Unang Kabanata

1134 Words
UNANG KABANATA "Field trip? Masaya yan!!"-Ammy _(._.)_ Gastos na naman to. Halos hindi na mapatahimik ng professor namin yung mga kaklase ko. Aba,makarinig ba naman sila ng field trip,hindi sila masisiyahan? Oo sila lang ang nasisiyahan,kasi ako hindi. Nahihirapan na nga akong magtrabaho para makapagbayad ako ng tuition,tapos dadagdag pa yung field trip? "Sir!" Nagtaas naman ako ng kamay para makuha ko yung atensyon ni sir. "O Lyra,bakit?" Tumayo muna ako para marinig at makita ako ni sir. "Lyra tayo raw! Hahaha."-Ammy Sinamaan ko naman sya ng tingin. Inis! Alam ko namang maliit ako,pangalandakan pa. "Sir,pwede po bang hindi sumama sa field trip?" Nagtinginan naman yung mga kaklase ko sakin. "Eh? Sumama kana Lyra!" "Oo nga! Minsan lang tayo magfield trip." Hindi ko naman pinapansin yung mga sinasabi ng mga kaklase ko. Hinihintay ko kasi yung sasabihin ni sir. Ang kaso.... "No Lyra,compulsary ang field trip. Part ito ng project nyo dahil may mga activities din tayong gagawin habang nasa field trip,and hindi nyo makukuha ang grade nyo sa finals kapag hindi kayo sumama. And besides,tama ang mga kaklase mo,minsan lang to kaya sumama kana." "Pero sir." Nagulat naman ako ng biglang hawakan ni Ammy ang kamay ko. "Sagot ko na yung mga gastusin sa field trip. Kaya sumama kana."-Ammy "Nakakahiya na Ammy." "Please??"-Ammy Napabuntong hininga nalang ako at napaupo. May magagawa pa ba ako? (Araw ng field trip) "May kulang pa ba sa inyo class?" "Wala na po!" Mabuti nalang at ipinagluto ako ng baon ng nanay ko,kundi,wala akong makakain mamaya. May baon naman si Ammy na mga junkfoods. Tsaka ang sabi ni Sir,3hours daw ang byahe papunta sa sakayan ng bangka papunta sa The Naked Island. Nung una nga nabigla kami sa pangalan. The Naked Island?? Ano yun bawal magdamit?? Utangnaloob,kahit bumagsak ako hindi ako sasama. Pero sabi naman ni sir,hindi naman daw literal na mga nakahubot hubad yung mga tao dun,kaya nakahinga kami ng maluwag. Nag-earphones nalang ako para hindi ako mainip sa byahe. Si Ammy naman natulog muna,pati na rin yung iba kong kaklase. Mga 4 palang kasi naghihintay na kami. 5 na kami umalis. Marami kaming nadaanang mga bundok. Makikita mo na talagang marami na ang nagpuputol ng puno. Tsk. Tsk. Kawawang bundok. (After 3 hours) "Class! Ayusin nyo na yung mga gamit nyo. We're here." Naginat inat muna ako dahil nangawit ako sa pag-upo. "Lyra,ikaw nalang magbitbit ng mga chichirya ha? Ako na sa jug."-Ammy "Sige." Nung naayos na namin yung mga gamit namin,bumaba na kami ng bus. "Ang lamiiiig."-Ammy Napayakap nalang ako sa sarili ko. Saktong pagkababa namin,humangin ng malakas. Puro tubig at mga bangka nalang ang nakikita ko ngayon. "Okay,igrupo nyo yung sarili nyo into 10 groups. Sa bawat grupo,may limang miyembro. Kapag tapos na kayo,sumakay na kayo sa isang bangka at ihahatid na nila kayo sa isla." Mabilis lang kaming nakakuha ng grupo ni Ammy kaya pangalawa kami sa nakasakay ng bangka. Isang bag at mga jag lang ang dala namin. Sabi kasi ni sir wag daw kaming magdala ng maraming gamit. Tutal isang dalawang araw lang kami sa isla. "Sa Naked Island kayo?"-manong "Opo"-Ammy Ang presko ng hangin.(^ム^) "Para saan at pupunta kayo dun?"-manong "Project po namin. Maganda po ba dun?"-Carla "Maganda talaga,pero wag kayong papasok sa kagubatan."-manong "Bakit naman po?"-Ammy Napatingin naman ako kay manong bigla. Bakit nga kaya? May mga lalaki rin kayang pumapatay sa loob ng gubat? Luh! Wrong turn lang ang peg? "May tribo kasi dun. May mga nakakapunta na raw dun,pero hindi na nakakabalik. Ang sabi,nandun daw yung mga taong wala talagang damit. Ang pangalan dati ng islang yun ay Paradise Island,pero dahil nga sa mga bali balitang yun,ginawang Naked Island." ▔□▔)/▔□▔)/▔□▔)/ "OMG! San banda yun manong? In the middle part? I want to see!"-Liza Binatukan naman sya ni Patrice kaya napailing nalang kami. Tumawa nalang si manong sa kanya. "Wag nyo ng balakin na pumunta dun mga hija,baka pagbalik nyo sa bahay ninyo buntis na kayo." Sakto namang pagsabi ni manong nun,nakarating na kami sa isla. Bumaba naman na kami isa isa at nakita yung iba naming kaklase. Pagtungtong ko sa isla,hindi naman ako nakaramdam ng kaba. Kahit na ganun yung sinabi ni manong samin,mukha naman kaming safe dito. Hinintay nalang namin si sir na makarating. "Tara! Dun tayo sa may gubat!"-Liza "Mag-isa ka!"-Ammy Maya maya, dumating na si sir,kaya naman sumunod kami kung saan sya pupunta. Sa gilid ng isla,may mga maliliit na kubo na nakatayo. Halatang may nagmamay-ari dahil may bakod ito. Hindi naman sya kalakihan,pero dahil sa maraming mga bulaklak,napakaganda nito. Pumasok na kami sa loob at naabutan namin ang isang lalaki na nakatayo. Halatang hinihintay kami dahil nung nakita nya kami,ngumiti sya samin at lumapit. "Magandang umaga kaibigan." Nakipagkamay sya kay sir at tumingin naman sya samin. Ang tangkad nya,yun agad yung napansin ko sa kanya. Hanggang balikat lang na si sir. Tapos ang tikas din ng katawan. Moreno. Gwapo. Pero ang dami nyang sugat sa braso nya. "Ituring nyo na parang bahay nyo itong lugar ko. Basta iwasan nyo lang na lumayo at pumasok sa kagubatan. Mapanganib doon." Nagkatinginan naman kami ni Ammy. Nakakaintriga naman yun. Hinatid nya kami sa loob ng bahay nya at naabutan namin ang maraming pagkain. Karamihan ay seafoods,prutas at gulay. "Kumain na muna kayo. Bago natin simulan ang unang activity"-sir Natural kumuha na kami ng pagkain. Konti lang yung kinuha ko dahil may baon naman ako. Mukhang makabuluhan tong field trip na to. ---------- "Dive!!" Isa isa na kaming nagsitalon sa bangka para magdive at magawa ang activity namin. May mga naka-ready na kasing mga corals sa ilalim. Mga 9 feet siguro yung lalim. Tapos kailangan kahit tatlo masabi namin kay sir yung pangalan ng corals na yun. p*****n diba? Nung una nahirapan pa ako,dahil hindi ko gaanong makita, pero nung hinawakan ko at tiningnan ng mabuti,lumangoy na ako pabalik kay sir. Ang kaso,pag-ahon ko sa tubig,wala na si sir. " Nasan na si sir?"-ako "Hindi ko nga rin alam e."- James Lumangoy na muna kami pabalik sa pampang. Mahirap naman kung dun kami magiistay. "James,san yung cr dito?"-ako Tinuro nya naman yung pagtutuluyan namin,kaya naglakad muna ako papunta dun. Naiihi na talaga ako. Pagkarating ko sa may bakod,nakasara. Luh! Bakit naman sinasara to? Tsaka nasan yung lalaking may ari nito? Iihh. Naiihi na talaga ako. Napatingin naman ako sa may gubat. Grabe to,kailangan ko ba talaga tong gawin? Tsk. Bahala na. Naglakad na ako papasok ng gubat. Siguro naman hindi totoo yung sinabi nung lalaki tsaka ni manong kanina sa bangka. Naglakad lang ako ng diretso para hindi ako maligaw mamaya pabalik. Habang naglalakad ako,nakaamoy ako ng ulam.^(oo)^ Bango.. Sinundan ko yung amoy. Pero naiihi parin ako,kaya tumakbo na ako. Baka may mag-iihaw dito. May nakita naman akong bakod,pero parang may gate sya na puro bulaklak yung nakapaligid. Maganda talaga. Ibig sabihin may isa paring tuluyan dito? Teka,hindi kaya.... nandyan yung mga taong walang damit?•﹏• Ay naku Lyra,sa dagat ka nalang umihi,hindi naman mahahalata yun. Babalik na sana ako kaya lang pagtalikod ko.... "Aray!!" Nauntog ako sa parang kahoy.. ay mali,hindi pala parang,sa kahoy talaga. Hinawakan ko naman ang noo ko dahil ang sakit. Naman oh! Pagdilat ko.. (*>. (⊙o⊙) (⊙o⊙)? ⊙﹏⊙ Naramdaman ko naman na hinawakan nya yung magkabilang pisngi ko,at inangat para sa MATA nya ako tumingin. My virgin eyes!!!≧﹏≦ Nakita ko naman yung pagkunot ng noo nya. Ang tangkad naman nito. Kahit na hawak nya yung mukha ko,tumingin parin ako dun sa kahoy na nakasabit sa dibdib nya. "No English" Ibig sabihin,totoo nga sila?????
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD