naiwang trabaho doon." Sabay kaming naglakad pababa ng rooftop, sumakay kami ng elevator para makarating agad sa floor nya kung saan floor din ng CEO namen. "Nga pala, ang swerte mo ano?" "Huh? Bakit naman?" Kita ko ang pagtataka sa mukha nya. "Ang swerte mo kasi malaki ang tiwala sayo ni Miss Veronica. Kung alam mo lang kung gaano ka-pihikan sa empleyado yang si Ma'am. Pili kung pili talaga. Kumbaga sa bigas, pinipili isa-isa yung butil ng bigas para matanggal yung mga bato bago isaing." Napapatango pa ako habang nagsasalita. Totoo kasi yung sinasabi ko, mapili sa empleyado yung CEO namin. Kaya nakakatuwa na natanggap si Seph, aba'y di naman sya lugi dito sa kaibigan ko. May secretary na sya, may all-around boy pa hehehe~ Tapos may bonus pang abogado. "Nako. Grabe ka naman lulu." Nakangiti sya habang namumula ang pisngi, "Parang sinasabi mong sa lahat ng nag-apply eh ako yung pinaka-angat sa kanila hehehehe~" Wow. Flattered na flattered tong tropa ko. "Oo nga. Parang ganon." Nginiwian ko sya, "Pero wag mo kong tawaging lulu." Natawa ako nang makitang lalo syang namula, hindi pa rin pala sya nagbabago hahahaha! *Ting* "Oh nandito na tayo sa floor mo---" Naputol yung pagsasalita ko nang makarinig kami ng ingay. Parang may nagwawala na ewan. "Ano yun?" Nagkibit balikat ako sa tanong nya bago kami tuluyang bumaba. Nanlaki yung mata ko. Ang daming guards ang nandito, pero nasisiguro kong hindi lahat ng guards na iyon ay dito nagtatrabaho. Sa tatak palang ng uniporme ay alam ko ng hindi sila dito. "Mang carding!" Tawag ko dun sa sekyu na dapat nasa baba at nagbabantay, "Anong meron? Kaninong mga bodyguards toh?" Tanong ko nang makalapit sya sa amin ni Seph. "Eh kasi nandito si medusa, kanina pa nagwawala dahil hinahanap nya si Ma'am Vero, ayaw maniwala na wala nga si Ma'am eh ayon nagpupumilit pumasok sa loob ng opisina kaya hinarangan na ng security team." M-medusa?! Anong ginagawa nya dito?! "Sino si Medusa?" Takang tanong ni Seph. "A-ah. Yung ano---" "Yung number one na kaaway ni Ma'am Vero!" Singit ni Mang carding, "Yung ahas na umagaw sa syota ni maam!" Nanggigigil nyang kwento. Whuuut? Napangiwi ako doon. Ahas talaga? Pinagmasdan ko yung reaksyon ni Seph, kumurap-kurap lang sya tsaka tumango-tango bago naglakad papunta doon. Agad naman kaming sumunod sa kanya. Mukhang alam ko na kung anong gagawin nya ah. "If you want me to leave then call your CEO, now!" Utos nito. Sayang, ang ganda-ganda netong si medusa ang kaso lang mainit pa sa baga yung ulo. Kinalabit ako ni Mang Carding, "Aba'y anong gagawin ng batang iyon?" Tukoy nya kay Seph. Ipinag-krus ko yung mga braso ko sa dibdib ko at bumuntong-hininga. "Kung ano yung palagi nyang ginagawa..." Kampante kong saad. "Ano bang lagi nyang ginagawa?" *PAK* Tumagilid ang ulo ni Seph sa sampal ni medusa, halos lahat ay nanlalaki ang mata nang makita kung gaano kalakas na sampal ang natanggap ni Seph mula doon kay medusa. "Ang mag-pasampal?" Gulat na tanong ni Mang Carding, inilingan ko lang sya. "Hindi." Nakatitig ako kay Seph habang yumuyuko at panay ang sabi ng sorry, "Ang humingi ng tawad kahit wala syang kasalanan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD