MATAPOS s'yang iwan ng dalaga sa limousine n'ya, ay kinausap n'ya ang management ng Hotel na tinutuluyan nila na mag-handa ng romantic dinner date para sa kanilang dalawa. Inutos n'yang dapat ito ay perpekto, dahil 'yon ang way n'ya sa pag-suyo sa dalaga.
Ashton wants to admit that he's wrong. Mali n'ya naman talaga 'yon dahil nagpa-dala s'ya sa selos n'ya. Paano ba namang hindi s'ya magseselos, eh sa t'wing kausap ni Hestia ang kaibigan n'ya ay laging masaya ito, at kung minsan pa ay may sweet side ito na ang Helix lang na 'yon ang nagpapalabas! Madalas naman kasi s'yang sungitan ng dalaga, dahil daw sa kayabangan n'ya. Well, hindi naman s'ya magyayabang kung wala s'yang maipag-mamayabang. Bigla naman n'yang naalala ang waiter sa restaurant na kinainan nila kanina. Nainis s'ya rito dahil kung makatingin kay Hestia ay parang hububaran na 'to. Ayaw n'yang may tumitingin ng ganoon kay Hestia, s'ya lang ang dapat gumagawa no'n sa dalaga. S'ya lang dapat ang nagpapatawa, nagpapangiti, at nagpapapula sa pisngi nito. Ayaw n'yang may ibang gagawa ng mga 'yon kung hindi ay baka sapian na naman s'ya ng pagiging seloso n'ya.
Nang makausap na n'ya ang buong management patungkol sa dinner date nila ni Hestia mamaya, ay agad na s'yang nag-tungo sa Hotel Room nila. Habang nasa elevator s'ya ay pinagtitinginan s'ya ng kababaihan. Ang iba pa rito ay bumubulong na hindi n'ya naman masyadong naintindihan dahil wala s'yang alam gaano sa wikang French.
Sorry girls, my heart belongs to Hestia already. To Hestia, only.
Napangiti at napailing-iling na lang s'ya sa naisip. His heart is owned by his secretary, kahit pa hindi n'ya alam kung may nararamdaman din ito sa kanya. Nararamdaman n'ya naman na meron na s'yang puwang sa puso nito, na nakapasok na s'ya sa masungit nitong puso, pero hindi n'ya alam kung katumbas ba 'yon ng nararamdaman n'ya. Kaya nga plinano n'ya itong one week date in Paris nila para makuha nang tuluyan ang puso ng dalaga. At alam n'yang konti na lang, makakamit na rin n'ya ang puso nito.
Maya-maya ay nakarating na sa floor nila ang elevator kaya naman ay umalis s'ya roon, at baka malaman pa ni Hestia na pinaguusapan s'ya ng mga babae, ayaw n'yang bigyan ng dahilan ang dalaga para mag-selos. Gusto n'yang patunayan dito na sa kanya lang ang puso n'ya at wala nang makakakuha pa no'n mula sa dalaga.
Nang makarating na s'ya sa hotel room nila ay laking pasasalamat n'ya dahil hindi naka-lock ang pinto. Baka kasi sa sobrang galit ng dalaga sa kanya ay pinaglock-an s'ya ng pinto.
"Hestia? "
Hindi sumagot ang sekretarya n'ya kaya lumapit na s'ya rito. Tinitigan n'ya ito, mukhang napagod ito sa pagpipicture at paglilibot kanina. Dinagdagan pa ng pagtatalo nila, napabuntong-hininga na lamang s'ya.
"I'm sorry, mon amour, " wika n'ya habang hinihimas-himas ang ulo nito. Nagpalit s'ya ng damit saka humiga katabi ng dalaga, medyo napagod din s'ya sa pagkuha ng mga litrato nito.
Tired, but seeing those smiles of Hestia is enough to disappear the tireness that I feel. Tired, but worth it.
NAGISING si Hestia at halos malaglag s'ya sa higaan nang makita ang mukhang nasa harapan n'ya. Hinawakan n'ya ang pisngi nito.
"Bakit ba hindi mo ako magustuhan? " tanong n'ya rito. Pipi s'yang humiling na sana nga ay totoong tulog ito at hindi nagpapanggap lang dahil ayaw n'yang marinig ng binata ang mga sasabihin n'ya.
"Am I not beautiful? Hindi ba kita nasa-satisfy? " nangingilid ang luhang tanong n'ya sa binata.
"Lagi mo 'kong sinasabihan ng beautiful, pero hindi mo 'ko magustuhan. " malungkot na dagdag n'ya.
"I like you, Ashton, but it seems our feelings aren't mutual. "
Napabuntong-hininga s'ya dahil sa kanyang sariling sinabi. Parang tinutusok na naman ang puso n'ya, bumabalik sa kanya ang sinabi ni Ashton.
"Hestia.. I don't like you. "
Bumangon na s'ya at diretsong nagtungo sa banyo. Tiningnan n'ya ang sarili sa salamin.
"Maganda naman ako, ah? Sexy din naman, eh bakit hindi n'ya pa rin ako magustuhan? Dahil kaya do'n sa babaeng kasama n'ya sa coffee shop? Pasabi-sabi pa s'yang friends lang sila, hmp! " parang tangang pagkausap n'ya sa sarili. Nag-hilamos s'ya saka lumabas ng banyo. Nakita n'yang wala na si Ashton sa higaan nila.
Ang bilis naman n'yang magising.
Bulong n'ya sa kanyang isip. Sabagay, nagtagal pa s'ya sa banyo dahil sa pagkausap n'ya sa sarili. Dahil kay Ashton ay nagagawa na n'yang kausapin ang sarili na dati ay hindi n'ya naman magawa!
Epekto nga naman talaga ng lalaking 'yon.
Naglakad s'ya patungo sa sofa na kinainan nila, at mabuti naman ay may pagkain na ro'n. Kumakalam na kasi kaagad ang sikmura n'ya. Habang kumakain s'ya ay may napansin s'yang maliit na papel sa gilid ng plato. Kinuha n'ya 'yon saka binasa.
'Hi, beautiful! Sorry kung hindi na ako nakapag-paalam na aalis ako, ah? Sana nakakain ka na d'yan, and also wear the red dress and black stilletos there. Meet me at the lobby at exactly 6:00 pm. Je t'aime, mon amour. '
Ayan ang nakalagay sa sulat. Je t'aime? What does that mean? Ang mon amour ay naintindihan n'ya, dahil na rin siguro sa amour na ang ibig sabihin ay 'love'. Napailing na lamang s'ya saka tiningnan ang red dress na nakahanda at black stilletos.
"Ano na naman kayang balak no'n? " tanong n'ya sa sarili. Inubos na lamang n'ya ang tinapay saka humiga sa sofa. Wala s'yang cellphone dahil hindi pa binabalik ni Ashton 'yon sa kanya.
"Boriiiiing. " mahabang sabi n'ya. Tiningnan n'ya ang wall clock at 4:45 pa lang!
My goodness, anong gagawin ko? Hays.
Wala na s'yang ibang nagawa kundi tumunganga do'n habang hinihintay mag-alas singko dahil 'yon ang oras na target n'ya para sa pag-aayos. Nang pumatak na ang orasan sa 5 ay agad na s'yang nagtungo sa banyo saka naligo. Natagalan pa s'ya sa CR dahil iniisip n'ya kung ano na naman ang pakulo ni Ashton. Nang magsawa na s'ya kakaisio ay lumabas na s'ya ng banyo saka nagbihis. Nagpabango rin s'ya, baka sakaling magustuhan na s'ya ni Ashton. Inilugay lang n'ya ang medyo may kahabaan n'yang buhok. Nag-apply din s'ya ng red lipstick sa labi.
"O, 'diba ang ganda ko? Pero, 'di naman ako magustuhan ni Ashton, " wika n'ya habang nakatingin sa kanyang replika sa salamin. Kinuha n'ya ang purse n'ya at sakto namang may kumatok sa labas ng pintuan.
"Mr. Ashton wants me to escort you, Madame. " nginitian na lang n'ya ito. Sumunod na lang s'ya sa lalaking sumundo sa kanya at nang mapansin n'yang hindi pamilya ang lugar na tinatahak nila ay nagtanong na s'ya.
"Ah, excuse me, where are we going? "
"Just follow me, Madame, " sagot nito sa kanya. Tumango na lang s'ya. Wala naman sigurong gagawing masama sa kanya ang lalaki. Maya-maya pa ay nakarating sila sa isang garden. Ang garden ay puno ng mga fairy lights, ang daan ay puno ng petal ng rosas. Tiningnan n'ya ang lalaki ngunit wala na ito. Iniwan na siguro s'ya. Naglakad s'ya sa daan na puno ng rosas, sinundan n'ya ang direksyon na 'yon at dinala s'ya nito sa isang bahagi ng garden.
"Wow! " 'yon lang ang nasabi n'ya. Naupo na s'ya sa upuan na naroon. May naka-handa kasing lamesa at dalawang upuan sa bahaging iyon ng hardin.
Ashton, ano na naman bang pakulo 'to?
Maya-maya pa ay may tumugtog na violin 'di kalayuan sa kanya.
"Nagustuhan mo ba, mon amour? " napatingin s'ya sa nagsalita.
"Ashton! " masayang tawag n'ya sa pangalan nito.
"Ano na naman ba 'to? " tanong n'ya rito.
"My peace offering? " patanong na sagot nito sa kanya. Natawa na lang s'ya rito. Maya-maya pa ay may nag-serve sa kanila ng kakainin nila. Nagsimula na silang kumain, at nang matapos ay tumayo si Ashton at naglahad ng kamay sa harap n'ya.
"Shall we dance? " tanong nito sa kanya. Tinanggao n'ya ang alok nito kahit kakatapos pa lang nilang kumain.
"Ikaw talaga, ang dami mong pakulo, " saad n'ya sa binata habang nagsasayaw sila.
"Peace offering ko 'to dahil sa ginawa ko kanina sa restaurant. I'm sorry Hestia for what I've done, it's just that jealousy disseminated all over my body. Ayaw ko kasing nakikita kang tumatawa at nakangiti ng dahil sa iba. "
"Ashton, bakit mo ba ginagawa 'to? Ano ba ang ibig sabihin nitong ginagawa mo? Kasi, naguguluhan na ako. Pinaglalaruan mo lang ba ako? " tanong n'ya sa binata.
"No, Hestia. Hindi kita pinaglalaruan. "
"Eh, ano 'to? Sabi mo, hindi mo 'ko gusto, pero ginagawa mo 'to. Pinapaasa mo lang ba ako? Kasi kung oo, please Ashton, itigil mo na. " may bahid ng pagsusumamong saad n'ya dito. Imbis na sagutin s'ya ng binata ay niyakap lang s'ya nito saka bumulong.
"Je t'aime, mon amour. Je t'aime tellement. "