CHAPTER 3

1330 Words
     Sa kalagitnaan ng gabi ay tinatahak ni Jacob ang daan papunta sa office ng manager ng club. "Inihatid na ng isang babae si Magsaysay sa isang VIP room." Rinig niyang sabi ni Henry sa earphone na nasa tinga niya. Hindi mahahalata ang earphone dahil nakasabit lang ito sa tenga niya at parang hikaw lang kong titignan maigi. Gawa ni Luke ang earphone. Si Luke ang tagagawa nila ng mga gadget na ginagamit nila sa bawat mission na ginagawa nila. Nakahinga siya nang malalim dahil sa sinabi ni Henry. "Napalabas ko na ang mga bata. Pero ang mga nasa 15 years old pataas ay hiwalay-hiwalay ng mga kuwarto. Mukang mahihirapan ako nito." Rinig din niyang sabi ni King. Napailing siya sa narinig. Kaylangan na nilang mag madali. Kapag nakahata ang mga dimonyo na napasok sila siguradong mag kakaputokan. "Papasok na ko sa manager office." Mahinang bulong ni Jacob na alam niyang narinig ng mga kasamagan niya. Tumigil siya sa paglalakad nang nasa harap na siya nang pinto at saka kumatok. "Bukas iyan." Rinig niyang sabi mula sa loob ng kuwarto. Binuksa niya ang pinto at tuloy-tuloy na pumasok. Ng tumigil siya sa harap ni Muller ay tumayo ito mula sa pagkakaupo at nakipagkamay sa kanya. "Mr. Black natutuwa akong makita ka." Binitiwan ni Jacob ang kamay nito saka namulsa at nginitian niya ito ng tipid. "Ako rin Mr. Muller." At ngayon hindi kana makakaiwas sa kamatayan mo. Tugtong niya sa kanyang isip. Muller o John Mark Muller. Drug dealer at nagbebenta ng mga babae o human trafficking. Matagal-tagal narin nila ito sinusubaybayan at tinangkang patumbahin, pero madulad ang gago. Pero tignan lang natin kung makaligtas kapa ngayon. "Shit." Rinig niyang mura ni Logan kasunod ng dalawang putok ng baril. Hindi niya narinig ang putok ng baril mula sa kuwarto kung nasaan siya ngayon. Ibig sabihin nito malayo ito sa lugar niya. "Mr.Black kung gusto mo ako na ang maghahatid sayo sa kuwarto na gagamitin mo?" Tanong nito sa kanya. v "No need. Sabihin mo nalang sa akin kung anong room number." "OK. Room 46" Nginisihan niya ito. "Thank you Mr. Muller." Inabot niya dito ang kamay niya. Nang hahawakan na nito ang kamay niya ay mabilis na kumilos si Jacob. Ipinalibot niya ang dalawang kamay sa ulo nito saka binali ang leeg. Nang bumagsak ang katawan ni Muller sa sahig ay mabilis siyang lumabas ng silid at ni lock ang pinto. Patakbo niyang tinungo ang kuwarto na sinabi ni Muller sa kanya. Nang makarating siya sa harap ng pinto ay huminga siya ng malalim. "After five year. Makikita na muli kita." Mahinang bulong niya sa sarili. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at ng makapasok siya ay ang nakahubad na si Rebecca na nakaupo sa kama ang agad niyang nakita. Dahan-dahan niyang sinirado ang pinto habang nakatingin siya sa takot na takot na babae. Humakbang siya palapit dito at ganoon na lamang ang pagkirot ng kanyang dibdib ng makita niya itong napausog. Nang makalapit siya sa kama ay kinuha niya ang kumot na nakatupi na nakapatong sa paanan ng kama saka niya ito pinantakip sa hubad nitong katawan. Dumilat ito at tumingin sa akin. "Ken?" Naiiyak na sabi nito sa kanya habang inaaninag nito ang muka niya. Pinunasan niya ang mga luha nito. "You safe now. My angel." Medyo nagulat pa siya ng yakapin siya ito pero agad niyang sinuklian ng mahigpit na yakap ang yakap nito sa kanya.      Napabitaw siya ng yakap kay Ken ng makarinig siya ng pagsabog kasunod ng sunod-sunod na putok ng baril. "Ken. Anong nangyayari?" Natataranta niyang tanong dito. Hindi siya nito sinagot. At sa halip ay hinubad lang nito ang jacket na suot-soot saka inabot sa kanya. "Isuot mo to. Kaylangan na nating umalis bago pa sumabog ang mga b*mbang itinanim ni Luke sa paligid ng club." Mabilis nitong sabi saka tumalikod. Kahit na nangangatog ay pinilit niyang tumayo at sinuot ang jacket. Ng masuot na niya ito ay umabot ito hangang sa tuhod niya. "Puwede ka nang humarap." Mahinang sabi niya dito. Agad itong humarap sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. "Sundin mo lahat ng sasabihin ko maliwanag angel." Siryosong sa ni Jacob sa kanya habang nakatingin sa kanyang ang mga kulay abo nitong mata. Napatango na lang si Rebecca dito dahil pakiramdam niya ay nalulonod siya habang nakatingin sa mga kulay abo nitong mata. Nginitian siya nito saka humarap sa may pinto. Lumakad na sila palapit sa nakasiradong pinto ng makarinig sila ng mabibilis na yapag ng paa. Binitawan ni Ken ang kamay niya saka muling humarap sa kanya. "Wag mong bubuksan ang pinto kapag hindi ako ang kumatok maliwag, Angel?" "O-oo." Nauutal niyang sabi. "Mag-iingat ka Ken." Nag-aalalang sabi niya dito ng kumilos na ito. Binuksan na nito ang pinto at lumabas na ng kuwarto. Nagtungo siya sa lukod ng pinto at dinikit ang tenga dito para marinig niya ang nangyayari sa labas. "Mga boss anong broblema? May narinig kasi akong sumabok at putok ng baril." Rinig niyang tanong ng bosses ni Ken "Sino ka? At anong ginagawa mo dito?" Rinig niyang tanong ng isang boses ng lalake. "Customer ako dito. Itanong mo pa kay Mr. Muller siya ang umasikaso sa akin at sa katunayan niyan ay kakakausap ko lang sa kanya kana-kanina lang bago ako pumunta dito." Sagot ni Ken sa mahinahong boses. Hindi niya alam pero kapag naririnig niya ang boses nito ay kumakalma siya at para bang ligtas siya kapag nasa malapit lang ito. "Tangina. Siya ang pumatay kay boss." Rinig niyang sabi ng isang galit na boses ng lalaki. Napasigaw siya at napatakip ng tenga saka napaluhod ng makarinig siya ng tatlong sunod-sunod na putok ng baril mula sa labas. Ken. Agad na sigaw niya sa kanyang isip. Nang tumahimik ang palagid sa labas ay pinilit niyang tumayo kahit na nangagatog ang kanyang mga tuhod. Lumapit siya sa gilid ng pinto at binuksan ito ng maliit at sumilip sa labas. Pero hindi paman niya nakikita kong ano ang ng yari ay may katawan na agad ang humarang sa kanyang paningin. Unti-unti niyang inangat ang kanyang muka at ng makita niya ang muka ni Ken ay agad siyang nakahinga ng maluwag. Umiiyak niyang binuksan ng malaki ang pinto saka niya ito niyakap. "Ken." Hinawakan nito ang mag kabila niyang balikat saka siya inilayo ng kaunti sa katawan nito. Nagtatakang napatingin siya sa muka nito. At ganon nalang ang takot niya dito ng makitang madilim ang muka nito at nagkulay itim ang mga abo nitong mga mata. Alam niya na galit ito dahil hindi niya sinunod ang sinabi nito. "I told you. Na wag mong bubuksan ang pinto." Napalunog siya sa takot sa diin ng pagkakasabi nito. "Sorry." Napayuko at na iiyak niyang sabi dito. Kasalanan naman talaga niya. Dapat nakinig siya dito lalo na at nagkapotokan kanina. "Kalimutan mo na. Halikana kaylangan na nating umalis dito." Hinawakan nito ang kamay niya saka siya nito hinila. Habang hawak-hawak ng kanang kamay nito ang kaliwang kamay niya ay nagagawa parin nitong makipag palitan ng putok ng baril sa mga armadong lalaki na nakakasalobong nila. Habang nakatago siya sa likod nito. Hindi niya mapigilang magtitinili sa bawat putok ng baril na maririnig niya. Pero kampante siyang hindi siya mababaril dahil pinoprotektahan siya ni Ken. Nakahinga siya ng maluwag ng makalabas sila ng club at makasakay sa kotse nitong nakaparada lang sa harap. "Seatbelt angel. Faster." Nagmamadaling sabi nito sa kanya. Agad niyang kinabet ang seatbelt at ng matapos siya at agad na pinaharorot nito ang kotse. "Malayo na kami Luke."      Napatingin siya dito dahil sa sinabi nito. Wala naman kaming ibang kasama ah. Nagtatakang bulong ng isip niya. Kanina pa kasi siya nagtataka dahil kanina pa ito nagsasalita at para bang may ibang kausap. "Aahhh!" Napatili siya ng makarinig ng malakas na pagsabog mula sa likuran nila. Agad niya itong nilingon at ganon na lamang ang paglaki ng kanyang mga mata ng makitang tinotopok na ng malaking apoy ang club. At Alam niyang sa mga oras na iyon ay malaya na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD