Chapter 7

1927 Words
It's a Monday morning. Kahit paano naman ay nakabawi na ako mula sa dinanas kong kahihiyan mula kay Renz last week. I decided not to think of it anymore. Kalilimutan ko na lang gaya ng paglimot ko sa iba pang masasamang alaala at karanasan ko. Those bad things won't lift me up and I don't want them to pull me down. Kotang-kota na ako sa masasamang alaala at karanasan. Malapit na akong maubos at hindi ko hahayaang mangyari iyon. Sa tatlong araw na pagpapahinga ay pilit ko nang itinago na lang sa kasuluk-sulukan ng puso ko ang pagdaramdam ko kay Renz. Iniisip ko na lang na it's a part of history and it shouldn't affect me today, tomorrow, and in the future. I should make happy memories and not sad ones. At hinding-hindi ko susukuan si Renz. Ano mang masama o masakit pa na mararanasan ko sa kanya, hindi ako susuko. Gaya ng sabi ni Daddy, kung hanggang pagkakaibigan lang ang kaya niyang ibigay then magiging masaya na ako roon. "Bye, Daddy! See you later," pagpapaalam ko kay Dad at pagkatapos ay humalik ako sa pisngi niya. "Galingan mo sa mga klase mo, anak. Ipakita mo sa lahat na Samonte ka. Matalino na, madiskarte pa!" nakangiting bilin naman sa akin ni Daddy. "Dad, ako pa?" Nanunudyong ngumisi ako sa kanya. "That's my girl! My one and only girl!" proud niyang sabi sa akin. Isang kaway ang iniwan ko sa kanya bago ako tuluyang bumaba sa sasakyan. Buti pa ang mga magulang ko, palaging mga nakakapagpasayang mga salita ang ipinapabaon nila sa akin sa araw-araw. "Lyke!" "Kuya Oli!" Matamis ang ngiting isinalubong ko sa kanya. Aba, tignan mo nga naman. This time, may kasama na siyang sumalubong sa akin. "Buti naman at pumasok ka na," kaagad niyang sabi nang nakatayo na siya sa harapan ko. "I've heard about what happened between you and Renz last Thursday." Nawala ang ngiti ko. Kahit pala tatlong araw kong pilit na ibinaon sa limot ang pangyayaring iyon, may munting kirot pa rin itong dala sa puso ko kapag may nagpapaalala sa akin nito. "Ah, wala na iyon. Kalimutan na lang natin, Kuya Oliver. Noong Friday naman ay may inasikaso kami kaya hindi ako nakapasok." Nagpaliwanag na ako agad dahil sa sinabi niya ay tila si Renz ang dahilan kaya hindi ako pumasok noong Friday. Totoo naman iyon pero syempre, kailangan namang may matira sa aking konting dignidad. "Hi, I'm Lyke," pagpapakilala ko sa kasama niyang babae. Kanina pa kasi ito naa-out of place dahil sa pag-uusap naming dalawa ni Kuya Oliver. Inilahad ko ang kamay ko sa kanya na kaagad naman niyang tinanggap. "I'm Gaizel Valdez. Kaibigan ako ni Oliver and I'm the VP of the student council." "Isinama ko na siya dahil may pupuntahan kami mamaya. By the way, hindi ka ba daraan sa gym? May practice game ulit sila Renz ngayon." Ngumiti ako kay Kuya Oliver. Gusto kong makita si Renz, oo, pero parang natatakot pa akong makita siya. Baka kasi mawalan pa siya ng mood sa paglalaro niya kapag nakita niya ang pagmumukha ko. "Next time na lang, Kuya. Makikikopya na muna ako ng mga lessons na na-miss ko last Friday. Mahirap nang matawag sa recitation tapos wala akong maisagot." Tumitig si Kuya Oliver sa akin na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. Alam ko naman iyon. At alam kong alam niya na kung pwede lang ay bantayan ko si Renz maghapon dito sa eskuwelahan. Iyon nga lang, dahil sa nangyari noong Thursday ay iiwas na muna ako sa kanya. "Ganon ba? O sige, tara. Hatid ka na muna namin." Napansin kong napatitig naman si Gaizel kay Kuya Oliver dahil sa pagbo-volunteer nitong maihatid ako. Nawala rin ang ngiti niya at nagkaroon ng lambong ang mga mata niya. Hindi kailangan ng mga salita but she obviously likes Kuya Oliver and she's jealous of the attention the guy was giving me. For her, he is not only a friend and a co-officer. I should know. I see that look in front of the mirror everyday whenever I'm thinking of Renz. "Kuya, hindi na. 'Di ba sabi mo ay may pupuntahan pa kayo? Ayokong makaistorbo sa inyo." "Oo nga naman, Oliver. Baka mainip na iyong mga naghihintay na officers natin," pagsang-ayon ni Gaizel sa akin. "Let them wait, Gaiz. Bago pa lang si Lyke dito sa school. Baka mamaya sa ibang building pa siya pumasok." "Kuya Oliver naman. Anong tingin mo sa akin? Makakalimutin?" Dinaan ko sa biro ang pagtanggi ko sa kanya. "Opo. Tignan mo nga. Nakalimutan mo iyong cookies na ibinilin ko sa'yo last week." Humalukipkip pa siya sa harapan ko. "Hinding-hindi na ako gagawa ng cookies, Kuya." Pilit kong pinapasaya ang boses ko. Hinding-hindi na talaga ako gagawa dahil nakaka-trauma iyong naging judgment ni Renz sa cookies na gawa ko. "Kung hindi niya gusto, ako gusto ko. Sige kung hindi mo na ako gagawan ng cookies bukas, hindi ka dapat magreklamo kung ihahatid kita hanggang sa pintuan ng classroom ninyo." Hinawakan pa niya ang isang braso ko at nag-akmang hihilain niya na ako papunta sa direksiyon ng building namin. "Promise, gagawan na kita bukas!" nagmamadali kong saad. Kinalas ko na rin ang pagkakahawak niya sa braso ko dahil nasulyapan kong matalim na tingin ang iginawad ni Gaizel dito kaninang hawakan ito ni Kuya Oliver. "Sige na. Ba-bye, Kuya Oliver! Bye, Miss Gaizel!" Hindi ko na hinintay na makasagot pa ang kahit na sino sa kanila. Halos lakad-takbo na ang ginawa ko para lang iwanan sila. Hingal na hingal tuloy akong nakarating sa classroom namin. "Hi!" masigla kong bati sa kaklase kong bukod tangi na hindi nambabato sa akin ng matatalim na tingin. "Can I sit beside you?" Nang tumango siya ay naupo na ako sa bakanteng upuan sa tabi niya. "Look, nagtabi ang dalawang losers." Hindi ko pinansin ang pagpaparinig ng isa sa mga kaklase ko. "Umm, wala kasi ako last Friday. Pwede bang mahiram ang notes mo?" Tumitig muna siya sa akin bago tumango. Kinuha niya ang bag niya at saka niya inilabas ang binder niya. Kinuha ko naman iyon nang iniabot na niya sa akin at kinuhanan ang mga lectures gamit ang phone ko. "Salamat. I'm Lyke, by the way," pagpapakilala ko sa kanya. "Jacqueline." "Thank you, Jacqueline. Would it be okay with you kung tabi na tayo araw-araw? Parang galit yata iyong iba nating kaklase sa akin." "No problem. Parang galit din sila sa akin, eh," sagot naman niya. "'Wag na lang natin silang pansinin. Friends?" Inilahad ko ang kamay ko sa kanya na malugod naman niyang inabot sabay sabing, "Friends." Sa loob ng ilang oras na lecture ay siya nga ang kausap ko kapag bakanteng oras namin. When lunch time came, I'm glad she was with me dahil hindi dumating si Kuya Oliver para may makasama ako. Siguro ay naging busy siya today. Hindi naman malabo iyon dahil president siya ng student council so araw-araw bukod sa mga klase niya ay busy rin siya sa organization niya. "Lyke, mamayang hapon ay mamimili na tayo ng mga clubs kung saan tayo magme-member. Saang club mo gustong sumali?" tanong sa akin ni Jaki habang kumakain kami. "Ano-ano ba iyong mga clubs?" "May music club, cooking club, swimming club, karate club, at kung anu-ano pa," sagot niya pagkatapos niyang lumunok. "Hmm, saan ka ba sasali?" Ibinalik ko sa kanya ang tanong niya sa akin kanina. "Balak ko sana sa chess club." Biglang tumunog ang invisible bell sa may tenga ko. Chess Club? Hindi ba at kasali si Renz sa club na iyon ayon sa sources ko? Isa iyon sa hilig niya bukod pa sa hiking at basketball. "Siguro sa cooking club na lang ako sasali at saka sa swimming," pinal kong sagot. Hindi naman sa iniiwasan ko si Renz pero mas mabuti sigurong hindi niya ako palaging nakikita. Mas okay kung ako na lang lagi ang nakakakita sa kanya kahit na hindi niya ako nakikita. "Bakit sa cooking club pa? Hindi ka ba nagluluto sa bahay ninyo?" nagtatakang tanong ni Jaki. "Hindi, eh. Wala akong skill at talent sa pagluluto kaya gusto kong matutunan. Gusto ko ring i-surprise ang parents ko. Gusto kong matutong magluto para maipagluto ko ang mga taong mahal ko." And hopefully, that will include Renz in the future. Sa isipan ko na lang sinabi ang mga katagang iyon. "Ah, may reason naman pala. Sige. Good luck sa atin, Lyke. Sana ay mapili tayong officers sa clubs na sasalihan natin." "Good luck!" masaya kong sagot sa kanya. ... Uwian na ngunit wala pa ring Kuya Oliver na nagpapakita sa akin. Sayang, ibabalita ko pa sana sa kanyang napili akong officer ng isang club na sinalihan ko. Ewan ko ba sa mga members ng swimming club at tila pinagkaisahan nila akong iboto as their muse. Marami namang higit na magaganda at matatangkad na older members kesa sa akin. Mapapasali pa tuloy sa induction program na gaganapin next Friday dito sa school. Napatingin ako sa paligid nang biglang manahimik ang kanina ay maingay na hallway. "Anong nangyayari? Bakit biglang tumahimik?" nagtataka kong tanong kay Jaki na kasabay kong palabas sa building. "Ewan ko ba. Teka, titingkayad ako para masilip ko iyong pinagkakaguluhan nila," sagot naman nito sa akin. Pinanuod ko siya sa ginawa niyang pagkapit sa pader para maasistehan siya sa ginawa niyang pagtingkayad. Lalo akong nakuryos nang manlaki ang mga mata niya at mapatakip ang isang kamay niya sa may bibig niya. "Oh, my God, Lyke!" Impit niyang tili nang makabalik na siya sa tabi ko. "Bakit?! Ano iyong nakita mo?" takang-taka kong tanong habang namimilipit siya sa kilig sa tabi ko. "Si Renz! Si Renz ang pinagkakaguluhan nila roon na tila may hinihintay! Oh my gosh, ako yata iyon!" Impit ulit siyang tumili na tila kinikiliti. Nawala naman ang excitement sa mukha ko dahil muli kong naalala iyong huli naming tagpo. "Um, Jaki, mauna ka nang umalis. Sa kabila na lang ako na hallway daraan." "Ha? Eh, mas malapit ang labasan dito kesa roon, Lyke. Mapapalayo ka pa. Dito ka na lang. Madaraan mo pa si Renz. 'Di ba, crush mo siya?" "Ha? Paano mo nalaman..." Inikutan niya ako ng mga mata. "Jusko, Lyke. Dito sa school, walang nakakalampas sa mga tsismosa. Tsismis in just one minute!" tila nagmamalaki pa niyang sabi. Nag-init naman ang mga pisngi ko. Alam na pala ng lahat na may crush ako kay Renz. At sigurado akong pati iyong nangyari sa amin noong Thursday ay kalat na rin kaya nakaabot din iyon sa kaalaman ni Kuya Oliver. "Hayaan mo na. 'Wag mo nang isipin iyon. Tsaka marami naman talagang nagkaka-crush sa kanya hindi lang ikaw," pagpapakalma sa akin ni Jaki na naramdaman yatang napahiya ako. "Oo, hahayaan ko na lang. Sige, ha? Doon na ako sa kanila daraan. May ano... May usapan kami ni Kuya Oliver na magkikita, eh. Sige, bye! See you tomorrow!" Hindi ko na siya hinintay pang makasagot. Tumalikod na ako at may pagmamadaling naglakad papaalis. 'Di bale nang mapalayo ako. 'Di bale nang mapagod ako. Ang importante ay maiwasan ko si Renz. Akala ko kasi ready na ako pero noong malaman kong makakasalubong ko siya, I realized na hindi pa pala. Malungkot kong ipinagpatuloy ang may kabilisang paglalakad ako. Nakakalungkot kasi minsan kahit anong pagpapalakas pala ng loob ang gawin ko, mahina pa rin pala talaga ako. "Lyke, wait!" Napatigil ako sa paglalakad at napalingon. Parang boses kasi ni Kuya Oliver iyong tumawag sa akin. Ngunit pagharap ko ay nanlaki ang mga mata ko. I realized na hindi pala si Kuya Oliver ang tumatawag sa akin kung hindi si... "Renz..." anas ko sa pangalan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD