Renz. Lawrence Anthony Caballero. Bakit ba palaging laman ng isipan ko ang pangalang iyon mula nang marinig ko ito mula kay Mr. Oliver Caballero? Parang kilala ko iyong pangalang iyon na parang hindi. Ano ba 'yan, Lyke?! Parang kilala mo na parang hindi. May ganon ba? Oo, may ganon at itong Renz Caballero nga na iyon. Baka naman nakilala ko na siya noon at isa siya sa mga nakalimutan ko. Pero kung nagkakilala na kami dati, bakit walang sinabi si Oliver? Kung nakilala ko na si Renz Caballero noon, siguradong nakilala ko na rin si Oliver dahil magkapatid sila. Kaya ba sabi ni Oliver kanina ay pamilyar ako sa kanya? Kaya ba magaan ang loob ko sa kanya? Ngunit kahit ano ang gawin kong pagpipilit ay wala akong maalala. Ni mukha ng Lawrence na iyon ay wala. At hindi ko na rin maintindihan

