UNANG pinuntahan nila Hestia ay ang Place des Vosges, base on the people that they encountered, it was formerly known as Place Royale. Manghang-mangha si Hestia dahil sa mga bahay na nando'n dahil pare-pareho ang design ng mga ito. Ayon pa sa mga tao doon, it is first city square that was planned by the monarchy. Hindi naman n'ya napigilang mag-picture doon.
"Gusto mong picturan kita ng whole body? " Ashton asked. Tumango s'ya bilang sagot. Kanina pa cold ang pakikitungo n'ya rito dahil nga sa sinabi nito sa kanya.
"Okay, ready.. 1.. 2.. 3.. smile, beautiful! " napangiti naman s'ya sa tinawag ng binata sa kanya. Ilang pictures pa ay umalis na sila doon.
"Inayos mo ba 'yong pag-picture, ha? Baka mamaya malabo 'yong mga 'yon! "
"S'yempre maayos 'yon, bukod sa gwapo ako, magaling din akong kumuha ng litrato. Lalo na kapag ikaw ang kinukuhanan ko. " nakangiting sambit nito sa kanya. Hindi na lang n'ya pinansin ang huling sinabi ng binata.
"So, sa'n na tayo? " tanong n'ya nang mapansing lakad lang sila nang lakad. Madaming tao ngayon, o siguro, hindi lang talaga nawawalan ng tao sa Paris. It was the city of love afterall.
Their next stop is Moulin Rouge. Masaya naman s'ya dahil do'n sila napunta dahil talagang entertainment venue ito. Napag-alaman nilang may musical play na ipinangalan dito. Pagkatapos doon ay kaunting picturan pa saka na sila umalis.
"You hungry? "
"Medyo hehe, " sagot n'ya.
"May restaurant malapit dito, do'n na lang tayo mag-lunch. "
"Lunch? Tanghali na ba? "
"Yup. Six hours ahead tayo sa Pilipinas kaya naman paniguradong hapunan na do'n sa 'tin. Kaya rin siguro nagugutom ka na, " Ashton answered. Tumango-tango na lang s'ya.
Ang dami talagang alam ng lalaking 'yon.
Tama nga si Ashton, may malapit ngang restaurant do'n kaya do'n na sila kumain. Wala s'yang masyadong naintindihan sa menu, kaya ang binata na lang ang pina-order n'ya. Hindi naman din s'ya maarte sa pagkain.
"Are you happy, babe? "
"Super happy! Grabe, first time ko dito sa Paris at excited na akong puntahan ang Eiffel Tower! Mapupuntahan ba natin 'yon ngayon? "
"Sad to say, no. "
"Ahh. Ayos lang 'yon! May 6 days pa naman tayo para puntahan 'yon, eh. Hehe. "
"Hestia, are you okay? "
"Oo naman! Ba't naman ako hindi magiging okay? " tanong n'ya rito saka pilit na tumawa.
"Maybe, because of what I said earl-- "
"Here's your food, Ma'am, Sir. " nagpapasalamat s'ya dahil dumating ang waiter na 'to. Nag-thank you na lang s'ya at nginitian naman s'ya ng waiter.
Infairness, gwapo, pero mas gwapo pa rin si Ashton.
"Do you like him? " tanong ni Ashton na parang nagpahina sa kanyang pandinig.
"Ha? "
"Do you like him? " may diing tanong ulit ni Ashton sa kanya.
"Who? "
"That ugly waiter. "
"Of course not! " ano ba namang klaseng tanong 'yon?
"Then, why did you smile at him? " natawa naman s'ya sa sinabi ng binata.
"Ashton, I just smiled at him. What's wrong with that? Ngumiti lang ako, gusto ko na agad 'yong tao? "
"What's wrong with that? Hah! I don't want you to smile at him like how you smile at me. That smile is mine only. Ayokong may ibang nakakakita n'yan, " sagot nito sa kanya.
"Anong gusto mong gawin ko? Simangutan ko? That's impolite, you know. "
"I don't care. Basta, ayokong ngumingiti ka sa iba kagaya ng pag-ngiti mo sa 'kin. "
"Ano bang pake mo? Eh, diba, you don't like me naman? " hindi na n'ya napigilang sabihin 'yon.
"Basta. "
"Ang labo mo! " sabi n'ya sa binata saka nagsimulang kumain.
Tahimik silang kumakain ng biglang nag-ring ang phone n'ya. She looked at her phone's screen and saw Helix's name.
"Helix? Ba't ka napatawag? " nakita n'yang kumunot ang noo ni Ashton nang magsalita s'ya.
"Where are you, Hestia? Umalis ka na naman ng hindi nagpapaalam, " tanong din sa kanya ni Helix.
"Ahh, nasa Paris ako. Why? May kailangan ka ba? "
"Ano? Bakit nasa Paris ka? " sasagot pa lang sana s'ya sa tanong ng binata kaso kinuha ni Ashton ang cellphone.
"We're on a f*****g date, you motherfucker! " sigaw nito saka in-end ang tawag.
"Why the hell did you do that?! " hindi makapaniwalang tanong n'ya.
"Because, I'm jealous. " pag-amin nito sa kanya. Napapantastikuhan n'ya itong tiningnan.
Ibang klase.
"Hah! That's my bestfriend and you don't have the right to end that call! "
"Diba sabi ko, ayokong nagseselos? "
"Wala kang pake kahit sinong lalaki pa ang kausapin ko, okay? "
"May pake ako! Ano bang sabi ko? You're mine alone! "
"Hindi mo 'ko pagmamay-ari! "
"No! You're all mine! Don't you ever try to oppose me, Hestia! I'm territorial, I don't share what's mine. " may diin nitong sabi.
Hindi na lang ito pinansin ni Hestia dahil paniguradong hindi sila matatapos sa pagbabangayan. Tsaka, nakakahiya sa ibang tao, baka paalisin sila bigla sa restaurant.
Nabibwiset s'ya dahil pinipilit n'yang maging okay, pero tinitrigger talaga s'ya ni Ashton para mainis! Anong akala n'ya? Hindi masakit ang sinabi n'ya kay Hestia?
Napaka-insensitive.
Pagkatapos nilang kumain ay nagsabi na lang s'ya kay Ashton na gusto na n'yang bumalik sa hotel, nagpapasalamat naman s'ya at hindi na s'ya tinanong pa nito kung bakit naisipan n'yang umuwi agad, marahil ay naiinis pa rin ito sa kanya.
Mas inis ako sa kanya!
Ilang minuto pa ay dumating na ang black limousine ni Ashton, siguro nagpasundo ito para makarating sila kaagad sa Hotel. Tahimik lang silang dalawa, walang umiimik, walang nagsasalita.
"Hestia.. " pagbasag ni Ashton sa katahimikan na namumutawi sa pagitan nila. Hindi n'ya ito nilingon.
"Bakit? " tanong n'ya rito na sa labas pa rin ng bintana nakatingin.
"I'm sorry for what I've done earlier, baby, n-nag-selos lang ako, " sagot ni Ashton, binigyan naman n'ya ito ng pagak na tawa.
"P'wede bang tigilan mo 'yang kagaganyan mo? "
"Kagaganto ko? Ano ba ang ginagawa ko? " tanong rin sa kanya ng binata. Tiningnan n'ya ito.
"Tigilan mo na 'to, Ashton. I don't want to play your games anymore, " madiin ang pagkakasabi n'ya sa mga katagang 'yon.
"Who says we're playing? " hindi na s'ya naka-sagot pa nang tumigil ang limousine sa Hotel na tinutuluyan nila. Nauna na s'yang mag-lakad ay hindi na hinintay pa si Ashton. Alam naman n'ya ang room number nila at may susi rin s'ya no'n. Dire-diretso s'yang pumunta sa higaan at doon dumapa.
"I hate you, Ashton! I hate you! " sigaw n'ya habang nagpapapadyak na parang nagmamaktol na bata.
After this one week vacation with her boss, she will immediately file a resignation letter. Hindi na n'ya kaya ang tumutubong pagmamahal n'ya para sa binata. Obvious naman na pinaglalaruan lang s'ya nito at sinabi na nito sa kanya, hindi s'ya gusto nito. Ayaw n'yang mahulog pa sa patibong ng binata, kung patibong nga ito. Hindi n'ya rin maintidihan si Ashton kung bakit ginagawa n'ya ito sa kanya? Bakit s'ya nito laging niyayayang makipag-date? Bakit lagi s'ya nitong hinahalikan? Bakit sa tuwing nagtatalik sila ay pakiramdam n'yang hindi lang 'yon basta s*x? At higit sa lahat, ba't naman s'ya gagastos ng pagkalaki-laking pera para lang i-date s'ya sa Paris?
Napasabunot s'ya sa sariling buhok. Naguguluhan na s'ya, hindi na n'ya alam kung ano ba ang dapat n'yang maramdaman!
"Peste ka, Ashton! Ba't mo ba ako ginugulo nang ganito?! "