"WELCOME back to your second home, Hermosa! " masayang sigaw ni Helix kay Hestia at mabilis na niyakap ang kaibigan. Hermosa = Beautiful.
"Gracias, gracias! " thank you, thank you!
"So, why did you come here in the Philippines all of a sudden, Hes? " tanong nito.
"Mamaya ikikwento ko, sa ngayon, gusto ko munang magpahinga, tara na sa bahay mo, " pag-aaya nito sa kaibigan dahil may kaunging jet lag pa ito.
"Okay, " maikling sagot ni Helix.
"What do you want to eat, lady? " tanong ni Helix sa kanya.
"Why? Would you cook for me? " Hestia asked.
"Oo, dahil ngayon ka na lang ulit nakapunta ng Pilipinas, "
Tila nabuhayan naman ang dalaga at nawala ang jet lag nito.
"Hmmm, I want caldereta! " she answered full of excitement.
"Okay, now rest, " ani ng binata kaya agad naman iyong sinunod ni Hestia.
Ilang minuto pa ay naramdaman ng dalaga na huminto ang kotse na kanyang sinasakyan, marahil ay nakarating na sila sa bahay ni Helix.
"Let's go, para makapag-pahinga ka na, " wika ng binata saka s'ya iniwan sa loob ng kotse.
Napaka-gentleman talaga. sarkastikong bulong n'ya sa isip.
Lumabas na s'ya sa kotse at pumasok sa bahay ng kaibigan.
"Grabe, sa loob ng pitong taon, wala man lang nabago sa bahay mo? " aniya.
"Ayaw ko kasing ipabago, pake mo ba? " masungit na sambit ni Helix sa kanya.
"Aba'y kaibigan mo lang naman ako, 'no, " sambit n'ya rin saka ito inirapan.
"Irap-irap ka pa, 'di kita lutuan ng caldereta d'yan, eh, " napapitlag naman s'ya ng marinig n'ya 'yon.
"Hehehehehe 'to naman si Helix oh, masyadong seryoso. Joke lang ang pag-irap ko 'no, hehehehe, " patawa-tawang wika n'ya, ".. anghangan mo, ha? Hehehe, " pahabol n'ya pa saka nagpunta ng kwarto ni Helix.
Makahiram nga muna ng damit.
Kinalkal naman n'ya ang damitan ni Helix do'n at 'di naman s'ya nahirapang makahanap ng susuotin n'ya. Pagkatapos n'yon ay humiga s'ya sa kama ng binata at saka tuluyang umidlip.
----
Nagising si Hestia sa mabangong amoy ng calderat. Dali-dali naman s'yang bumangon at bumaba. Saglit s'yang napatingin sa labas at napagtantong magdidilim na pala.
"Hoy, Helix, ambango! Ibang klase na talaga ang talento mo sa pagluluto, grabe, biruin mo 'yon? Natutulog ako ta's nagising lang ako sa amoy ng caldereta mo, " tuwang-tuwa na sambit n'ya.
"P'wede bang magsabi ka na lang ng thank you nang wala ng ganyan? Tss, " iritang wika ng lalaki.
"'Eto naman! Ang sungit mo talaga kahit kailan, "
"Whatever, "
"But, anyway, thank you! You're the best best friend ever! Mwah! " sabi pa ni Hestia at nagbigay pa ng flying kiss sa binata.
"Mandiri ka nga, Hestia, tsk, " umalis naman ang binata na ikinahagalpak n'ya ng tawa.
Wala namang malisya sa kanilang dalawa ang mga galawang gano'n, dahil normal na 'yon para sa kanila.
Nang matapos na n'yang ubusin ang caldereta na inihain sa kanya ni Helix ay iniligpit naman n'ya ang kinainan n'ya at hinugasan ito.
Maya-maya pa ay nagpunta si Helix sa gawi n'ya.
"Hestia.. " tawag nito sa kanya. Napalingon naman s'ya kaagad dito.
"O, bakit? " tanong n'ya.
Ipinakita naman sa kanya ng binata ang mga missed calls at texts ng kanyang ama.
"Don't mind him, " 'yon na lang ang nasabi n'ya. Tila nawala na naman s'ya sa mood nang maalala ang argumento nilang mag-ama kanina.
"Ano ba kasi ang dahilan kung bakit umalis ka sa Spain at iniwan mo ang Garcia Brewing Company? " tanong ni Helix sa kabigan.
"I'll tell you, later, " ngumiti si Hestia bago n'ya talikuran ang kaibigan at ipinagpatuloy ang paghuhugas ng kinainan n'ya.
MATAMAN tiningnan ni Helix ang kaibigan n'yang si Hestia. Tanaw n'ya ang kaibigan mula sa sala at pinagmasdan n'ya ito nang mabuti. Hestia has these long hair, tanned skin, and coca-cola body. He just smiled. Bakit nga ba hindi n'ya naisipan na isama ito sa mga koleksyon n'ya ng babae? Ah, oo nga pala, kapatid ang turing n'ya rito, oo maganda at sexy ang dalaga, pero hindi ito ang kanyang tipo.
"Baka matunaw ako n'yan, ha? " napakurap s'ya nang hindi mamalayang nakalapit na pala ang kaibigan n'ya.
"Bakit? Ice cream ka ba? " tanong n'ya saka n'ya inirapan ang dalaga.
Umupo ito sa tabi n'ya at kinuha ang remote ng T.V saka ito binuksan.
"So, Hestia, ano ba talaga ang totoong nangyari? Ba't ka umalis sa Spain? Ba't mo iniwan ang kompanyang pinaghirapan mo? " sunod-sunod na tanong n'ya rito. Napabuntong-hininga naman ang dalaga.
"Helix, gusto ni Papa na magpakasal ako sa ibang lalake, para mas lalo pang umunlad ang kompanya namin, " malungkot na sagot ni Hestia.
"Ano? Ang kompanya n'yo na nga ang pinakama-impluwensya na pagawaan ng alak sa Spain, ano pa bang gusto n'ya? "
"Gusto n'ya ata na merong Garcia Brewing Company sa bawat sulok ng mundo. Kaya ko naman gawin 'yon, pero hindi gano'n kadali, " nangingilid na ang luha ng dalaga ".. Helix, you know that I can't and won't marry a stranger, or a guy that I don't really love. At sa totoo lang, masakit sa akin na mas pinipili pa ni Papa ang kapakanan ng kompanya, kesa sa kasiyahan ko, pakiramdam ko tuloy hindi na n'ya ako mahal, " hindi na napigilan ni Helix na yakapin ang kaibigan.
"Shhh, mahal ka ni Tito Nico. Mahirap nga 'yan, mabuti ngang magpahinga ka muna. Deserve mo naman ang magpahinga dahil iginugol mo ang buong buhay mo sa trabaho, " pag-aalo n'ya.
"Salamat, Helix, "