Oliver has proven himself to me. Sa loob ng isang buwan na panliligaw niya ay napatunayan niya kung gaano siya ka-gentleman, ka-generous, at kung gaano siya karesponsable bilang manliligaw ko. Sa araw-araw ay hatid-sundo niya ako sa school. Magdi-dinner muna kami bago niya ako ihahatid sa bahay namin. Madalas nga akong kainggitan ng mga kaklase kong naging kaibigan ko na rin sa tuwing ihinahatid niya ako at sinusundo sa hapon. Sa lalo ring paglalim ng pagkakakilala ko sa kanya, mas nagiging malapit ako sa kanya Lalo na at marami kaming bagay na napagkakasunduan. Sa ngayon, konting panahon na lang ang hinihintay ko upang maging pormal na ang relasyon namin. Pero bakit pa nga ba ako naghihintay ng tamang oras para sagutin si Oliver? Sa totoo lang, hindi ko rin maintindihan ang sarili k

