"Nakikilala mo ba lahat nang tao na yan?" Tanong sa kanya ni Luke habang nakalatag sa lamesa ang mga picture nang mga taong namamalakad sa club.
Tinignan niya mabuti isa-isa ang mga picture na nakalatag sa kanyang harap, saka tumingin kay Luke.
"Oo. Lahat sila members ng club. Pero bakit wala kayo ng picture ni boss?" Takang tanong niya kala Luke at Ken.
Nagkatinginan ang dalawang lalaki na kasama niya saka tumingin ng may pagtataka sa kanya.
"What do you mean, angel?" May pagtatakang tanong sa kanya ni Ken.
"Mr. Muler ang manager nang club, hindi ba?" May pag-tatakang rin na tanong sa kanya ni Luke.
"Oo. Si Mr. Muler ang humaharap sa mga customer ng club. Pero may isa pa kaming manager, pero tinatawag namin siyang boss."
"Anong pangalan?" Tanong ni Luke.
Nag-kibit balikat siya. "Walang nakakaalam sa amin kung anong pangalan niya. Basta boss lang ang tawag sa kanya nang lahat, pero kung itatanong ninyo kong anong itsura niya, mailalahad ko sa inyo ang buong detalye."
Nakita niyang tumango si Luke saka tumayo.
"Tatawagan ko lang si Henry." Sabi nito saka pumunta sa biranda ng condo.
Nang pumayag siyang makipagkita kay Luke ay agad silang pumunta ni Ken sa condo nito.
"Ken, pweding mag tanong?"
Tumingi sa kanya si Jacob at tumango. "Ano iyon, angel?"
"Ano ba ang trabaho mo? Ninyo? FBI agent kaba o pulis? Saka paano mo nalaman na nasa club ako?" Sunod-sunod na tanong niya dito.
Napansi niya ang pagkataranta sa mga mata nito, saka ito umiwas ng tingin.
"Federal Bureau of Investigation or FBI ang trabaho ko sa america ng ilang taon, pero nag resign na ko. Tinutotokan ko na ang family business namin. At kong tinatanong mo naman kong paano kita nahanap. Simple lang connection."
Napatango-tango na lang siya. Magtatanong pa sana siya dahil may tanong siyang hindi nito na sagot pero lumapit at umupo na si Luke sa kinauupuan nito kanina.
"Fifteen minute. Darating na si Henry." Sabi nito ng makaupo habang abala sa cellphone na hawak nito.
"Fuck."
"Shit."
"Tangina. Si Martinez."
Kinabahan siya nang sunod-sunod na nagmura ang tatlong lalaking kasama niya ng matapos niyang ilarawan ang itsura nang boss nila sa club sa lalaking na ngangalang Henry.
Akala niya noong una ay hindi nakikinig sa kanya si Henry dahil BC ito sa computer na hawak nito habang nagsasalita siya.
Pero laking gulat na lamang niya ng matapos siyang magsalita ay iniharap nito sa kanya ang laptap nito at nakapaskil na duon ang muka ng tinatawag nilang boss.
Tumingin siya kay Ken, at nakita niya sa muka nito ang galit. "A-anong problema, Ken?" Kinakabahan niyang tanong sa katabi.
Huminga muna ito ng malalim saka humarap sa kanya ng may pilit na ngiti. "Wala, angel." At saka siya nito hinalikan sa noo.
Hinawakan ni Ken ang kamay niya saka humarap sa mga kaibigan nito.
"Mauna na kami. Henry, Luke." Sabi nito saka tumayo, at dahil hawak nito ang kamay niya ay nadala narin siya sa pagtayo nito.
"Sasabay na ako. Kailangan ko pa itong ireport kay Leo." Sabi ni Henry.
Iniligpit nito ang laptap na ginamit nito kanina saka tumayo.
Lumakad na sila Rebecca palabas ng condo ni Luke at sumakay sa elevator.
Nang makarating na sila sa unang palapag ay lumabas na sila ni Ken ng elevator, ngunit laking pagtataka niya ng maiwan si Henry sa loob.
"Ken, si Henry?" Agaw pansin niya dito at binaling ang tingin sa pinto ng elevator na sumara.
"May pupuntahan pa yon. Saan mo gusto kumain, angel?" Tanong nito habang papalabas sila ng building.
Huminga na lamang siya ng malalim, palagay niya ay may hindi ito sinasabi sa kanya.
Dahil unang-una ang sabi nito resign na ito bilang FBI agent, pero bakit parang iniimbistigahan nito at nang mga kaibigan nito ang mga tao na may kaugnayan sa club?
"Angel?"
Napahinto siya sa paglalakad ng huminto at pumunta sa harap niya si Ken at inangat ang kanyang muka.
"B-bakit?" Nauutal na tanong niya ng bumilis ang t***k ng kanyang puso ng magsalubong niya abo nitong mga mata.
"Tinatanong kita kung saan mo gusto kumain, pero mukang malalim yata ang iniisip mo. Wag mo akong masyadong isipin Angel nasa tabi mo lang naman ako." Sabi nito habang umaangat ang gilid ng labi nito.
Namula ang mag kabila niyang pisngi dahil sa sinabi nito.
"Hoy, ang kapal ng muka mo hindi ikaw ang iniisip ko no. Ikaw lang ba ang pwedi kung isipin. Tsk mas maganda pang isipin ang gwapong muka ni Chris Evan no."
Kinikilig niyang sabi, pero parang gusto niyang bawiin ang huling sinabi ng magdilim ang muka nito.
"Who's the f*****g ugly man?" Mahina ngunit puno ng diin nitong tanong sa kanya.
Napalunok siya at napakagat ng labi dahil sa tanong nito.
"Ahmm.. Ken, h-hindi mo k-kilala si Chris Evan?"
Napaiwas siya ng tingin dito ng matalim siya nitong tinignan.
"Kailangan ko ba talagang makilala ang taong iyon.. Rebecca Magsaysay. Now tell me. Sino ang lalaking iyon at ng madala ko siya sa hukay." Galit na galit nitong tanong sa kanya.
Shit! Tinawag na ako nito sa totoo kung pangalan. Galit na siya.
Yung totoo Ken. Sa america ka ba talaga ng galing o sa planetang mars at hindi mo kilala si Chris Evan.
Gusto man niyang isatinig pero mas pinili na lang yang hindi, baka mas lalo pa kasi itong magalit.
"Rebecca. Look at me. And tell me."
"Ehem. P-uwedeng sumakay mo na tayo sa kotse mo. Pinagtitinginan na kasi tayo." Hindi tumitingin na sabi ko dito.
Paano pa naman pinagtitinginan na sila ng mga tao. Nakatayo pa naman sila sa tapat ng pasukan ng condo, pero bakit kaya walang sumisita sa kanila.
Nagulat siya ng hatakin siya nito. Muntik na niyang makalimutang hawak pala nito ang kamay niya.
Nang makalapit sila sa nakaparada nitong kotse ay walang imik itong pinagbuksan siya ng pinto, at halos mapatalon siya sa gulat ng padabog nitong isinara ang pinto ng makapasok na siya.
Kagat ang labi na mabilis niyang ikinabit ang seatbelt ng sumakay na sa driver seat si Ken at mabilis na pinatakbo ang kotse.
Kinakabahan siyang mahigpit na humawak sa seatbelt dahil sa bilis na pagpapatakbo nito.
"Ken bagalan mo." Malakas niyang sabi dito, dahil kinakabahan na siya sa bilis ng pagpapatakbo nito at napapikit siya ng makaramdam ng pagkahilo.
Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata ng ihinto na nito ang kotse.
Iimpeksyonin na sana niya ang sarili at baka may sugat siya, pero hindi na niya nagawa ng bumukas ang pinto sa tabi niya at binuhat siya nito na parang sako ng bigas saka pumasok sa loob ng bahay.
"Jacob, ibaba mo ko. Hindi nako natutuwa." Sumisigaw niyang sabi dito pero para lang itong walang narinig at nagpatuloy paakyat sa pangalawang palapag ng bahay.