KASALUKUYANG naghihintay si Hestia sa labas ng building ng masasakyan na taxi. Pinauwi s'ya ng boss n'ya nang maaga, hindi n'ya alam kung bakit.
Tch. Baka makikipagkita do'n sa babae n'ya?
Habang naghihintay s'ya ay may huminto na itim na kotse sa harap n'ya. Hmm, parang kotse ito ni Ashton ah?
"Hop in, baby, " wika nito sa kanya nang ibaba ang bintana ng sasakyan. Hindi n'ya ito pinansin, at kunwari ay wala s'yang narinig.
"C'mon, Hestia, tara na, ihahatid na kita. "
Hindi n'ya pa rin ito pinapansin, maya-maya pa ay umalis na ang kotse. Mabuti naman dahil ayaw n'ya talagang sumama kay Ashton dahil naiinis pa rin talaga s'ya rito.
"AHHHHH! " sigaw n'ya nang maramdaman n'yang may bumuhat sa kanya mula sa likod.
"ANO BA?! IBABA MO NGA AKO! " inis na singhal n'ya sa bumuhat sa kanya. Sa pabango pa lang ng lalaki, ay alam na n'ya kaagad kung sino ito.
"PESTE KA TALAGA! IBABA MO SABI AKO, EH! " pero hindi s'ya pinansin nito. Ang buhat sa kanya ng lalaki ay parang sako ng bigas!
"ASHTON ANO BA?! " wala na s'yang pake kung pinagtitinginan s'ya ng mga tao, ba't s'ya mahihiya, aber?
"There you go.. " sabi ni Ashton nang maipasok na s'ya sa kotse.
"Ano bang problema mo, ha?! " inis na taong n'ya rito.
"As far as I can remember, ikaw ang may problema. Jealousy is a problem, babe, " saad nito saka s'ya binigyan ng nakakalokong ngiti.
"Sabing hindi ako nagseselos, eh! "
"Don't deny it, babe, but it's okay. Normal lang ang magselos, sa gwapo ko ba naman, talagang maraming lalapit sa 'kin na mga babae, pero kahit ga'no pa sila karami ay ikaw pa rin ang gusto ko. " hindi n'ya mapigilang mamula sa sinabi ng boss n'ya.
"Bwiset ka pa rin! " tanging nasambit na lang n'ya. Nagsimula nang i-start ni Ashton ang engine ng sasakyan.
"Sa'n ba tayo pupunta? " she asked.
"It's a surprise, babe, " Ashton said and winked at her. Inirapan n'ya lang ito. Siguraduhin n'ya lang na matutuwa s'ya sa surprise nito dahil kung hindi baka habang-buhay na n'ya itong hindi pansinin.
Maya-maya pa ay nakarating na sila sa airport.
"Ashton, why are we here at the airport? "
"Because.. " tinitigan n'ya ito at hinintay ang kasunod na sasabihin nito. ".. we're going to Paris, France! " OMG! Paris, France is one of her dream place! Oo nga at nasa Europe lang din ito gaya ng Spain, pero hindi n'ya ito mapuntahan dahil busy s'ya sa pagpapatakbo ng kumpanya.
"So, let's go? "
"Eh, teka, wala akong damit? Wala din akong dalang pera. "
"That's not a problem, babe, it's all mine. " napangiti naman s'ya sa sagot nito sa kanya. Kahit papaano ay nawala na ang inis n'ya rito. Mga 1% na lang ang inis na nararamdaman n'ya.
They started walking through the airport and she can't stop smiling because of what Ashton did. He just interwined their hands!
Sinalubong sila ng isang babae sa eroplano at mukhang may gusto ito sa boss n'ya. Tss. Ayaw n'yang masira ang araw n'ya kaya naman hinayaan n'ya lang ito.
"Hinuhubaran ka na ng babae kanina eh, sa titig pa lang n'ya, " sabi n'ya kay Ashton nang makapasok sila sa eroplano. Mukhang private plane ang gamit nila dahil silang dalawa lang ang naroon.
"Hanggang titig lang naman s'ya, eh. "
"Gustong-gusto mo ding tinititigan ka ng mga babae eh, 'no? "
"Nope. Actually, na-awkward-an nga ako, eh. But, as time goes by, medyo nasasanay na. Masanay ka na din, dahil gwapo ako. "
"Yeah right. "
AFTER an almost 14 travel hours ay nakarating na sila sa Paris France. It took them 14 hours only because they're using a private plane and they don't need to stop over.
"Wow, totoo ba 'to? Nasa Paris tayo?! " hindi makapaniwalang tanong ni Hestia kay Ashton. Ashton nodded at her as an answer. Maya-maya pa ay may tumigil na itim na limousine sa harap nila.
"No way.. " bulong ni Hestia. Hindi pa rin s'ya makapaniwala. First, she's in Paris, France. Second, she'll be riding a black limousine for Pete's sake!
Ganto ba talaga kayaman si Ashton?
"Sakay na tayo. " nakangiting sabi sa kanya ng boss n'ya kaya sumunod na lang s'ya.
"Grabe ka, Ashton! Gan'to ka talaga kayaman? "
"Pinag-ipunan ko 'to 'no, bata pa lang kasi ako pangarap ko na ang magkaroon ng black limo, so I promised to myself that I will buy one for myself. " napatango-tango na lang s'ya.
Kaya n'ya rin namang makabili ng limo, but she chose not to kasi masyadong mahal and she's a busy woman afterall. Ilang minuto pa ay tumigil sila sa isang magarang hotel. She's like living in her dreams!
If it was a dream, sana 'di na ako magising.
Kinausap ni Ashton ang lalaki sa limousine, hindi n'ya ito naintindihan dahil wikang french ang gamit nila.
"Je vous remercie. " 'yan ang sabi ni Ashton sa lalaki. Thank you.
"Ano daw 'yong sabi? " tanong ko.
"Inutusan ko s'yang dalhan ka ng mga damit na gagamitin mo bukas, 7 pm na ngayon dito sa France, so ayos lang ba kung bukas na tayo mamasyal? "
"Of course! " masayang sagot ni Hestia. Excited na talaga s'ya para bukas. Nang makarating na sila sa hotel room nila ay nagtaka s'ya dahil iisang room lang sila.
"Iisang room lang tayo? "
"Yes. Ano naman kung iisa lang tayo ng kwarto? Nagawa na rin naman natin 'to noon ah, do'n sa private beach resort ko tapos-- " hindi na pinatapos ni Hestia ang boss n'ya saka diretsong pumasok sa room.
Kailangan ba talagang ipaalala 'yon? Tch.
Ilang oras pa ang nakalipas ay dumating na rin ang kakainin nila for dinner, kasabay din nito ang mga pinabili ni Ashton do'n sa lalaki kanina.
"Ang dami naman nito, Ashton. Ilang araw ba tayo dito? " tanong n'ya sa boss n'ya. Ang dami kasing pinamili sa kanya ni Ashton.
"We're staying here for one week. " nanlaki ang mata n'ya sa sinagot ng binata.
"Really? Omg! Pero, paano pala ang mga meetings mo? Ang dami mong kinansela na meetings yesterday para lang dito, baka malugi ang kumpanya mo. " nag-aalalang wika nito sa binata.
"I cancelled all my meetings yesterday because of some stupid management. Tsaka, 'di naman gano'n ka-importante ang mga 'yon. Mas importante ka kaysa sa kanila. " pakiramdam n'ya ay nag-init na naman ang pisngi n'ya dahil sa sinagot ng binata.
Nag-shower na s'ya saka sinuot ang pajama na binili ni Ashton para sa kanya. Sunod namang nag-shower si Ashton, lumabas ito ng nakaboxer lang.
"Pwede bang magt-shirt ka? "
"Why? Naaakit ka sa abs ko? "
"Asa ka! "
"Deny pa, Hestia. " natatawang sabi nito sa kanya.
Natulog na lang s'ya at hindi pinansin ang binata. Kailangan n'yang mag-beauty rest para sa pag-gala nila sa Paris bukas.
Excited na ako!