Chapter 1: Marrying a Stranger

1250 Words
*Reign's POV* “Babe, can you pick me up here sa office. Masama kasi pakiramdam ko” lambing niya sa boyfriend. “Okay. Deretso na ako dyan babe, pagka-out ko" sagot nito. “Thank you babe. I love you”. The call ended. Wala man lang response sa sinabi niya. Naisip nalang niya na 'di naman tanong ang I love you para sagutin'. After forty minutes, dumating na ang sundo ni Reign. On their way sa apartment na tinutuluyan nito, dumaan muna sila sa fastfood para makapag-take-out nang panghapunan nila. Kitang-kita ng kadarating lang na si Trix sa nakabukas na pinto ng silid ni Reign na sinusubuan ito ni Christian habang nakahiga sa kama nito. Sa iisang apartment lang sila nito nakatira. Pagkapasok nito sa sariling silid, dinig na dinig sa buong apartment ang tila pagdadabog nito sa loob. “Matulog ka na. Saka na ako aalis kapag nakatulog ka na” sabi ng boyfriend niya pagkatapos nitong magligpit ng pinagkainan nila. Nang inakala nitong nakatulog na siya, lumabas na ito. Ilang sandali lang ay narinig na niyang may nagtatalo sa labas habang umiiyak ang bestfriend niya. Dinig na dinig din niyang inaalo ito ng boyfriend hanggang sa may narinig siyang nagbukas-sara na pinto. May naririnig siyang tila mahinang pagtatalo mula sa kabilang silid kaya bumangon siya at lumapit sa dingding na kaugnay ng silid ni Trix. Ilang sandali lang narinig niya ang pag-uusap ng mga ito. “Chris, I need you. I want you. I love you. Talaga bang itutuloy mo ang pagpapakasal ninyo?” dinig niyang tanong ng kaibigan. “Trix, itigil na natin to. Ikakasal na ako at sa bestfriend mo pa”. “Wala na ba talagang atrasan yan”, umiiyak na tanong ulit nito. Umiling lang si Christian sa kausap. “Can I have you now, right here. For the last time?” sabi ng babae bago natahimik ang dalawa. Gusto man niyang lumabas para sugurin ang dalawang taksil sa kabilang silid, ngunit tila mas lalo siyang nanghina sa natuklasan at sa isiping kung ano ang ginagawa ng mga ito sa kabilang silid. Ilang saglit lang ay may naririnig na siyang mga ungol mula sa katabing silid. Di niya namalayang hilam na pala sa luha ang kanyang mga mata. Narinig na lang niyang nagbukas-sara ang pinto ng kabilang silid, saka sunod namang nag bukas-sara ang maindoor. Kinaumagahan, maaga siyang gumising na tila wala nangyari. Wala ang kaibigan niyang ahas na kadalasan ay nauuna pang gumising sa kanya. Kahit mugto ang mga mata, inayos pa rin niya ang sarili at naghanda sa kanyang kasal. Kahit pa man na sa huwes lang ito, gusto niyang maganda siya sa araw na iyon. ‘Sana nga pinagbigyan lang ng boyfriend niya ci Trix. Sana dumating ito sa kasal nila. Sana..’ ang daming sana. Habang papunta sa Huwes, tinatawagan niya ang cellphone ng nobyo. Makailang ulit na siyang tumatawag, ngunit walang sagot. Hanggang sa dumating siya sa labas lang Hall of Justice kung saan sila ikakasal ng Judge. Ilang beses na rin niyang tinitinggan ang oras sa suot na relo at cellphone. Patuloy pa rin niya itong tinatawagan, ngunit ganoon pa rin, cannot be reached pa rin. *Lanz's POV* Samantalang ang lalaking nasa tabi naman niya sa backseat ng Mitsubishi Montero Sports nito ay tahimik din. 'She looked familiar'. Iyon ang una niyang naisip nang lumapit ito sa kanila kanina. Ang ganda nito ay simple pero kapag tinitigan, para kang hinihigop sa kung ano mang mahika. Mukha itong anghel. Makinis ang mga pisngi nitong kasimpula ng mga labi nitong hugis-puso. Expressive ang mga mata nitong namumugto at kitang-kita ang kalungkutan. “Sir, nandito na po tayo”, pukaw ni Vince sa naglalayag nilang mga isipan. Habang naghihintay sa order nila pinag-usapan na nila ang magiging set-up nila. Pagkatapos ng kasal, doon na siya tutuloy sa bahay nito. They’ll have a trial marriage for at least six months. Kapag nagwork ang marriage nila, mabuti, saka na sila nagpapakasal sa simbahan, but if not they will have to wait for another six months saka sila maghihiwalay. Hindi rin nila kailangang magsiping o magtabi man lang sa iisang kama kung di pa siya komportable sa lalaki. “So, bakit mo naisipang magsuggest ng kasal?” biglang tanong ng binata habang kumakain nasila. “I don’t really know what got into me. All I know is that I’m supposed to marry my fiancée today, but last night natuklasan kong pinagtataksilan nila ako ng bestfriend ko. Tinawagan niya ako kanina and told me na magkasama nga sila. So, ‘yon sa galit ko naibato ko iyong phone malapit sa inyo.” “Bakit nga kasal ang naisipang mong isuggest? You could have suggested kung pwede ba kitang maging girlfriend muna, right?” “About that, Im turning thirty few months from now, Hindi ako pamamanahan ng lolo ko pag hindi pa ako nakapag-asawa by that time.” “Desperada ka, ganoon?” “Desperate? No. Pressured maybe. But most likely hurt” malungkot nitong sagot. Teka nga ba’t laging ako na lang. Ikaw ba, ba’t desperado ka kaninang makahanap ng kahit sinong babaeng pwede mong pakasalan?, tanong na lang niya bago pa man pumatak ang luha. “Desperate? No. Pressured maybe. But most likely hurt” malungkot nitong sagot. Teka nga ba’t laging ako na lang. Ikaw ba, ba’t desperado ka kaninang makahanap ng kahit sinong babaeng pwede mong pakasalan?, tanong na lang niya bago pa man pumatak ang luha. “I’m turning turning thirty-two tomorrow and hindi ko makukuha ang ipinamana sa akin ng yumao kong abuelo kung hindi pa ako makakapag-asawa before I turned thirty-two. Mapupunta ang share ko sa charity.” “Sa gwapo mong yan, don’t tell me wala kang naging gjrlfriend?” natigilan siya sa sinasabi nang marealize niya that she’s really implying na gwapo nga ito. Ngumiti naman ito ng pagkatamis-tamis bago sumagot. “Hon, marami naman na akong mga naging girlfriends. But none of them were worthy to be my wife.” Not like you, unang kita palang bumilis agad ang t***k ng puso ko, sa isip niya. Parang nahypnotized si Reign sa mga ngiti nito. Nagulat pa siya nang tawagin siya nitong hon. Hindi niya na napansin na nakatitig na pala siya dito. “Baka malusaw ako n’yan ha? Di pa nga tayo naikakasal” basag nito sa katahimikan niya. “Napakaconceited naman nito. By the way, what do you do? Saan ka nagtatrabaho?”, tanong na lang niya para pagtakpan ang pagkapahiya. “I’m an NBI agent.” “Pa’no ka napasok dyan? Ano bang natapos mo?” “I’m a Law graduate. Nagtapos din ako ng business management and administration. Gusto ng family ko na ako ang humawak ang family business namin. One time, inaya ako ng college friends ko na pumasok sa NBI, mahilig din ako manuod ang action movies like Men In Black, kaya ayon nadala ako. Nag-apply kami hanggang sa makapasok nga. Ikaw naman?”. “Business management and administration graduate din. I managed one of our family business. Ako ang namamahala sa shipping industry.” Masaya pa silang nagkukwentohan habang kumakain. Madali din silang nagka-palagayan kasi pareho silang may sense of humor. Hashtag getting to know each other lang ang peg nila. Eh, ano ngayon? They’re getting married later. Pagkatapos na nilang kumain, bumalik na sila ng Hall of Justice dala ang mga requirements na nakuha na nila para sana sa pagpapakasal sa mga partners nila na hindi sumipot, upang ituloy ang kanilang flash marriage.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD