"Renz." Napatingin ako sa kuwarto ni Oliver. Naroon siya sa may pinto at tila kanina pa niya ako inaabangan. "Mukhang nagkapalit na tayo ngayon. Ikaw na ang nag-aabang sa pag-uwi ko," malamig kong tugon sa pagbati niya. "Shut up and come in," utos niya sa akin bago niya binuksan nang maluwang ang pintuan ng kuwarto niya. Wala sa loob na pumasok ako roon at patamad na umupo sa couch na naroroon. Siya naman ang umupo sa gaming chair niya pagkatapos niyang iharap iyon sa akin. "Kumain ka na ba? What happened? Bakit ganyan ang mukha mo?" magkakasunod niyang tanong. "Tinatamad akong kumain. Kauuwi ko lang pagkatapos kong ihatid si Lyke. At matagal nang ganito ang mukha ko," magkakasunod kong sagot sa mga itinanong niya. "Pwede ba, Renz, 'wag mo akong pilosopohin. Anong nangyari sa

