RENZ School days are always boring. Ngunit sa nakaraang mga araw ay tila mas nagiging boring pa iyon sa akin. Wala namang nabago sa routine ko sa bawat araw na pagpasok ko sa bawat linggo na nagdaraan. Practice sa umaga, klase pagkatapos, lunch at pagkatapos ay klase ulit. Ngunit kakaiba sa akin ang linggong ito. Hindi ko alam kung bakit tila may hinahanap akong presensiya. Hindi ko alam kung bakit may hinahanap ang mga mata ko at gustong makita. And no matter how I f*****g deny it, I miss her. Her. That girl. Iyong freshman na minsan ay nakakakuha sa aking atensiyon ngunit kadalasan kong kinaiinisan. Yes, she can annoy the hell out of me. Unang kita ko pa lang sa kanya, I can already sense na wala siyang ibang dadalhin sa akin kundi trouble. At hindi nga ako nagkamali. She's

