Chapter 2
Literal nag loading ako sa kanyang sinabi. Sino ba namang hindi mag loading kung tinanong ka ng hindi mo maintindihan.
Masarap siguro tong itabi matulog at gawing unang ang braso!
Ani ko sa aking isipang habang hinu-hubaran ko pa ito sa aking paningin. Na imagine ko tuloy ang walong pandesal sa kanyang t'yan at matigas siguro Ang kanyang patulang buhay.
Sandali, sa nakikita ko sa mga videos na kung ang lalaki daw gwapo at macho ay bakla raw.
Pero okay lang dahil super hot nan niya kahit yung salita niya ay parang alien.
Kaya napatingin ako sa kanya at napangiti na kaakit-akit talaga siya, pero kailangan kong makatawa muna sa sitwasyon.
“Kuya… opo, andhi po ako… at isa pa po, Ikaw po andhi po ako naka-iwas sa trap ng pangkaraniwang araw ngayon,” sagot ko sabay kindat.
“Excuse me?” tanong niya, parang na-offend.
“Ahh, sorry po. I mean…sabi ko po, ako ay andito sa daan… kasi may mas makatas akong dapat ibinta,” dagdag ko sabay abot sa talaba sa harap niya.
Nagtaas siya ng kilay. “What?”
“Ay opo, talaba po ‘yan. Pero kung gusto niyo, puwede rin po akong maging personal talaba-taster ninyo,” sabi ko, mabilis at malandi, sabay hagikgik.
Biglang napatingin ang ilang tao sa kalsada at naghalakhakan sila.
“Hoy, seryoso ka ba?” tanong niya, halatang nahirapan sa pagka-confused.
“Oo naman po,” sagot ko, sabay tingin sa nagkalat na talaba. “Pero sa totoo lang… mas mahirap magpigil sa tamis at makatas kaysa magbenta ng talaba. Gaya n'yo po masharap. Kaya po kayo nakatanong ngayon, curiosity kills, kung baga!”
Napapikit siya sandali, halatang hindi alam kung maiirita o mapapangiti.
“Magkano?” tanong niya sa huli, halatang bumalik sa pagiging bilyonaryo niya.
“Ay marunong po pala kayo mag tagalong, pinapahirapan n'yo pa po ako sa kalisod. Depende po,” sagot ko sabay kindat, “Kung talaba lang ay mura lang. Kung may bonus smile niyo ay medyo mahal. Pero dahil poge at yummy ka po. Mura lang para sayo!"
Muling tumawa ang crowd sa paligid. May mga natatawang jeepney driver, ale, at mga bata na humahabol sa talaba.
“Ha! Ang ingay mo,” bulong niya pero narinig ko naman.
"Eto po, Kuya, free pa po ang extra charm kung bibili kayo,” dagdag ko sabay ngumiti, sabay ipakita ang palad.
Para bang sandali lang, natigil ang mundo at ang masungit na bilyunaryo, parang may ngiting pilit na ilabas sa kanyang labi.
“Here, sapat na siguro tong 5K sa ouster na natapon,” sabi niya sabay abot ng limang libo sa akin
Mabilis kong kinuha ang pera, sabay kindat, “Wow, Kuya, generous pala. Pero alam niyo, kung may dagdag charm niyo, baka mas mahal pa rin ‘to,” biro ko sabay turo sa nagkalat na talaba.
Napatingin siya sa akin, parang nag-iisip kung dapat siyang mainis o mapangiti.
“Extra charge?” tanong niya, halatang confuse.
“Opo, Kuya,” sagot ko, halatang seryoso pero may kiliti sa tono. “Para sa green fee, alam niyo na, bonus sa kapaligiran at sa conservation ng talaba,” sabi ko sabay hagikgik.
Napahinto siya sandali, tinitigan ang mga talaba. “Green… fee?”
“Yep!” sagot ko, sabay abot ng isa pang talaba. “Basta sustainable, fair trade, at locally sourced—kahit sa pagmamahal, puwede rin po i-consider.”
Ngumiti ang tao sa paligid. May ale na natawa, may bata na humarap at nagtanong.
“Ate, puwede rin po ba bonus smile?”
“Syempre!” sagot ko, sabay kindat sa bata. “Pero limited edition lang, Kuya dito ang una sa line,” sabay sulyap sa bilyonaryo.
Namula siya nang bahagya, at parang sandaling nawala ang kanyang masungit na aura nito pero hindi pa rin siya tuluyang napapa-smile ko.
Napatingin ako sa kanya at nagbiro, “Kuya, okay lang po kung maging sustainable partner niyo ako sa talaba, syempre. Kung hindi, okay rin green-minded lang ako, open sa negotiation.”
Hindi ko alam kung gusto niya akong i-challenge o mapangiti lang pero ang sigurado, lahat sa kalsada, pati ako, ay natawa nang todo.
Napangiti ako ng lihim nang muli niyang abutin ang limang libo.
“Here… it is enough?” tanong niya, halatang awkward pero may halong pride.
“Ay, thank you so much, pogi,” sabay kindat ko. “Sapat na ito. You may alis na ay, wait! Pwede mo na rin dalhin itong talaba sa bahay mo,” sabay abot ko sa isa sa mga batyang may laman na talabang pinulot ko kanina sa mga bata. Buti na lang at pinilit nila kaya maibigay ko sa kanya.
‘Yes… tiba-tiba, ako ngayon ang boss ng Araw. Hindi bale, natapon man, may 10k naman ako,’ wika ko sa sarili pero mahina, sabay hagikgik.
“What… saan ko naman itong ilalagay?” tanong niya, halatang naguguluhan.
“Madali lang po,” sagot ko, sabay ngisi.
“Tatlo itong batya ay sayo tong isa para ipasok sa kotse mo, at itong dalawa ay doon sa kasamahan mong naka-kotse.”
Ngumiti ako nang malandi. “Bye na, pogi. Sainyo na din yang lagyan. Freebies ko sa inyo. Kids, halina kayo—bibiyan ko kayo ng tips!”
At gaya ng isang street-smart na ulila, alimura man ang mundo, hindi ako lumingon sa likod habang papalayo. Mahirap na baka malaman nilang nautak ko siya sa simpleng talaba ay pero masarap ang feeling na konting ligaya sa gitna ng araw-araw na hirap.