"EXCUSE ME DIN PO, " ani ni Hestia sa kanyang Papá at sa magulang ni Ashton saka tumayo at sinundan ang binata. Hindi s'ya makapaniwala na ang lalaking mahal n'ya ang mapapangasawa n'ya! Patakbo s'yang lumabas ng restaurant at agad na hinanap ng kanyang mata ang binata. Luckily, nakita n'ya agad ang binata bago pa man ito makasakay sa itim na kotse. "Ashton! " tawag n'ya sa pangalan nito, Ashton looked at her, lumapit s'ya rito at do'n n'ya nakita ang mga mata nitong nakatingin sa kanya, those eyes, they are emotionless. "What do you need, Hestia? Or, should I say, Miss Garcia? " tanong sa kanya ni Ashton, dahilan para umiwas s'ya ng tingin. Nakagat n'ya ang kanyang labi dahil sa huling sinabi ng binata. "A-Ashton, I didn't mean to lie, I have my reasons. Please, hear me out first,

