KASALUKUYANG nagmamaneho si Hestia ngayon gamit ang sasakyan ni Helix. Patungo s'ya ngayon sa mall, nasisiguro n'yang meron doong money changer tsaka maghahanap na din s'ya ng trabaho kahit saan.
Ilang minuto pa ay nakarating na si Hestia sa mall. Agad n'yang pinark ang sasakyan at pumasok doon. Pinagtitinginan s'ya ng mga nakakasalubong n'ya. Napapantastikuhan din s'yang tiningnan ang bawat taong titingin sa kanya. Hindi n'ya alam kung nagagandahan ba ang mga ito, o may dumi s'ya sa mukha?
Whatever.
Nang makapasok s'ya sa mall ay agad n'yang tinanong ang guard kung saan banda ang money changer. Binigyan naman s'ya ng guard ng direksyon at sinunod naman n'ya ito. Ilang minuto pa ng paglalakad ay nakarating na rin s'ya sa wakas, at mukhang s'ya pa lang ang kauna-unahang papasok do'n, wala pa kasing mga tao na magpapapalit ng pera. Nang buksan n'ya ang pintuan ay tumingin sa kanya ang nasa counter.
"Good morning, Ma'am, " bati sa kanya ng babae.
"Good morning, " nakangiting bati n'ya rin dito.
"Ahm, magkano ang palitan ng Euro at Philippine Peso ngayon? " tanong n'ya rito. Ngumiti naman sa kanya ang babae saka itinuro ang T.V na nasa itaas nito saka nagsalita.
"One Philippine peso is equal to 0.018 Euro, Ma'am, " lihim naman s'yang napakagat-labit.
Mierda. Ang baba ng halaga ng pera n'ya.
"Ah, wait, " kinuha n'ya ang wallet na nasa bulsa n'ya at inilabas ang 100 Euro. "Eto, how much? " tanong n'ya sa babae nang mailabas n'ya ang 100 Euro sa pitaka.
"Hmmm, 100 Euro? I'll compute it, Ma'am, wait for a minute, " nakangiting sagot sa kanya ng babae. Ngumiti lang s'ya saka umupo sa upuan na nando'n sa loob. Tahimik lang s'yang nakaupo do'n at piping humihiling na sana ay malaking halaga ang katumbas ng pera n'ya.
"Ma'am, " tawag sa kanya ng babae. Agad naman s'yang tumayo.
"Yes? "
"Your 100 Euro costs 5,494.50 in Philippine Peso, " napangiti s'ya sa narinig. Mabuti naman at umabot ng limang libo ang pera n'ya.
"Okay, I'll take it, " sabi n'ya sa babae. Sinabihan s'ya nito na maghintay pa at ilang minuto lang ay makukuha na nito ang pera n'ya. Tahimik s'yang umupo at parang nagpi-piyesta ang utak n'ya.
Nang makuha na n'ya ang mahigit limang libo n'yang pera ay agad s'yang umuwi sa bahay ng kaibigan n'yang si Helix.
NAKARINIG si Helix ng makina ng kotse na nanggagaling sa labas. Malamang ay nakauwi na ang kaibigan n'ya.
"Helix, I'm here! " malakas na sigaw ng kaibigan n'ya. Hinarap n'ya ito at may ngiti sa mga labi nito.
"I know, alangan naman kasing standee ka lang, diba? " sarkastikong sabi n'ya rito. Hinampas naman s'ya ng dalaga sa balikat.
"You're so mean, Mi Amigo, " naintindihan naman n'ya ang huling sinabi nito. Ang ibig sabihin nito ay my friend.
"Whatever. Ba't ba ang ingay-ingay mo? At mukhang masaya ka ah? " tanong n'ya sa kaibigan.
"Well, my money costs more than 5,000 pesos, Helix! And, because of that, naisip kong ilibre ka ngayon, " nakangiting sagot sa kanya ng dalaga.
"Really? Baka mamaya ako na naman ang pagbayarin mo, eh, " sabi n'ya nang maalala n'ya ang pagbayad n'ya sa mga pinamili nila kanina.
"Nope. Pumayag ka na, pretty please? " pagpapacute pa ni Hestia saka kumapit sa braso n'ya.
"Fine. Sa'n mo naman ako ililibre? "
"Edi sa bar! Alam kong gusto mo do'n dahil maraming chix do'n! " napangisi naman s'ya sa narinig.
"Okay, I'm in, "
"'Yon naman pala, eh! Basta talaga babae ang usapan, ay mapapasama kita, ano? "
"Women are my life, baby, " wika n'ya rito saka ito kinindatan.
"Does that mean that breaking their heart, too is your life? " nakataas-kilay na tanong sa kanya ng dalaga.
"You know why I became like this, right? " oo, alam ng dalaga kung ba't n'ya itinuring na laruan ang mga babae.
"Yeah, right, " sagot ng dalaga. "Anyway, what's our food for this afternoon? " pagiiba nfmg topic nito.
"Ewan ko, Hestia, wala ako sa mood magluto, eh, " sagot n'ya.
"Edi, ako ang magluluto. Mukhang marami naman tayong napamili kanina, eh, "
"At, ano naman ang lulutuin mo? "
"Basta, sa'kin na 'yon, " sagot ng dalaga saka s'ya nito kinindatan at nagtungo sa kusina.
"'Wag mong lagyan ng lason, ha?! " pahabol na sigaw n'ya.
"Gago! " napatawa s'ya nang marinig n'ya ang mura nito.
NAISIPAN ni Hestia na magluto ng La Comida para sa kanilang tanghalian ni Helix. Hindi man sa pagmamayabang eh masarap s'yang magluto, tamad lang talaga s'ya.
La Comida is a large midday meal in Spain. La Comida has several courses, and usually it has five or six choices. Pero dahil tinatamad s'ya, ay apat lang ang gagawin n'ya. Simple lang ang mga putahe na meron ito, dahil nga lumaki s'ya sa Spain. The foods there weren't fancy as what other people think. La Comida has only soup, salad, meat or fish and a dessert, either a fruit or a cheese.
Nag-handa s'ya ng isda, clams, and shrimps. Naisipan n'yang gumawa ng Sopa de Pescado y Marisco. It's a traditional soup sa Spain na hinahanda sa La Comida.
Habang niluluto ang soup, niready naman n'ya ang mga ingredients para sa susunod n'yang lulutuin. Kumuha ulit s'ya ng isda sa refrigerator ng kaibigan. Balak n'ya namang lutuin ngayon ay pescado con salsa de cebolla or Spanish fish with onion sauce. Ang ginamit n'yang isda ay tilapia para mas malasa ito. Kapag white fish kasi, ay hindi masyadong malasa.
Ilang minuto pa ng paghahanda ay sunod n'yang niluto ang cocido madrile or madrilene stew. Paborito n'ya itong lutuin no'ng nasa Spain s'ya dahil malasa ito at madami talagang putahe ang narito. Kagaya na lang ng meats, sausage and garbanzo beans.
Sunod n'yang inasikaso ay ang dessert nila. Ang naisip na lang n'yang dessert nila ay leche flan, tutal leche naman ang kaibigan n'ya.
Joke.
Halos isang oras din s'yang nag-asikaso sa pagkain nila at sa wakas ay natapos na rin! Marami na talaga ang niluto n'ya dahil naalala n'yang hindi pa sila nagaalmusal dahil niyaya n'ya agad itong mag-grocery kanina. Hinanda na n'ya ang hapag-kainan saka tinawag ang kaibigan.