Chapter 30

2052 Words

"What? Ulitin mo nga iyong sinabi mo, Lyke," nagpa-panic kong pakiusap sa kanya. Seryoso ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Sinasabi nila sa akin na wala ng makakapagpabago pa ng pasya niya. "I'm breaking up with you, Lawrence. At kahit ilang ulit mo pang ipaulit sa akin, ito at ito pa rin ang sasabihin ko," hindi mababaling sagot niya. "Pero bakit? Ano ang rason, Lyke?" tigalgal pa ako sa sinabi niya kaya halos maging ako ay hindi na maunawaan ang mga sinasabi ko. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang mga braso niya ngunit malakas siyang pumiglas na tila nandidiri siya sa ginawa kong paghawak sa kanya. Hindi ko pinansin ang pagkainsultong naramdaman ko dahil sa ginawa niyang iyon. Ang gusto ko lang ay masagot niya ang mga tanong ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD