William's POV
Habang tumatagal ay mas napapadalas ang pananakit ng ulo ni Kristina. So, I hired a private Doctor. Twice a month siya pumupunta dito to check Kristina's status. Minsan hindi lang twice lalo na kapag napapadalas ang pananakit ng ulo niya.
Hindi ko na rin siya sinasama si Kristina sa bayan kapag may mga binibili ako. Buti na lang ay sumusunod siya sakin. Palagi ko rin kasing sinasabi na pano tayo magkaka anak kung hindi siya susunod sa mga bilin ng Doctor. Yan ang palaging dinadahilan ko para sumunod siya sakin.
Sa dating lakad kasi namin may nakita kasi akong dyaryo sa bangketa. Buti na lang busy si Kristina sa pamimili ng bulaklak. Nang makumpera ko na siya nga ang hinahanap, umuwi kaagad kami sa resort.
Panay nga ang tanong niya that time. Madami na lang ang aking dinahilan sa kanya.
"Babe?"
"Hmm."
"You know what babe? Na trigger na talaga ako. Minsan kasi sa dream ko parang mga totoo. I know it's creepy but... I don't know. Siguro dala lang yata ito sa mga nararamdaman ko ngayon."
"Don't worry babe. Like the doctor said. Normal lang yan. Don't stress yourself sweetie. Baka mamaya sumakit na naman ang ulo mo. Okay? Don't think to much."
Everytime she told me about her dreams. Hindi ako mapalagay. Pano kung biglang bumalik na ang memorya niya?
Isa ito sa kinakatakutan ko. Ang magbalik ang memorya niya at iwan ako. I know she won't forgive me. But I promise myself! I would do everything! Hindi lang niya ako iwan. F*ck! I love her so much.
Sounds cheesy. Pero ngayon ko lang ito naramdaman. Sa kanya lang. Kaya takot akong mawala siya. Ang mahal ko.
"Hey. Ikaw na naman ang natahimik. Kanina pa ako nagsasalita dito." Pagtatampo niya sakin. Kaya hinalikan ko na lamang ang kanyang labi.
"I don't know what to do if you leave me babe. I will die if you leave me. Please Kristina, just promise me." Habang haplos-haplos ko ang maamong mukha niya.
"Babe naman. Tinatakot mo naman ako ehh!"
Medyo nakikita ko na sa kanya ang mata niyang maluha luha. Kaya hinawakan ko ang kamay niya at hinalik-halikan ko ito.
"Just promise me whatever happens. Always remember that I love you so much. I really, really love you Kristina. Lahat gagawin ko para sayo."
"Talaga!?"
"Yes babe. I love you so much. Just tell me."
"Hmmm. Eh di pakasalan mo ako!"
"Babe-"
"You said that you love me and you will do everything, so marry me. I know it's not the right time but babe? I know for sure hundred percent! That you are the right man for me. I love you too. I love you so much! Kahit nagsasama tayo para sakin parang may kulang parin. At alam ko ikaw yun."
Ilang sandali kaming natahimik sa mga sinabi niya. I don't want to dissapoint her. But damn! Ano bang gagawin ko? I love her so much too. Gusto kong magpakasal sa kanya pero hindi sa ganitong sitwasyon niya.
"Fine!!! Kung ayaw mo eh di huwag!!"
Tumakbo siya papuntang itaas. Hindi ko na muna siya hinabol. I was shocked too. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko. Sasabihin ko na ba sa kanya para hindi matuloy ang gusto niya? I'm dead! Really dead!!
Illang oras ang lumipas ay hindi pa siya bumababa. Maghahating gabi na rin kaya napagpasyahan ko na puntahan na siya.
Pagbukas ko ng pintoan usual nasa tapat siya ng bintana habang pinapanood ang papalubog na araw. Ni kunti ay hindi siya lumingon sa gawi ko. Kaya lumapit na ako sa kanya.
Medyo kinakabahan talaga ako. Wala namang mangyayari samin kung hindi ko siya kakausapin. Napag-isipan ko na rin ito kanina pa. Gagawin ko na para sa kanya. Bahala na anong mangyari samin.
"Babe. Galit kapa ba? Look, I'm sorry. Hindi sa ayaw kong makasal sayo. Ahm. Nabigla lang ako."
Ganon padin hindi siya kumikibo.
"Fine. Fine. Fine... Let's get married. As soon as possible. Baka iwan mo ako at maghanap kapa ng iba."
Lumingon siya sakin. Halos ang mga mata ay nagniningning sa saya. Ang mga labi niyang kay sarap halik-halikan dahil sa matatamis niyang ngiti abot sa tainga. This girl. This girl is probably mine!
"Really? Wa-wala ng bawian ha?"
"Yeah. Hindi ko kayang mawala ka sakin. Kaya itatali na kita." Isang kindat at mabilisang mapupusok na halik ang ginawa ko sa kanya. Ganon din siya hindi tumutol sa ginawa ko.
"I love you babe!!! I love you so much Will! I'm so happy!!!"
"Oh jeez! Relax sweetie. Baka sumakit na naman ang ulo."
"I can't wait babe! Ahm. Babe?"
"Hmm."
"I suggest na kahit simple lang. Sila samantha lang ang bisita natin, sila Ben. Please? At tsaka gusto ko dito lang sa isla. Is that okay with you?"
She didn't mention about her parents. Isa din ito sa nagawa ko sa kanya. Ang sinabi ko sa kanya na wala na siyang magulang. Nang magkakilala kami siya na lang mag isa. Ulila na siya. Buti na lang ay hindi na siya nagtatanong pa lalo na sa kalagayan niya. All the doctor advice, hindi siya sumusuway kaya hindi na siya nagtatanong pa about her life.
"You sure? Ayaw mo ba sa church? Private wedding tayo lang."
"Yes babe! Mas gusto ko dito lang. I want here lalo na sa hapon gagawin. Gusto ko habang papalubog ang araw gaganapin ang kasal natin. Please?"
"Fine. Anything you want sweetie. Anything you want."
Napangiti naman ako sa kanya ng hinalik halikan niya ako sa mukha.
"Great! Tatawagan ko na si Samantha."
"Babe ako-"
"Let me, please?"
I just nod my head dahil sa pakiusap niya. Alam ko naman na walang na akong magagawa pa. Ayaw ko rin sumama na naman ang loob niya, lalo pa na masaya siya ngayon. Tatawagan ko na lang si Rio. I know mabibigla din siya. I will explain everything sa kanila.
Walang labis ang saya ngayon ni Kristina. Kahit na medyo natutulala ako sa kanya. Panay na nga lang ang OO ko sa kanya. Lalo na sa mga gusto niya sa flowers, suot. Lahat lahat gusto niya simple lang at hindi magasto.
Hanggang sa pagtulog panay pa din ang kwento niya. Hindi talaga siya nagsasawa sa kakasalita. Kaya ginawa ko pinagpahinga ko na lamang siya. Dinahilan ko na lang na baka sumakit na naman ang ulo niya. Buti na lang ay sumunod siya sakin.
It's eight PM. Tulog na rim si Kristina. Kaya pwede ko ng tawagan sila Rio. Oh F*ck! GoodLuck to myself!
"Are you out of your mind?!!!" Sigaw sakin ni Rio. Kahit katawag ko lang siya ramdam ko galit niya. Siguro kung magkaharap kami masusuntok ako ni Rio.
"Listen first okay? Just calm down!"
"F*ck you! Speak!"
"Ayaw kong pakasalan siya. Hindi sa ayaw ko sa kanya. You know that, all of you! Na mahal na mahal ko siya. Pero Rio, si Kristina na mismo ang may gusto. Tumanggi nga ako pero f*ck! Hindi niya ako kinakausap. Alam ko this is not the right time lalo na sa kalagayan niya. Pati ako ayaw ko talaga. Kaso ano bang magagawa ko? Iwan siya para hindi matuloy ang gusto niya? Anong mga dahilan ang gagawin ko? Tell me?!!"
"Tell her the truth!"
"Damn Rio!!!"
"Kung ayaw mo, don't expect that I am there sa kasal mo!!"
Binaba niya kaagad ang tawag matapos niyang sabihin na hindi siya dadalo. Ano bang gagawin ko? Remember Will kasalanan mo ito. Kaya ikaw dapat ang mag-ayos ng sarili mong kagagawan.
Kung makasal ba kami at bumalik ang alaala niya, mamahalin pa ba niya ako? Makikilala pa ba niya ako? Mapapatawad ba niya ako? Maraming katanungan ang gusto kong masagot. At walang iba kundi ako lang ang makaka sagot.
Lumapit ako kay Kristina. Mahimbing parin ang tulog niya. Her angelic face. Her eyes, nose and her sweet lips. All of them are mine. Kaya wala ng makakapigil pa sakin, sa ating pagmahalan.
"I love you so much sweetie. You are mine. Mine only."