28th Blood: Trauma “SEIGE, awat na. Uso na ang toxication, baka naman malason ka n’yan sa sobrang dami ng iniinom mong droga. Sabi mo konti lang, para lang makatulog ka ng mahimbing. Iba na rin ba ang kahulugan ng konti ngayon?” Dinig ni Seige ang sarkasmo sa tinig ni Dex. Ngunit wala na siya sa kanyang wisyo upang intindihin pa iyon. Lutang pa rin sa kanyang isipan ang pag-aalala para kay Cattleya, ang mate niya. Paulit-ulit pa ring tumatakbo sa kanyang isipan ang mga katanungan. Kamusta na siya? Maayos lang kaya siya matapos ang lahat? Paano na ang lobo ni Cattleya ngayong may minarkahan na siyang ibang babae? Was is strong enough to survive the pain? Would it hurt his mate? Naramdaman na naman niya ang sakit. That familiar nagging ache i

