“Reign, anak” salubong ng yaya ni Reign ng mapansin siyang bumaba mula sa Montero ng asawa.
“Yaya” tawag niya dito sabay yakap. “Nandyan po ba ang mommy at daddy?”
“Oo nandyan pa sila. Hindi pa sila nakakaalis”
“Bakit po? Saan ang punta nila”
“May business meeting daw ang daddy mo sa Palawan. Sasama na rin daw ang mommy mo para makapagbakasyon sila.”
“Oh siya halina kayo sa loob at magtatanghalian na. Doon na kayo sa komedor mag-usap.”
Sabay-sabay na silang pumasok sa loob ng bahay tuloy-tuloy na sa loob ng komedor.
“Mom, dad!” bati niya sa magulang habang nagmamano at humalik sa pisngi ng mga ito.
Nang mapansin ng ama niya ang kasama, nakatitig lang ito sa lalaki. Nang mapansin ito ni Reign, ipinakilala niya ang asawa sa mga magulang.
“ Mom, dad, siya po si Lanz Kristoffer Attienza…” simula niya.
“Oh an Attienza! Kaya pala parang namumukhaan kita hijo. Your Lucio’s son right?”
“Opo. Magandang araw po” bati naman nito.
“Magkakilala pala kayo nitong aming unica hija. Buti naman sinamahan mo siyang dumalaw dito”.
“M-May sasabihin po sana kami”, alanganing singit ni Reign.
“Oh, maupo muna kayo. Ano ba yung sasabihin ninyo?” susog naman ng ina nito.
“Kasal na po kami”
“What?” sabay na sigaw ng kanyang mga magulang.
“Pa’no nangyaring kasal na kayo?” di pa rin makahumang tanong ng kanyang ina. “What about that guy Christian? Wala ka namang nasasabing hiwalay na kayo. Di ba nga umalis ka dito dahil sabi mo naririndi ka na sa paulit-ulit na sinasabi naming hiwalayan mo na yung kumag na yon …” tuloy-tuloy na litanya ng kanyang ina na naputol lang nang biglang tunawa ang kanyang ama na ikinalingon nila.
“You ran away dahil ayaw mong isiniset-up ka sa isang date, umiiwas ka dito dahil ayaw mong ipakasal sa kung sinong di mo kilala. Yet you still married Lanz Attienza. Tell us, pa’no kayong nagkakilala?” nakangiting patuloy nito.
“Christian and I were about to have a civil wedding yesterday, but di niya ako sinipot, then I found out that something’s going on between Christian and Trix. Nakita ko si Lanz tapos inaya kong magpakasal” kabadong paliwanag niya.
“Oh my God Adrienne Carmelle! Anong nakain mo’t nagawa mo yon? Kababae mong tao ikaw pa nagyaya ng kasal sa di mo kakilala?” galit na turan ng kanyang ina.
“Mawalang-galang na po…”
“Darling, calm down”
Sabay pa na sabi ni Lanz at ng ama ng asawa. Nanahimik na lang si Lanz para pakinggan ang sana ay sasabihin ng nakakatanda.
“Hija, do you remember that blind date you refused three times? And one time na pumayag ka, di ka naman sumipot?” tanong nito sa anak saka bumaling sa lalaki “Di ba hijo dumalo ka sa convention sa Cebu last February together with Lucio?” tanong naman nito sa lalaki na sumagot lang ng isang tango.
“So you mean, siya yong ka-blind date ko dapat?” gulat na tanong ni Reign sa ama.
“So ikaw pala yong babaeng pinaghintay ako nag halos tatlong oras” nakangiting turan ni Lanz.
“I’m sorry! Sabi ko naman sayo di ba I had a boyfriend that time.” Paliwanag niya.
“I’ll forgive you, but you still owe me those dates, sweetie” nakangiting sabi nito.
Ngiti lang ang isinagot nag asawa dito saka bumaling sa ama. “Dad, can you do me a favor? Pwede ikaw muna bahala sa office? Since nakaleave naman po si Lanz, magbabakasyon po muna sana kami. Para na rin po magkakilala kami ng lubos”.
“Of course, sweetheart! Sagot ko na rin ang honeymoon ninyo” nakangiting turan nito. “You keep on rejecting those dates yet you still ended up marrying him. Alam na ba ito ng mga magulang mo hijo?”
“Hindi pa po. Bukas pa ang dating nila”
Nagpatuloy sila sa masayang pagkukuwentuhan habang kumakain.
Nagpatuloy sila sa masayang kuwentuhan habang kumakain.
Nung sumapit na ang hapon, nagpasya nang umuwi ng bagong kasal.