Chapter 20

1659 Words
William's POV "You're five minutes late my wife." "Five minutes lang naman! Buti nga ehh pumunta pa ako dito!" "Akala ko nga hindi kana sisipot. Balak ko pa naman puntahan kana at iahon sa Pool. I don't care sa sasabihin ng ibang tao." "Ewan ko sayo Will. Matutulog na lang ako. Kainis mo naman. Nag eenjoy yung tao tapos may pa ganito kang nalalaman." "Wala kang magagawa. A deal is a deal sweetie" "Deal mo mukha mo! Tabi! Matutulog na ako. At huwag kang esturbo okay?" "Don't worry sweetie. Sweet dreams." Pumasok na ako sa CR. Para maligo. Kahit gusto ko siyang angkinin, mas matimbang parin ang respeto ko sa kanya. Gagawain ko ang lahat para bumalik siya sa akin. Kaya kung kinakailangang maging maamo ako ay gagawin ko. Bumalik lang ang mahal ko. Pag gising ko sa umaga wala na akong kasama sa tabi. Hindi man lang ako nakaramdam na umalis siya. Sa sobra sigurong kapaguran kaya hindi ko namalayan ang pag-alis niya. Bumangon na rin ako at sinimulan ko nang iligpit ang mga gamit ko. Kunti lang naman ang dinala ko kaya madali ko lamang ito maaayos. Matapos ang lahat napagpasyahan ko na ring pumunta sa ibaba. Nahagip ang aking tingin sa gawi ni Kristina with that f*cking bastard Herald! Bakit ba kasi sinama-sama pa niya si Herald. One thing I want to know is what's the reason why they ended their relation. Ang alam ko dati, nobyo niya si Herald at malapit na itong makasal sana, sana kung hindi lang nawala si Kristina. "Good Morning." Bati ko sa kanila. Inirapan lang ako ni Kristina. I don't expect nababati siya sakin. "Same to you bro." Sabi ni Herald sabay ngiting tipid. Ilang minuto lang magsisibabaan na rin kami. Akay ni Herald ang gamit ni Kristina. Kaya kinuha ko ito sa kanya. Nabigla naman siya sa ginawa ko. "Ako na ang magdadala at ako na rin ang mag-uuwi kay Kristina. Tiyak hahanapin ako ng Mama niya paghindi ako ang maghatid sa kanya pauwi." "William!" "Don't get me mad Baby. Ayaw mo naman yata may gawin ako ngayon. Hmm?" "Ang sama mo talaga! Palagi ka na lang na nanakot." "Hindi ako na nanakot. You are my responsibility kaya ako ang maghahatid sayo!" "Hindi mo ako responsibilidad Will!" "You are, because you are my Wife." Diin kong pagkasabi sa kanya. Umiigting na rin ang panga ko na halata ito ni Kristina kaya hindi na siya nakipagtalo pa. "It's okay Kristina. Sa susunod na araw na lang ako dadalaw sa inyo. Pakisabi na rin kay Tita." "Herald." She whispered softly. "Don't worry. Okay? Ikaw na bahala sa kanya William." "I will. Asawa ko ito kaya ako na ang bahala." Hindi na siya sumagot at tumalikod na ito. Alam kong naiinis siya dahil sa matatalim niyang tingin. Tahimik lang kaming dalawa habang biyahe pauwi sa kanila. Hindi niya ako kinikibo simula kanina. "Ang ingay naman." Parinig ko sa kanya. Pero ni isang lingon hindi niya ako kinibo. "Hey, galit kapa?" Kiniliti ko ang tagiliran niya. Hindi pa rin kumikibo. Kaya ginawa ko mas kiniliti ko pa ito. "Don't you ever do that again!" "Yung alin? Ang pagkiliti ko sayo?" "Don't control me Will! Ipapaalala ko lang sayo WALA NA TAYO! Kaya kung ano mang-" "Sayo wala na. Pero sakin? Minsan tinanong mo ba ako Kristina? Oo nga may mabigat akong kasalanang nagawa sayo pero hindi mo maiiwasan na kasal tayo!" "Paulit-ulit na lang Will! Paulit-ulit na lang tayo!" Hindi na ako sumagot sa kanya. Ayaw kong makipagtalo pa sa kanya. Hanggang sa dumating kami sa kanila wala siyang kibo. Bumaba ito na hindi ako nililingon. Sumunod na lang din ako sa kanya. "Kamusta iha, iho? Nag enjoy ba kayo?" "Hi Mom." Bati ni Kristina sabay upo sa sofa. "Hello po Tita. Yes po. Enjoy na enjoy nga si Kristina Tita." Sinamaan niya ako ng matatalim na tingin. Ginawa ngumiti lamang ako. "That's great! Oh siya. Dito kana iho mag dinner. Nagpapaluto na rin ako. Ilang oras na lang maghahapunan na." "But Tita-" "Hep! Ayaw ko sa tumatanggi iho." "Okay Tita. Hindi ba nakakahiya?" "Ano ka ba! Hindi kana iba samin. Tanggalin mo yang hiya-hiya mo. Oh pano? I'll go ahead tulungan ko lang si Manang. Kristina ikaw na ang bahala kay William." Tumalikod na si Tita pagkatapos niyang magpaalam samin. Hinarap ko din si Kristina na nakatingin lang sa cellphone niya. I scanned her body. Head to toe. Perfect Wife! "Tingin-tingin mo?!" "Bawal? Pwede ba for once huwag kang masungit? Lalo na nandito tayo sa bahay niyo. Baka makakita si Tita na nagbabangayan tayo." "So? Buti nga makita nila." "Tell me? Gaano ba katigas ang puso mo na hindi mo ako magawang patawarin?" "Gusto mong malaman?!" "I guess." "Sobrang galit ako sayo! Galit na galit!!! Ng dahil sayo may nawala!!!! Nangdahil sayo hindi sana mangyayari ito!!!! Kaya kung pwede lang Will huwag ka ng umasa. Dahil wala kang makukuha sakin.!!!!! Leave me alone!!!!" Sa sobrang inis tumayo siya at tinungo ang hagdan. Wala na rin akong sinabi sa kanya. Pagsumabat pa ako baka mas lalo lang siya magalit sakin. Nandito pa naman kami sa bahay nila. Ilang minuto ang lumipas nasa hapagkainan na kami. Nandito na rin si Mr. Diego. "Buti naman at dito kana kumain iho. Siya nga pala. Kanina lang din nagkita kami ng Papa mo. Usuall we've talk about businesses." "Pagdating sa business Tito hindi aayaw si Papa sa kwentohan. Ikaw na lang siguro ang aayaw." Tumawa kaming tatlo except kay Kristina. Seryoso lang ito kung kumain. Kumikibo pa din naman siya kung tinatanong lang ng kanyang ama. "May nobya ka naba iho?" Tanong sakin ni Tita Salva. Kung alam niyo lang wala akong girlfriend kundi asawa. Asawa ako ng anak niyo. "Wala po Tita." "Ahm. Dating? "Wala rin po Tita." "Really? Why? I mean sa gwapo mong yan ni isa walang may nagkaka gusto sayo?" "Meron naman po Tita. It's just wala lang talaga ako panahon sa mga bagay na yan. Besides, I have a Wi-" "Hey Mom. Ang da-daming tanong mo. Pano naman makakakain ng matino si William." "Ito naman. Hindi kana na sanay sakin. Pasensya kana iho. Sige na kain ka lang." "Ikaw Kristina, may Boyfriend kaba?" Tanong ko sa kanya. Pinandilatan niya lang din ako ng mata. "Ha? A-ako?" Tumango lamang ako sa kanya. Ang sarap niyang halikan sa itsura niya. Kung alam mo lang sweetie gaano ako nanggigigil sayo. "Wa-wala." "Sa ganda mong yan? Anyway, pano kung mangligaw ako sayo? Perfect timing your mom and dad is here." "Good idea William! Sure walang problema sakin." Masayang sabi ng kanyang Ina. While Mr. Diego ay panay ang tango lang sa asawa. "Mom! Ano ka ba. Nakakahiya!" "Bakit naman? Wala naman kayo ni Herald. So, it's time na siguro na magka nobyo ka. Hindi na kami bumabata iha. Dapat you have a plan to yourself. Like your schoolmate dati sino ba yun Dad? Nicole! Right si Nicole nakita namin may anak na. Kaya naman dapat magplano kana rin sa sarili mo. Right Honey?" "Well, nasa anak natin ang desisyon Salva. But sweetie don't forget yourself too. Akala nga namin Will ay sila na talaga ni Herald. Malapit na rin sila ikasal dati. We don't even know bakit nagkahiwalay sila. Matapos ang trahedya kay Kristina." "Tragedy?" Tanong ko kay Mr. Diego. "Yes. Ilang buwan nawala si Kristina. Ang sabi lang niya may mga tumutulong sa kanya. Hindi nga namin nalaman kung sila sino. Then we found out na hiwalay na sila ni Herald matagal ng panahon." "Dad naman. Hindi muna dapat ikwento sa kanya." Her low voice makes me sad. I'm sure there's a reason kung bakit hindi natuloy ang kasal nila. Ako ba ang dahilan? Ako ba ang dahilan kung bakit ang sama ng loob sakin ng asawa ko dahil sa kasal ba kami? Kaya naghiwalay sila? "Well, past is past Honey. Isa pa, ayaw ni Kristina maalala pa ang dati. So don't ever mention that Hon. I'm sorry Will." "No, it's okay Tita. I'll guess it's about time na magkaroon na ng nobyo si Kristina. Ahm. I have a question." "Ano naman Iho." "What if Kristina-" "Ahm. Will? Diba may pag-uusapan pa tayo. I think we should go. Mom, Dad sa library muna kami." "Hindi pa naman tapos kumain si William Iha?" "It's okay Tita. Balik na lang po ako mamaya. Maiwan ko po muna kayo. Mr. Diego, Tita Salva." Hinawakan ni Kristina ang braso ko na may diin. Alam ko kanina pa siya napipikon dahil halata ito sa pagsisingit niya palagi sa usapan namin. Nakapasok na kami sa tinutukoy niyang Library. Malinis, madaming aklat ang nasa loob. Halata dito na opisina ito ni Mr. Diego. Naagaw pansin sakin ang padabog niyang pagsara ng pinto. "You!!! You always make a scene!!" "Me?" "Oh yes! You!!! Don't you dare na sabihin sa kanila or else magsasampa ako ng kaso laban sayo! Sa ginawa mo!!" "Then do it. I don't care. Hindi ako natatakot sayo Kristina." Mahinahong sagot ko. "Pagnalaman ito ni Dad I'm sure he put you into jail!" "So? I'm not scared baby. Ano bang magagawa sa pera? Hmm." "Pwede ba Will!!! Pasalamat ka nanahimik ako alang-alang sa mga kaibigan mo na ayaw kong madamay!" "Remember this Kristina, I don't care if you put me in jail. Try me, mas lalong magkakagulo. The reputation of the company. Baka gusto mong ipaalala ko sayo our company Sweetie. Lahat magkakagulo, dudumugin tayo ng mga tao. Baka gusto mong lumubog ulit ang kumpanya?" Tila may buhos ng kung ano sa kanya dahil sa mukha niyang namutla. Alam ko kung gaano niya kamahal ang kumpanya kaya alang-alang dito ay mananahimik siya. "Kahit anong gawin mo hindi ako susuko sayo. You are my Wife Kristina." "You're totally bastard Will! Nahihibang kana." "Yeah. Nahihibang sayo sweetie. So, kung wala ka nang sasabihin. May I? Uuwi na ako. Para makapag pahinga kana." Hinalikan ko siya sa noo na napabigla sa kanya kaya umatras siya pagkatapos kong mahalikan ang noo niya. "Bye Love."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD