Ika-apat na Kabanata

1372 Words
IKA-APAT NA KABANATA Pagkatapos kong kumain,lumabas na ako sa maliit na kubong ito para naman makalanghap ako ng sariwang hangin. Ang init kaya sa loob. Pero dito naman sa labas ang lamig.~>_ "Nandyan na ang binibini!" Napatingin naman silang lahat sakin habang nakaupo sila at nakapalibot sa mga kahoy na may apoy. Hmm. Atleast hindi na ako mahihirapang tingnan sila ngayon.:) (Flashback) "Ano yun?" "Pwede bang, magdamit kayo? Hindi kasi talaga ako sanay makakita ng mga nakahubad na tao." "Yun lang ba? O sige." (End of flashback) "Dito kana umupo."-Inang Naglakad naman ako papunta sa tabi ni Inang. Ayun,medyo mainit dito. Wala na yung mga batang naglalaro kanina,siguro mga tulog na. Nakauwi na rin kaya sila Ammy? Siguro. Pero nakakapagtampo kasi ni hindi man lang nila ako hinanap.T_T "Binibini,ano nga pala ang pangalan mo?"-Inang "Ako po si Lyra." Nagsitanguan naman sila habang may mga hawak na buko at iniinom. Nakita ko rin si Ando na nasa tabi ni Inang,nginitian pa ako. Sige na,ikaw na gwapo. "Wag ka sanang matatakot samin. Pagpasensyahan mo na rin kung mga wala kaming saplot kanina,tradisyon na kasi namin yun." Napatingin naman ako sa matandang nasa katapat ko. "Okay lang po. Buti po may mga damit kayo?" "Mahilig kasing manahi ang mga kababaihan dito,tinuruan sila ni Inang."-Ando Tumango tango naman ako. Hindi sya katulad nung mga damit namin,sa kanila parang kapag sinuot ko mangangati ako. Binigyan naman ako ni kuyang english ng isang buko. Habang nagkekwentuhan sila,tumabi sakin si Ando. "Maganda ba sa lungsod?"-sya Tumingin naman ako sa kanya at nakita kung gaano sya kainteresadong malaman yung sagot sa tanong nya. "Okay lang. Pero mas maganda sa probinsya." "Probinsya? Saan yun?"-Ando Yumuko muna ako at niyakap ang sarili ko. Ang lamig naman. "Iba kasi ang probinsya sa lungsod. Ang probinsya,maraming bukid,mga bundok,masarap ang simoy ng hangin. Pero sa lungsod,puro buildings,konting puno-----" "Anong buildings?"-sya "Mga gusali. Matataas na gusali." "Talaga?? Gaano kataas? Mas mataas pa sa puno na yun?"-sabay turo ng puno ng niyog Tumango naman ako. Nung tumingin ako sa kanya,nakita ko na nagulat sya sa sinabi ko. "Ang galing! Paano nagawa ng mga taga-lungsod ang ganung kalaking gusali?"-sya "Mga teknolohiya. Sa pamamagitan ng mga teknolohiya,mas napapabilis ang mga trabaho." Nagkwentuhan pa kami ni Ando at nagtanong pa sya ng kung anu-ano. "Kayang kaya nyo namang pumunta sa lungsod e." Ang kaso,napayuko naman sya nung sinabi ko yun. "Hindi pwede."-sya "Bakit naman? Ahh, sige,naintindihan ko na. Pero hindi naman lahat ng mga tao sa lungsod,masasama." "Alam naman namin yun,pero kung umalis kami dito,baka pagbalik namin dito iba na ang nagmamay-ari."-sya Sabagay. Kahit naman sino ayaw mawalan ng tirahan diba? Kahit na nga ba malaking halaga ang ibibigay nila,iba parin talaga kapag napamahal na sayo ang lugar. Maya maya,nagyaya na ring matulog sila Inang. Sabi nya sa kanya nalang ako tumabi kaya pumayag na ako. Sumunod nalang ako kay Inang. "Bukas Ka nalang magpalit ng damit binibini."-Inang Pagpasok namin sa tirahan ni Inang,nakita ko agad ang isang papag. "Mahiga kana."-Inang Dahil siguro sa pagod, Hindi na ako nakapagsalita at nahiga nalang. "Matutulog na po ako." Tumango nalang si Inang kaya tumagilid na ako. Nakaharap na ako ngayon sa pader. p('⌒`。q) Nakakaiyak talaga kapag naiisip ko na Hindi man lang nila ako hinanap. Minsan nga iniisip ko rin kung bakit ako sumama agad dun kay kuyang English. E dapat nga matakot ako kasi narinig ko na yung mga kwento about sa kanila,pero heto ako ngayon, nakahiga katabi ng isang matandang hindi ko kilala. Pero siguro naman kung may masama silang binabalak sakin,nung umpisa palang dapat ginawa na nila diba? Tama ,wala naman siguro silang gagawing masama sakin. (kinabukasan) Nagising naman ako nung maramdaman ko na sumasakit yung likod ko. Umupo muna ako saglit at hinawakan ang likod ko. Sakit.> (。ŏ_ŏ)......... "T-teka. Bakit nandito kayo??" Lahat sila nakatingin lang sakin.Tong mga Batang to,ginugulat ako.(๑¯ω¯๑) "Sabi ko sayo iba ang itsura nya e" "Oo nga no" ( ・ิω・ิ) Ha? Panong iba itsura ko? Di naman ako alien ah? Yung isang batang lalaki naman,lumapit sakin at hinawakan yung pisngi ko,yung ilong ko,yung mata ko at yung kilay ko. Pagkatapos nyang gawin yun,yung mukha nya naman yung hinawakan nya. "Ganyang mukha yung naiisip kong magugustuhan ko sa isang babae." (。ŏ_ŏ) Lumapit pa sya sakin kaya napaliyad ako ng kaunti. Ano bang ginagawa nitong batang to? "Binibini! Hintayin mo akong lumaki. Ikaw ang papakasalan ko." (゚⊿゚)No Bigla naman syang binatukan nung isang babae. Isang batang babae. "Napakabata mo pa para magsalita sa ganyan. Nandito tayo para bantayan ang binibini,at hindi ang titigan sya." tumalikod na sya samin at binukas ang pintuang kahoy. "Tumayo kana dyan binibini,at hinihintay ka na ni Inang." sabay alis. "Napakasungit talaga ni Adela." tumayo na rin yung batang lalaki na humawak sa mukha ko. Iaabot pa nga sana nya ang kamay nya sakin pero bigla nalang may humitak sa kanya. Nagsilabasan narin yung ibang mga bata. "Oh Ando!" "Ano itong naririnig ko Owa na gusto mo raw pakasalan ang binibini?"-Ando Napayuko naman yung bata at napahawak sa batok nya. "Tsk.Nagbibiro lang ako Kuya Ando." "O sya,lumabas kana at kumain." sinunod naman sya nung bata kaya kaming dalawa nalang ang nandito sa loob. Nagulat naman ako nung inilahad nya yung kamay nya sakin. Tiningnan ko muna,kasi nagloading talaga yung utak ko. "Halika na binibini,kanina kapa pinapatawag ni Inang."-Ando Inabot ko naman yung kamay ko sa kamay nya kaya tinulungan nya akong makatayo. Pagtayo ko dun ko naramdaman yung sakit ng likod ko. "Oh" napaurong naman ako nung naramdaman ko yung kamay ni Ando sa likod ko. Naramdaman nya ba na sumasakit yung likod ko? "Basang basa ang likod mo binibini,ang mabuti pa,manghiram ka ng isusuot kela Inang,baka magkasakit ka nyan." Tats ako.(๑•ᴗ•๑)♡ "O sige." Naglakad na kami papalabas ng bahay ni Inang,at nakita ko sila na nagkekwentuhan at kumakain. Yung ibang lalaki,nagsisibak na ng kahoy,habang yung ibang babae,nananahi. Ganito palagi yung ginagawa nila araw araw? Yung mga bata kaya? Marunong magbasa o magsulat? "Binibini,maupo ka."-Inang Naupo naman ako sa tabi ni Inang. "Inang,basang basa po ang likuran ng binibini,may mga sobra ba kayong damit?"-Ando Napatingin naman ako kay kuyang English. siguro sya lang yung marunong magbasa at magsulat,kasi naisulat nya sa kahoy yung "No English" Nanlaki naman yung mata ko nung inalis ni kuyang English yung kahoy sa dibdib nya.(。ŏ_ŏ) A-ang ganda ng katawan nya. May gym kaya dito?Grabe yung abs! Ay ano ba yan Lyra,ednals? Bigla namang napatingin sakin si kuyang english at tinaasan ako ng kilay. Hala! Napansin kaya nyang nakatingin ako sa abs nya?? Oo na inaamin ko na! E ang galing kasi talaga,ngayon lang ako nakakita ng ganong klaseng abs. Hulmang hulma. Inalis ko naman agad yung tingin ko sa kanya at tumingin nalang kay Inang. "Binibini,kinuha kana ng da-----Anong nangyari sayo? Bakit namumula ang iyong mukha?"-Inang "P-Po? Ahahaha. Wala lang po ito. M-mainit lang po." Pisting abs yan. "Ganun ba? O sige,pagkarating ni Ando magpalit kana agad ng damit mo." "Sige po." ------- Hindi ko alam kung bakit napakagaan ng pakiramdam ko sa kanila,yung parang kahit konting takot wala akong nararamdaman? Kahit na hindi ko pa sila gaanong mga kilala,pero parang pamilya na yung turing nila sakin. Pagkatapos naming kumain,sinabi sakin ni Inang na sumama raw ako sa mga kababaihan na nagtatahi. Kailangan ko raw matutuhan yun para makagawa ako ng sarili kong damit. Akala ko nung una madali lang,kasi naturuan naman na kami ng pananahi nung highschool ako,pero nung nakita ko yung mga gamit nila,sumuko ako. Hindi tulad sa natutuhan ko,na karayom ang gamit,sa kanila naman isang matulis na kahoy na hinulmang parang karayom. Mas malaki sa karayom na nahawakan ko dati. Tapos yung sinulid nila kakaiba rin. "Binibini,kaya mo pa ba?" Napatingin naman ako sa ginagawa ko,at sa mga gawa nila. Nakakadalawa na yata silang gawa,ako umpisa parin. Umiling naman ako."Hindi po e." Kinuha nya naman yung hawak ko at ngumiti."O sige,ako ng bahala dito. Magpahinga ka muna." Ngumiti na rin ako sa kanya at tumayo para makapaglakad lakad. Malaki rin pala ang lugar nila,hindi mo agad makikita yung mga bakod dahil may mga malalaki pang puno na nakaharang sa mga ito. Naglakad muna ako at pumunta sa may dulong bahagi. May mga nakatanim na mga gulay at prutas. Siguro dito sila kumukuha ng pagkain. Teka,may daan din dito papalabas? Naintriga ako kaya naglakad ako papunta dun sa nakita kong bukas na bakod. Bukas? Ibig sabihin may lumabas. Nung makita ko ang nasa likod ng mga bakod na to,napanganga ako sa ganda. ^0^ Ang ganda!!! As in!! Yung tubig asul na asul! Tapos may bundok na nakapalibot dito kaya hindi gaanong mainit. May mga halaman din sa gilid. Para akong nasa loob ng bundok,pero tubig ang nasa loob. Hindi ko alam kung saan ako pupunta,kaya pinagmasdan ko muna kung gaano kaganda ang nakikita ko. Napakaganda nga talaga ng Pilipinas. "Binibini?" (;゚д゚)ェ... Promise! Muntik nang malaglag yung eyeballs ko sa buhangin dahil sa gulat. "Ano ka ba naman Ando! Masyado mo akong-----" ( ・ิω・ิ) (。ŏ_ŏ) ฅ(๑*д*๑)ฅ!! "Binibini? Anong nangyari sayo?" Napatalikod agad ako sa kanya. AnobanamantongsiAndo!!! Bakit ganyan yung mga katawan nila? Daig pa nila si Tom Rodriguez e.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD