" Halika dito iha ito nga pala ang bahay namin" yaya sakin ng ina ng bata nadapa kanina habang binubuksan nito ang may hindi kalakihang bahay, okay na din basta may matutulugan ako
"Salamat po aling chabe" Sabi ko dito
"Maraming salamat po sa pagpapatuloy aling chabe" naka ngiti ko pang sabi dito
" Ako nga dapat ang mag pasalamat sayo at iniligtas mo ang buhay ng anak ko" sabi pa nito sa akin
"Ayos lang po" sabi ko na lang sakanya
" Oh siya sige mag luluto muna ako ng makakain natin" sabi niya tumango naman ako at masaya naman itong tumungo sa kusina
Habang nililibot ko ang paningin ko sa paligid may isang batang babaeng lumapit sa s akin ang anak ni aling chabe pagkakatanda ko muriel ang pangalan niya ang cute ng name niya bagay na bagay sakanya kamuka niya si moana
" Ate salamat po sa tulong niyo " pagpapasalamat nito at inosenteng tinignan ako ang cute nya talaga
"Ayos lang bakit ano ba ang ginagawa mo at napatid ka sa batong yun at nalaglag sa puno?" Naka ngiti kong tanong sakanya
"Gusto ko kasing maging malakas at mabilis para maka pasok ako sa palasyo at maging kawal " naka ngiti niyang sabi nito pero maya maya pa ay nawala ang ngiti sa labi nito at lumungkot ang muka niya
" Pero lahat kasi ng babae ay nagiging taga pag silbi lang ng palasyo at wala pa akong nakitang kahit ni isang babaeng naging kawal mahihina daw kasi ang mga babae yun ang sabi ng karamihan dito sa bayan" malungkot na pagpapatuloy nito sa sinabi
Napataas naman ang kilay ko psh mahihina eh kung pagsisipain ko kaya sila sa pag mumuka nila
"Shhh wag kang maniwala sa kanila ang kailangan mo lang ay mag palakas at magiging kawal kana " pag papagaan kopa sa loob niya training lang kasi ang kailangan para maging malakas
" Tama ka pero mahina po ako hindi ko nga kayang umakyat sa puno eh" malungkot pa rin nitong sabi may naisip naman ako atsaka kumuha ng tobleron sa backpack ko na may pagkaing laman
" Wag ka ng malungkot heto kainin mo masarap o para gumaan na din ang pakiramdam mo" naka ngiti kong sabi at binigay sakanya ang chocolate at isang balot ng gummy worms
Nagtatakang naka tingin naman ito sa hawak niyang gummy worms at chocolate
"Ano to ate kakaiba ang hugis at kulay ng mga bagay nato makakain ba talaga to?"nagtatakang tanong pa nito saka binuksan ang plastic ng gummy worms saka inamoy ang gummy worms
Napailing na lang ako looks like hindi pa siya nakakakita at nakaka tikim ng candy
" Tikman mona lang masarap yan"sabi ko dito at mukhang nakumbinsi ko ko naman ito dahil unti unti nitong kinuha ang gummy worms at itinapat sa bibig niya nanlaki naman ang mata nito ng tuluyan na niyang matikman ang gummy worms
" Ang sarap wahhh.... Ang sarap ate ang tamis" masayang sabi nito at tumalon talon pa
Napangiti naman ako mukhang ayos na ito nawala na ang lungkot mukha nito
"Iha Muriel halina kayo at kakain na tayo !"sigaw ni aking chabe habang naka dungawnsa pintuan ng kusina
Tumayo naman ako gayun din si Muriel na masaya paring kumakain ng gummy worms pag ka rating namin sa kusina ay may naka handa ng pagkain at inaayos na lamang ni aling chabe ang mga pinggan
Napa ngiwi na lang ako sa pagkain puro itlog ang mga ito at tuyo
"Umupo muna kayo at kakain na tayo Sandali ano yang kinakain mo muriel baka lason yang bagay nayan" natatakot na sabi ni aling chabe habang naka tingin sa pagkaing kinakain ni muriel
" Hindi po ina, ang sarap kaya nito bigay ito ni ate "saka niya ibinigay ang gummy worms kay aling chabe
Nag aalangan pa nung una si alinh chabe pero nang matikman niya ito ay nagliwanag din ang muka niya kagaya kay muriel
"Ang sarap naman nito iha kahit kakaiba ang anyo nito ito ba ang pagkain sa ibang mundo" sabi nito at umuupo sa isang silya umupo na rin ako gayun din si Muriel
"Ibang mundo? Totoo pobang nasa ibang mundo ako?hindi poba ito parte ng pilipinas?"tanong ko pa dito habang tinitignan lang ang pagkain
" Pilipinas ano yun iha?"nag tatakang tanong nito
"Ang lugar na ito ay sakop ng imperyo ng Easkerton ang isa sa pinaka malaking imperyo dsa mundong ito
"Imperyo ng Easkerton?pag tatanong ko dito bigla naman itong naging seryoso
" Sa mundong ito ay may limang imperyo ang dalawa ay pinamumunuan ng Emperador at ang kabiyak naman nito ang emperatris na ayun sa mga narinig ko ay nanggaling din daw sa ibang mundo ang natitirang tatlong imperyo ay pawang Emperador pa lamang ang namumuno kasama na ang imperyong ito ang limang imperyo ay ang Easkerton ,Zukumi ,Hakizi,Hakiro, Zukiro gaya ng Easkerton Empire may bilyong mamamayan din ang naka tira sa mismong lungsod nito "sabi nito na nag pakunot ng noo ko mismong lungsod?
"Lungsod? Hindi bat sakop din ito ng imperyo" tanong ko pa