William's POV
"No dad! Isa pa, bata pa ako at walang ka ediya- ediya pagdating sa negosyo." Pag tatanggi ko kay papa dahil pinipilit niya akong pumasok sa kanilang kumpanya.
"Iho mas maganda nga iyan na hanggat bata kapa ay may nalalaman kana. Dahil pagdating ng panahon ay ikaw na ang papalit sa papa mo. Right darling?"
"Tama ang mama mo iho. Tumatanda na ako, ikaw lang ang nag-iisang anak namin na walang ibang mamamahala at magmamana kundi ikaw lang! Sana naman ay pagbigyan mo kami ng mama mo dahil pinaghirapan namin ito para sayo anak."
Pinaghirapan? Ako nga dapat ang magsabi ng ganyan sa kanila dahil sa negosyo ay nawalan sila ng oras sakin. Na alala ko pa noong bata pa ako gustong-gusto ko ng kalaro at kapatid tinatanong ko palagi si mama pero ang palaging sagot "SOON IHO IHO", dahil bata pa daw ako para sundan nila. Palagi rim sinasabi ni mama na "JUST PLAY WITH YOUR FRIENDS, COUSINS.
Hanggang sa nagkasakit si mama at hindi na raw pwedeng magka anak.
"Okay fine, fine, fine! Wala naman akong magagawa. Pero sa isang kundisyon?"
"Ano yun iho? Anything iho." Tanong ni mama na ngayon ay ngiting ngiti abot sa tainga. Kahit papano ay mahal ko sila at kahit naging busy sila ay hindi nila ako pinabayaan. Anything I want, ask for ay binibigay nila ka agad.
"Give me 1 year! Gusto ko pagpasok ko sa kumpanya ay handa na ako. Total hindi pa naman kayo ka agad mag reretiro. Right dad?"
"Okay. Yun lang?" Tanong ni papa na walang alinlangan.
"Titira ako sa isang resort natin. Doon muna ako ma mamalagi." Gusto ko magpaka layo layo muna sa kanila. Mag fucos, mag isa at sulitin ang isang taon para sa sarili ko. At isa pa sanay na naman akong mag isa.
"That's too much iho! Ngayon ka lang umuwi dito satin at aalis kana naman?!"
"It's okay rebecca. Just give your son time. Alam ko gusto niya muna mag-enjoy sa buhay niya bago pumasok sa kumpanya."
"But Julyo!"
"Leave it Rebecca."
"Fine!" Narinig ko naman ang pag buntong hininga ni mama at pinakalma muna ang sarili. "Kailan naman yan iho?"
"Bukas na bukas mama." Hindi ko man gusto silang iwan kaso para naman ito sakin at total sanay naman sila na wala ako. Nag koliheyo ako sa ibang bansa ng ilang taon kaya i'm sure sanay na sila na wala ako.
"Okay. Basta tatawag ka samin at dumalaw karin. Magpapadala na rin kami ng maids at bodyguards ngayon para bukas wala ka nang problema." Hay naku heto na naman si mama over protective na naman.
"No need mom. I'm not young anymore. Kaya ko naman. Huwag na kayo ma bahala. Please?" Nag puppy eyes pa talaga ako sa kanya. Alam ko kasi diyan ang kahinaan ni mama. Ayaw ko rin naman kasi ng may katulong at bodyguards. Hindi naman kasi ako sanay sa ganyan.
"Ano pa nga ba magagawa ko! Pag ayaw mo ayaw mo talaga. Basta anak mag iingat ka dun."
"Thanks mom! dad! Sure kaya ko na. Don't worry mom."
Nandito ako ngayon sa kwarto ko nag aayos ng mga gamit ko. Buti naman at pumayag sila mama at papa sa gusto ko. Alam ko naman kasi ang mapupuntahan ko kayat hanggat may isang taon pa ako ay mag e'enjoy lang muna ako.
"Hello Rio? Yayain ko kayo sa resort. You can invite your girls if you want. Yeah! Kaw na lang tawag kay Benedict at Denver. I'll text what's the address. Okay bye."
Sisiguraduhin ko na ito ang pinaka masayang Taon sa buhay ko. Wala akong sasayangin kundi ang mag enjoy at gawin ang lahat lahat. Hindi na ako bata, kaya hanggat may isang taon pa ako ay gagawin ko na ang lahat!
***
"Iho anak? Bumangon kana? Anong oras na. Akala ko ba ngayon ang alis mo? William?"
"Oh? F*ck! Oo nga pala! Bakit ba nakalimutan ko. Sh*t."
"Iho! Rinig ko ang pag mumura mo. Ang aga-aga ha? Sige na! Bumaba kana. Nakahanda na ang pagkain sa lamesa."
"Sorry mom! Sige na po. Ilang minuto lang susunod na ako."
"Huwag ka nang magtagal at lalamig ang pagkain."
"Opo"
Tawagan ko muna sila Rio. Baka naghihintay na sila. Bakit kasi hindi ko na isipang mag alarm. Oh jeez! Kailan kapa natotoong mag alarm william.
"Hello Rio? Kagigising ko lang. Tawag na lang ako sa inyo pag okay na sa resort. Okay. Good! Sige bye."
***
"Good Morning mom! Si dad?"
"Nasa itaas. Bababa narin yun. Upo kana."
"May bisita ba? Ang nadami naman po yata ng pagkain?"
Para kasing fiesta sa sobrang dami. Ang hilig-hilig kasi ni mama magluto. Simula kasi ng magka sakit siya pinatigil na siya ni papa mag trabaho. Ayaw nga niyang tumigil kasi ayaw naman niya na si papa lang daw ang nagtratrabaho para samin. Ano naman daw ang gagawin niya sa bahay.
Kaya ginawa ni mama siya na palagi ang nag hahanda ng pagkain namin at sinisigurado niya na puro healthy foods ang nakahanda. Dahil ayaw niyang may magka sakit na naman samin.
"Walang bisita. Inihanda ko talaga lahat ng paborito mo. At kumain ka ng marami. Dahil alam ko pag nandoon kana sa resort ay hindi ka na naman magkaka kain."
Ngayon ko lang talaga na realize na lahat ng naka handa ay mga paborito ko talaga. Parang ayaw ko tuloy umalis. Ito ang mamimiss ko kay mama ang pag aalaga niya sa amin ni papa.
"Bakit ba kasi gusto mong tumira sa resort natin?"
"Alam muna naman mom diba? Gusto ko bago ako ang pumalit kay papa, nagawa ko na lahat ng gusto ko. To enjoy may pagkabinata."
"Siguraduhin mo lang na yang enjoy mo. William! Sinasabi ko sayo ha. Behave ka doon! Alam ko naman yayayain mo sila Rio doon."
"Kung nakinig lang ako sayo noon. Hindi ka tuloy nag iisa. Umabot tuloy sa punto na hindi na ako magkaka-anak" Kita ko naman sa kanyang mukha ang pagkalungkot. Ayaw ko naman sisihin siya. Oo wala nga akong kapatid pero nandiyan na yan. Hindi na namin mababalik ang dati.
"Huwag ka nang malungkot mom. At huwag niyong sisihin ang sarili mo. Hindi naman natin ginusto ang lahat. Hmm? Ako na lang po mag bibigay ng apo sa inyo ni papa." Pagbibiro ko kay mama para naman mawala nag lungkot niya.
"Aray!! Ang sakit naman!." Isang kurot at hampas sa braso ang ni mama sakin.
"Anong apo ka diyan! Ang bata-bata mo pa! Di kapa nga handa mamahala ng kumpanya tapos apo-apo kana diyan! At siguraduhin mo na hindi ka magdadala ng mga babae sa resort William sinasabi ko sayo!"
"Ito si mama di mabiro." Isang halik ang binigay ko sa kanya para kumalma si mama. Ayaw ko naman magalit siya baka hindi na ako matuloy. Patay tayo neto.
"At hindi pa ako ready sa ganyan. May panahon naman diyan. Huwag ka pong mag alala. Behave lang naman po ako. Promise!"
"Naku! Siguraduhin mo lang William. Anyway nagpadala na ako ng maids doon kaninang madaling araw para malinis muna ang resort."
"Mom! Diba-"
"Don't worry. Uuwi din sila. Pinalinis ko muna para pagdating mo ay hindi kana magpapagod mag linis. Sige na kumain kana. At puntahan ko lang ang papa mo ang tagal naman nun!"
Yung totoo mamimiss ko sila. Lalo na ang mga luto ni mama, sa pag-aalaga niya sakin. Kahit kaya naman namin, ay nandiyan siya para alalayan kami, at kay papa naman na palaging nagpapayo sakin.