October 5, 2009
McDonald’s
12:15 PM
Dinala ni James si Lexie sa McDonald’s na malapit sa kanilang Unibersidad. Sinagot lahat niya ang lahat ng gastos. Bagama’t hindi payag si Lexie ay tila wala itong magawa dahil sa sobrang pagpupumilit ni James.
“Alright, let’s eat!” Masayang pag-aaya ni James habang inilalapag ang mga inorder niyang pagkain para pagsaluhan nila ni Lexie. Nag-order siya ng Fried Chicken, French Fries, Burger, Drinks at Sundae.
“Ano ‘to? Bakit ang daming pagkain?” Nagtatakang tanong ni Lexie.
“Let’s celebrate! Because today is our official friendship day!” Ani James.
“Sino namang nagsabing magkaibigan na tayo? Naku, Mr. Cristobal. A.K.A. Mr. feeling-ero! Uulitin ko, baka sakaling hindi pa rin malinaw sayo: We’re not friends!
“Yet.” Dugtong ni James sa sinabi ni Lexie. Nakasalumbaba ito habang nakangiting pinagmamasdan lang ang nagngingitngit na sa upuan na si Lexie. “But we’re getting there! See? Magkasama na tayong maglunch ngayon. ‘Di ba ganito ‘yung kalimitang ginagawa ng mga magkaibigan?” Pagpapatuloy nito.
Napabuntong-hininga si Lexie kasabay ng pag-angat ng kanyang kanang kilay.
“Alam nating pareho na sumama lang ako sa’yo dahil pinilit mo ‘ko!” Bulalas ni Lexie.
“Pero, nagpapilit ka, tama? Pang-aasar pang lalo ni James. “Ang dami mong sinabi. Kasindami ng mga pagkain na inorder ko!” Sambit ni James. Bahagya siyang napangiti habang patuloy na sinusulyapan si Lexie.
“Naku, huwag kang mag-assume! Tinanggap ko lang ang pag-aya mo sa akin dahil wala akong choice! At isa pa, may atraso ka sa akin. ‘Yun lang ang reason kung bakit ako nandito’t kasama mo! Hindi para makipag kaibigan! Duh! Mariing sambit ni Lexie.
Napa-ismid si James sa sagot na kanyang narinig mula kay Lexie.
“Whatever. O siya, kain na tayo!” Muling pag-aaya ni James.
Magkasama nilang pinagsaluhan ang mga pagkain. Bagama’t mabigat ang loob ni Lexie kay James, hindi naman niya maitago ang kagalakan nang makita niya ang maraming pagkain sa table nila ni James.
Pinagmasdan ni James si Lexie habang enjoy na enjoy lang kumain. Hindi niya maikubli ang saya na kanyang nararamdaman sa kanyang puso.
“So... where should I start?” Ani James.
“What do you mean?” Malamig na tugon ni Lexie.
“I want to know you...” dugtong ni James habang patuloy lang na nakatitig sa mata ng dalagang kasama niya.
Natigilan sa pagkain si Lexie at ginantihan ng matalim na titig si James.
“Mr. Cristobal. We. Just. Met. Ano bang nakita mo sa akin at sa dami rami ng babae sa loob ng campus na pwedeng guluhin, ako pa talaga ang napili mo? Really? Sa unang araw pa talaga ng pasok ko sa school niyo?” Naiiritang tugon ni Lexie.
“Ayun na nga, Miss Santos. Hindi ko ma-figure out, ano bang meron sa’yo at sa isang iglap ay nilamon ang buong katauhan ko ng kagustuhang makilala ka? Samantalang sinira mo nga ‘yung umaga ko. Oops. Nadulas yata ako.” Dere-deretsong pagpapaliwanag ni James. Bahagya itong natigilan nang masambit niya ang mga huling kataga sa kanyang pangungusap. Pinagmasdan niya kung ano ang magiging reaksyon ni Lexie sa mga narinig nito mula sa kanya. Inaasahan na niya na muli itong mayayamot dahil sa kanyang mga sinabi. Ngunit laking pagtataka niya nang hindi man lang nagpakita si Lexie ng kahit anumang reaksyon sa kanyang mukha. Nakatitig lamang ito nang deretso sa mga mata ni James. Wari’y naghihintay sa mga susunod pa niyang ituturan.
“Talaga bang gusto mo akong kilalanin, James?” Malamig na tanong ni Lexie sa kanya.
Ito ang unang pagkakataon na tinawag siya nito sa kanyang pangalan. Naramdaman niyang bahagyang nag-init ang kanyang pisngi. Yumuko siya at pilit itong itinago kay Lexie.
“Oo sana, Lexie. Kung papayagan mo lang sana ako, gusto kong makilala ka nang lubusan. Gusto kitang kaibiganin. Gusto kong maging parte ng buhay mo.” Bulalas ni James.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ni James. Siya’y natulala at tila nabigla din sa lahat ng kanyang mga nasambit. Ngunit, mas ikinabigla niya ang naging tugon sa kanya ni Lexie.
“James, ‘wag mo nang ituloy kung anuman ang pinaplano mo. Imposibleng maging kaibigan mo ako. It can’t be. Hindi mo ‘ko kilala. Hindi mo alam kung anong klaseng buhay ang mayroon ako. At lalong hinding hindi ka pwedeng maging bahagi ng buhay ko. Dahil sobrang magkaiba ang mundong ginagalawan natin.” Mahinahon na wika ni Lexie. Matapos niyang masambit ang lahat ng iyon ay napayuko siya at kapansin-pansin ang pagbabago sa mood nito.
Hindi maialis ni James ang kanyang paningin kay Lexie. Lalo rin siyang nahiwagaan sa tunay na pagkatao ng babaeng kasama niya. Hindi niya lubos maunawaan kung ano bang gustong ipakahulugan ni Lexie sa lahat ng kanyang mga sinabi niya.
“Lexie, ano bang ibig mong sabihin? Bakit naman hindi kita pwedeng kaibiganin? Hindi ba talaga ako pwedeng maging parte ng buhay mo? Ano ba talagang dahilan? Bakit ang hesitant mo na makipagkaibigan sa akin? Sorry, pero it doesn’t make any sense, ‘eh. Do you know why I want to be friends with you? It is for me to be able to know you. The real you. Because knowing you will pave a way for me in becoming part of your life. And I want it badly. Ani James.
Tiningnan siyang muli ni Lexie ng mata sa mata. Nakita niya kung gaano ka-sincere si James sa lahat ng mga salitang binitawan niya. Ngunit imbes na magpakita ng simpatya ay pinili nito na itago ang kanyang totoong saloobin—kung paanong sumilay sa kanyang puso ang kaunting saya, dahil may isang taong nagpakita sa kanya ng pagpapahalaga, at nais pang maging bahagi ng buhay niya.
“Why is that so, James? Anong malalim na dahilan ang maaari mong ibigay sa akin kung bakit ganoon nalang ang kagustuhan mong maging malapit sa akin?” Muling tanong ni Lexie sa kanya.
“Honestly, hindi ko alam, Lexie. I really don’t know kung bakit parang may nag-uudyok sa akin na kilalanin ka. Iyon din ang gusto ko talagang malaman. I know it might sound selfish but, I just want to figure out why. Why is this happening in me. And why, of all people, sa’yo pa ako nagkaganito. We’re complete strangers, you know. But I want to establish a connection with you. Paliwanag ni James.
“Nasasabi mo lang ‘yan ngayon. Dahil hindi mo pa ako kilala. Itataya ko kahit sarili ko pang buhay: ‘Pag nakilala mo kung sino talaga ‘tong babaeng kinakausap at kinakaibigan mo, ikaw mismo ang magdedesisyon na lumayo sa akin.” Malamig na sambit ni Lexie. Hindi siya nagpakita ng kahit katiting na emosyon habang binabanggit ang mga salitang iyon.
“But, don’t worry. You’ll never get a chance to know me, James. Dahil wala akong balak makipagkaibigan sa kahit na kaninuman. No one can break me. Not even you and your stupid treat.” Dugtong pa nito.
Muli na namang natigilan si James. Hindi siya makagalaw sa kanyang pwesto. Walang kurap siyang nakatingin sa sahig. Ang naramdaman niyang init na dumaloy sa kanyang mga pisngi kani-kanina lang ay tuluyang nilamon ng malamig at matigas na puso ni Lexie.
“No. I can break you. And I will. You just wait.” Wika ni James.
“Please do. If you can.” Tugon nito. Muli niya itong tiningnan sa mata at nakumpirma ni Lexie kung gaano nga ito ka-sincere sa lahat ng kanyang mga inilahad.
Samantala, Nagbuntong-hininga naman si James at binawi ang kanyang tingin sa palabang si Lexie.
Ilang sandali ang lumipas. Pareho silang dalawang nanahimik at tila naghihintay lang kung sino ang mauunang magbukas ng usapan. Tunaw na ang Sundae nila pareho at wala na ring ni isa sa kanilang tumitikim ng pagkain. Ang awkwardness sa pagitan nilang dalawa ay naputol nang biglang may tumawag sa cellphone ni James.
“E-Excuse me.” Ani James. Agad na tumayo si James at naglakad palabas ng restaurant. Pagkatapos ay Dali-daling niyang sinagot ang tawag sa kanya. Tiningnan lang siya ni Lexie habang naglalakad palayo sa kinauupuan niya.
(On the phone)
Gary: Hello, insan!
James: Insan, Happy Birthday! Musta preparation dyan?
Gary: Naku, dude, i-reserve mo ‘yang greetings mo sa akin para mamaya!
James: Sus, ‘wag ka mag-alala, hindi ko naman ugaling mang-indian, eh.
Gary: Teka, ‘Eh anong oras ka ba makakarating dito?
James: Mga 8 PM insan, may klase pa kasi ako hanggang 5 PM. Plus biyahe pa. Rush hour na rin ‘yun, ‘eh.
Gary: Ah, walang problema. Basta bawal ang hindi pumunta ah? May pa-surprise gift daw sa akin si Lance mamaya. BIG PACKAGE. Gusto ko sabay sabay natin ‘yun makita!
James: Naku, ano na naman kayang prank ang inihanda sa’yo ng bestfriend mong ‘yon? ‘Di ka na nasanay dun.
Gary: ‘Wag ka munang kumontra, insan. Basta ang mahalaga makapunta ka, alright?
James: Okay, dude. No problem. I’ll see you then. Bye!
Gary: Thanks! Later nalang Insan!
(End of call)
Matapos ang usapan nilang magpinsan sa phone call, agad na bumalik si James sa loob. Ngunit ‘laking pagtataka niya nang hindi na niya abutan sa kanyang upuan si Lexie. Nilinga-linga niya ang buong paligid ngunit ni anino nito ay hindi ma matanaw. Napakunot-noo na lamang si James habang umuupo. Inangat niya ang kanyang Cola. Doon niya napansin ang isang maliit na papel na nakaipit pala sa baso. Ito’y galing kay Lexie.
Binasa ni James ang nakasulat sa papel.
“I’ll go ahead. Thank you for the free lunch. ‘Till next time.”
Gumuhit sa mga labi ni James ang tuwang dulot ng mensaheng iniwan ni Lexie.
“So... there is next time.” Mahinang sambit nito habang patuloy na hinihigop ang natitirang laman ng kanyang inumin.
***