IT'S been a month since Hestia worked at AshBerg Breweries Incorporation as a secretary of his "mahangin" na boss. Marami rin s'yang nalaman kay Ashton, dahil na rin sa pabigla-biglang pag-aya nito sa kanya ng date. Never s'yang nakipag-date kahit kanino, kahit noong marami pang nanliligaw sa kanya sa Spain. For her, dates are just a waste of time, pero look at her now, pumapayag makipag-date sa boss n'ya, wala naman din kasi s'yang magagawa. Katulad ngayon, dinala s'ya ng binata sa isang private beach resort na pagmamay-ari nito, at aaminin n'yang nahuhulog s'ya rito dahil sa mga ginagawa nito sa kanya.
"Hestia, ano bang ideal man mo? " napatingin s'ya kay Ashton. Narito sila sa tabing-dagat, nakatingin sa kawalan.
"Hmm, katulad ng ibang babae, ang ideal man ko lang naman ay 'yong mabait, matalino, magalang, gwapo at s'yempre 'yong mamahalin ako ng buong-buo. Ayoko 'yong ginagago ako, " sagot n'ya. Nakita naman n'yang napatango-tango ang lalaki. Hindi n'ya alam, pero may nagtulak sa kanya na tanungin rin ang binata.
"Ikaw? Ano ang ideal woman mo? " Ashton looked at her eyes, na para bang may sinasabi ito.
"Ikaw. "
"H-ha? " pagtatanong n'ya dito, baka pinaglalaruan lang s'ya ng tenga sa kanyang narinig.
"Wala haha. Tara na, kumain na tayo, " pakiramdam n'ya ay bumagsak ang balikat n'ya dahil hindi na nito inulit ang sinabi.
'Wag kasing umasa, Hes.
Tumayo na s'ya saka nagsimulang maglakad. Sa totoo lang, sa loob ng isang buwan hindi na n'ya maitatanggi na nagugustuhan n'ya ang binata. Oo, masyadong mabilis, pero like pa lang naman 'yon, hindi pa love.
Anong hindi pa?
Hindi n'ya hahayaan na mahulog ang puso n'ya sa binata, lalo na't mukhang pinaglalaruan lang naman s'ya nito. Nang makarating s'ya sa tinutuluyan nila ay nakahain na ang mga pagkain. Ilalamon na lang n'ya ang iniisip n'ya ngayon.
"Gutom na gutom, ah? Sa susunod sabihin mo agad kapag nagugutom ka, " hindi n'ya pinansin ang binata, kumain lang s'ya nang kumain.
HE just looked at the woman in front of her. Pinagmasdan ni Ashton si Hestia habang kumakain, grabe, ang payat-payat na babae, pero ang lakas lumamon. Nang matapos ng kumain si Hestia ay agad itong tumayo at nagtungo sa kwarto n'ya. Sa loob ng isang buwan, may kakaiba s'yang nararamdaman para sa dalaga, he's not really into dates, si Hestia lang ang inaya n'yang i-date, kumain sa labas, at dalhin dito sa beach resort n'ya. Hindi n'ya alam kung bakit, maybe because he likes her? No.. scratch that, he's falling for her, at hindi s'ya papayag na s'ya lang ang nakakaramdam n'on. Niligpit na n'ya ang kinainan nila ni Hestia, oo kumain s'ya, pero hindi kasing dami ng kinain ni Hestia. Pagkatapos n'yang maghugas ay nagtungo s'ya sa kwarto ni Hestia ba may dala-dalang beer. Kinatok n'ya ang pinto ng kwarto ni Hestia.
"Pasok! " rinig n'yang sigaw ni Hestia mula sa loob kaya naman ay pumasok na s'ya. Nang makita n'ya si Hestia ay parang mabibitawan n'ya ang beer ba dala-dala n'ya. Hestia is wearing a red two-piece!
"M-magsi-swimming ka? " f**k, ba't ba s'ya nauutal?!
"Ah, oo sana, eh. Ikaw? Anong ginagawa mo rito at ano 'yang dala mo? "
"Yayayain sana kitang uminom, "
"Uminom? Parang mas magandang gawin 'yan ah! "
"Eh, pa'no 'yong swimming mo? You want to swim, right? "
"Mamaya na lang. Mahaba pa naman ang oras, " nakangiting sagot sa kanya ng dalaga. That smile that makes his heart beat faster than its normal rate.
Napatango-tango na lang s'ya, nagpaalam naman sa kanya si Hestia na magbibihis lang s'ya, gusto n'ya sanang pigilan ang dalaga, pero hindi na n'ya nagawa. Umupo na s'ya sa sofa na nandon sa kwarto ni Hestia, at inilapag ang beer sa center table.
Maya-maya pa ay lumabas na si Hestia sa bathroom saka lumapit sa kanya.
"Ba't mo naman naisipang uminom? May problema ka ba? "
"Wala ah, gusto ko lang mag-inom, " he answered honestly.
They started talking and drinking, hindi n'ya akalain na malakas din palang uminom ang dalaga.
"So, bakit AshBerg Breweries Incorporation ang pangalan ng kumpanya mo? " she asked habang nakatitig sa kanya.
"Uhm, Ash from my name Ashton, and Berg from the word iceberg. I want my company will make an impact to my rivalries. Parang 'yong epekto ng iceberg sa barko na Titanic, "
"Gan'on? Ang talino mo naman hehe, " mukhang lasing na ang dalaga dahil namumula na ito tapos bungisngis pa nang bungisngis.
"Ikaw? Ba't ka nag-apply sa company ko? "
"Uhm, kasi, ano.. bakit nga ba? Hehehehehe, " napangiti naman s'ya sa kacutean nito.
"Hindi ka lang pala maganda, 'no? Cute ka rin, "
"Oo naman, I'm the cutest in the whole wide woooooorld, "
"Yeah, you are, "
"Ashton, nagkagirlfriend ka na ba? " napatigil naman s'ya sa pagtawa.
"Hindi pa, fling lang, "
"Ay, playbooooy! " sigaw nito. Halatang lasing na talaga.
"Katulad ka lang pala ni Helix, eh, " para namang nagpantig ang tenga n'ya sa sinabing pangalan ni Hestia.
"Helix? Who is he? Your boyfriend? " sunod-sunod na tanong n'ya. Biglang nag-init ang ulo n'ya sa isiping baka nobyo nga iyon ng dalaga.
"Hahahahahaha! Kalmaaaa, mahina ang kalaban boss, "
"Eh, sino nga 'yon? " bakas na sa tono ng pananalita n'ya ang inis. Kaya ba s'ya laging sinusungitan nito dahil may boyfriend na ito?
Hindi ako papayag.
"Galit na galit, ah? Selos ka? Hahahahaha! " f**k! Nagseselos nga ba s'ya? Never pa s'yang nagselos sa buong buhay n'ya kaya imposible ang binibintang sa kanya ni Hestia.
"Lasig ka na, magpahinga ka na muna, " alok n'ya sa dalaga.
"Sinong lashiiiing? Ako? Baka ikaw! Hahahaha! " argh. Binuhat na s'ya ni Ashton at saka naglakad papunta sa kama ni Hestia.
"Ano ba? Hindi pa ako lashing, okay? I'm good! " napailing-iling na lang ang binata.
"Alam mo, gwapo ka sana, eh, kaso ang hangin mo! " napakunot-noo naman s'ya. Mahangin? Pa'no s'ya naging mahangin?
"Feeling mo ang gwapo gwapo mo! Pero, tama naman 'yong feeling mo, eh, so, ibig sabihin, you are feeling well hehehehehehe, " my sense of humor pala si Hestia kahit papa'no, akala n'ya puro pagsusungit lang ang alam nito, eh.
"Ashton.. "
"What? "
"Kiss me.. " bahagya s'yang nagulat sa sinabi ni Hestia, pero umiling-iling lang s'ya.
"Lasing ka lang, Hestia, " sabi nito saka inilapag ang dalaga sa higaan nito.
"Promise 'di na ako mahihimatay kapag nakita ko ulit 'yong ano.. 'yong ano hehehehe, "
"Hindi, lasing ka lang kaya mo nasasabi 'yan, "
"Ayaw mo? Edi, ako na lang, " at bago pa s'ya makapagsalita ay sinakop na ng labi ng dalaga ang kanyang labi.
Fuck!