"Nakita n'yo 'yun? Oh, my goooosh! Tinignan niya ako!" Napatingin ako sa katabi kong si Hannah. Kulang na lang ay mahimatay ito sa sobrang kilig na nadarama habang natatawa sa kanya ang iba pa naming pinsan. "Ang guwapo-guwapo niya! Oh my! At tinignan niya ako! Nagtama iyong mga mata namin!" patuloy niyang pagmamalaki sa iba pang kasama namin samantalang napatingin ako sa hagdan kung saan umakyat ang lalaking tinutukoy nito kanina kasama ang mga kaibigan nito. Kay Hannah ba talaga tumingin iyong lalaki o... Sa akin? Kilala ko siya. And I'm sure nakilala niya rin ako. Siya iyong lalaki na nakatabi ko sa flight namin pabalik dito sa Pilipinas. Pero baka naman nagkakamali ako. Baka kay Hannah talaga siya tumingin. Ngunit wala naman siyang dahilan para kay Hannah tumingin, 'di ba? "Pa

