Mierd!Que demonios esta pasando" (s**t what the hell is happening?)
Sinubukan ko ring i reboot ito pero wala pa ring signal napasabunot na lang ako sa buhok ko,Ano nang gagawin ko?
Inihilamos kona lang ang kamay ko sa buong muka ko ng may tatlong lalaking lumapit sa akin nakangiti naman ang mga ito napataas naman ang kilay ko
What is wrong with these lunatic people?
" Magandang binibini may problema kaba?" Tanong ng isa sa kanila at hindi ko gusto ang mga pagmumukha nila naiinis ako
Parang hindi sila mapagkakatiwalaan pa at mga manyak o lasing sa kanto tuwing madaling araw ganon muka nila
"Baka may maitulong kami binibini" sabihin mo lang handa kaming tulungan ka ." Tanong pa nito na ikina irap at ikina inis kong lalo
Saka hinawakan ang mga maleta ko baka manakaw mahirap ma like duhh ayaw ko munang pumatay no, saka ang daming bata dito
"No thank you" walang pakialam na sabi ko dito kita ko naman ang gulat sa mga muka nila narinig ko din ang pag singhap ng mga tao sa paligid
Napakunot naman ang noo ko anong problema nila? Weird people
" Maharlika ba ang binibining yan?bakit siya nagsasalita ng lenggwahe ng mga maharlika?"
" Anak ba siya ng maharlika kaya hindi siya natatakot mag salita ng lenggwahe ng mga maharlika?"
" Iba din ang kulay ng kaniyang buhok ngayon lamang ako nakakita nang ganyang klase na kulay ng buhok"
" At ang kasuotan napaka ikli kitang kita ko ang binti niya hindi ba siya natatakot na walang mag papakasal sa kanya dahil sa kaniyang kasuotan"
" Nakakamangha ang kulay ng kaniyang kulay ng buhok dalawang kulay ito at napaka ganda!"
"Nakaka mangha ang kaniyang kagandahan"
"Napaka ganda ng kaniyang mga mata kakaiba din ang kulay ng mga ito"
"Napaka puti niya at parang niyebe ang balat at mukhang napaka lambot pa nito"
" Ano ba ang kakaibang hawak ng binibining iyan?"
Naguguluhan naman ako sa mga tal dito seriously pure tagalog ang mga salita nilanat maharlika?ngayun lang ba sila naka kita ng pulang buhok at violet sa baba? Ano sila taga bundok? Ano monkey people?
Pero ang nakikita ko kasi sa paligid ay patag naman ang lugar at hindi bundok
I dont know what to think anymore mababaliw naa yata ako
"Maharlika kaba binibini?" Tanong ng isa sa tatlong lalaki na nandito na sa harapan ko
May pagka moreno ito at malaki ang pangangatawan bakas sa mga ito ang pamumutla tinaasan ko naman ito ng kilay
"Hindi " simpleng sagot ko sa mga ito nakahinga naman ang mga ito nang maluwag Na para bang ligtas na sila sa kamatayan rinig na rinig ko din ang singhapan ng mga tao sa pakigid ko ano to live show?
"Pero bakit salita ka ng salita ng maharlika? Tanging ang mga maharlika lamang ang may karapatang mag salita ng salita na yan kakaiba din ang anyo mo kumpara sa mga babaeng nandito ." Sabi ng isa sa tatlong lalaking nasa harapan ko may pagka singkit ang isang to
What did he mean by that? I am some kind of monkey girl or what? At kakaiba ang anyo ko?am i being insulted or being praised? I dont know what to feel anymore
" Salitang Maharlika?" Pagtatanong ko dito
Sasagot na sana ito nang may isang babaeng na 50 na yata ang edad ang humahagos na lumalapit sa akin
"Nozing!Nozing" bumaling naman ang isa sa mga tatlong lalaking payat
" Ano yun aling chabe?" Tanong nito sa ginang
" Tulungan mo ako si Muriel...... Si muriel nahulog sa puno nung sinubukan niyang umakyat, anong gagawin ko." Naiiyak na sabi nito nagulat naman ang mga lalaking ngangalang Nozing at tumakbo papunta sa dulo kung saan may kakahuyan
Sumunod din ang mga taong nandoon at dahil nga sa curious ako sa nangyari sumundo din ako habang hila hila ang mga anim na maleta ko , Honestly nakakapagod na ah ngayon ko lang naramdaman ang bigat ng mga maleta ko
Nang maka rating ako doon ay may batang nakahandusay sa lapag at nakapalibot naman ang mga tao doon
Samantala umiiyak lang ang ginang kanina at yung Nozing naman ay hindi malaman kung ano bubuhatin ba o papabayaan na lang ang bata
Napa sampal na lang ako sa noo ko. Mga tanga ba sila at hindi nila nilapatan ng first aid kit ang bata?what are they waiting Christmas??New year or maybe Halloween, tsk!
Bangag pa yata ang mga ito pinagmasdan ko ang batang babae maganda ito morena at may itim na buhok
"Anong nang mangyayari sa batang iyan mamatay siya."
"Tumawag kayo ng manggaganot dalian niyo"
" Bakit pa kasi umakyat di muriel ng puno eh alam niyang napaka taas niyan!"
"Alam mo namang pangarap niyang maging kawal kahit babae pa siya mas malaki kasi ang kita pag naging kawal ka mas mabibigyan niya ng magandang buhay ang pamilya niya!"
Nagpapatawa kaba? Hindi pwedeng maging kawal ang babae mahihina ang gaya nating babae at saka wala pa akong nakikitang babae na marunong lumaban maliban na lang sa mga maharlikang babaeng sinanay mula pag ka bata
"Sandali ginang Hanva napansin moba ang magandang binibini kanina?"
" Oo ang magandang binibini ba ginang Lizxa parang may pakakatulad siya sa dalawang babaeng emperatris sa imperyo ng Hakiro at Zakumi kakaiba ang kaniyang ganda"
"Hindi yan ang kasuotan ng binibini napansin moba? Kagaya rin kayang siya ng dalawang emperatris?
" Ayun sa narinig ko galing sa ibang mundo ang dalawang emperatris kakaiba ang kanilang kasuotan ng mapunta sila sa mundong ito."
"Tama ka ayun sa narinig ko maikli daw ang kasuotan kagaya ng babae sa pamilihan."
"Hindi kaya galing din sa ibang mundo ang babaeng yun?"
Napakunot naman ang noo ko sa narinig ko
Kutang kuta na ako sa pag kunot noo ngayong araw ah pero ano daw ibang mundo?kagaya ng suot ko?
Tama naman kaya ang tsimis na naririnig ko ?kung nandito lang sana siya malalaman agad kung tama ang tsimis na sinasabi ng ibang tao champion iyon eh eh, lalo nasa tsimis
Ibig sabihin hindi lang ako ang napunta sa mundong to? Ang sagwa lang ah ano ako alien ganern? Hay nako
"Anak koooo!" Napukaw naman ang sigaw iyak na yon ang atensyon ko potek nakalimutan ko ang bata
Napabuntong hininga na lang ako saka nilapitan ang batang nahulog sa puno kanina habang hila hila ang mga gamit ko
Tiningala ko muna ang puno at napangiwi na labg ako ng makita na mababa lang ito seriously
Ini expect nilang mamatay ang batang yan eh napaka baba ng punong inakyat niya pero kung sa bagay bata pa lang naman siya
Im sure nawalan lang to ng malay may kunting gasgas din ito sa braso tsaka dumudugo ang tuhod nito at gilid ng noo kaya umupo ako sa tabi nito tsaka kinuha sa backpack ko ang first aid kit
Lalapatan kona sana siya ng bulak na may alcohol para malinis ko ang dumi kumapit sa tuhod niya ng bigla na lang magsalita ang ina niya
" Ano ang iyong ginagawa binibini" tanong ng ina nito habang mariing naka tingin sa aking kamay na nag uumpisa ng mag dampi ng bulak na may alcohol sa sugat ng bata naka tingin din sa akin ang lahat ng tao na nandito
" Wag kang mag alala nilalapatan ko lamang siya ng lunas" sabi ko saka ipinapatuloy ang pag lalagay ng first aid kit dito feeling ko dudugo ang ilong ko dito dahil sa lalim nilang mag tagalog
Pagkatapos kong gamutin ito ay tumayo na ako ng makita kung nagising na ang bata natutuwa namang napayakap ang ina sa anak niya
Habang ang mga taong nakapalibot dito ay manghang naka tingin sa akin gosh hindi paba sila nakaka kita ng first aid kit at ganiyan sila ka mangha sa ginawa ko
Aalis na sana ako ng tawagin ako ng ina ng batang tinulungan ko
"Binibini maraming salamat sa tulong mo sabihin mo lang kung ano ang maitutulong ko saiyo." Sabi nito at ngumiti pa ito sa akin
Napaisip naman ako tamang tama wala kailangan ko nang matutuluyan
"Pwedi nyo po bang ituro kung saan ako pwedeng tumuloy?" Tanong ko dito bigla namang lumiwanag ang muka nito
"Saamin kana lang tumuloy binibini bilang pasasalamat na din sa pag ligtas mo sa anak ko" aya nito sa akin tinignan ko naman ito at mukhang hindi naman ito masamang tao kaya okay lang sigurong maki tuloy ako sakanila
Tumango na lang ako sa ginang ng nag pa saya sakanya
Kailangan kong alamin ang tungkol sa mundong to kung totoo ngang nasa ibang mundo ako dahil sigurado akong hindi ako nanaginip dahil nasasaktan ako tuwing kinukurot ko ang sarili ko