MATAPOS ang coffee date nila Mrs. Monteverde at Hestia ay bumalik s'ya agad sa Hotel at nagpunta sa kaibigan n'yang si Helix. Habang nasa elevator ay hindi n'ya maiwasang isipin ang mga pinag-usapan nila ng Mom ni Ashton. Hindi n'ya maintindihana ng winika ng Ginang kanina na may rason ang anak n'ya kaya n'ya 'yon sinabi sa kanya. Aasa na naman ba ako? Napabuntong-hininga naman s'ya, sa sobrang pagka-lutang n'ya ay hindi n'ya namalayang nakarating na s'ya sa 8th floor kung saan nando'n ang kwarto ng kaibigan n'ya. Binuksan n'ya 'yon at good thing dahil hindi iyon naka-lock. Nang makapasok s'ya sa kwarto ay agad na hinanap ng mata n'ya ang kaibigan ngunit wala ito roon. Nasa'n naman kaya 'yon? Naupo na lang s'ya sa couch saka tiningnan ang cellphone n'ya. Nanlumo s'ya nang makitang wa

